Sabrina's P.O.V. Ngayon ang opening ng aking maliit na Negosyo. Lutong Bahay at mga kakanin ang pwedeng makain at mabili sa munti kong Sabrina's Kainan. Humiram ako ng isang daang libo kay Sir Lorenzo para makapanimula ng negosyo na ibabalik ko lang naman kapag kumikita na ang kainan. Dalawang buwan na ang tiyan ko, pero parang walang bata sa aking sinapupunan dahil ang liit-liit pa rin at ang sexy ko. Katulong ko ang mga kaibigan ko sa pagluluto ng mga lutong pang-ulam at meryienda. Present din ang tropa nila Tililing na kinuha ko bilang mga staffs ng kainan ko. Sana magbagong buhay na sila para hindi na magbenta ng laman para may maikain araw-araw Mababait naman sina Magna at Tililing, sadyang kumakapit lang sa patalim para hindi kumalam ang mga sikmura, pero pagkakataon na nila

