SABRINA'S P.O.V.
"Banana Cue! Camote Cue kayo d'yan! Mainit- init pa! ", sigaw ko habang nakapatong sa aking ulo ang isang malaking bilao kung saan nakalagay ang mga paninda ko.
"Ma'am , bili na po kayo ng tinda ko", pakiusap ko sa isang babae habang may hinihintay sa tapat ng tindahan ni Aling Lina.
"Magkano ba yan? ", tanong niya matapos kong ibaba ang bilao mula sa aking ulo.
"Bente po ang kada tuhog ng Banana Cue at Camote Cue, pero sulit na po yan Ma'am. Bagong luto at mainit-init pa", ani ko sa kanya habang pinupunasan ko ang aking pawis dahil kanina pa ako naglalako sa kalsada ng mga tinitinda ko.
"Sige. Bigyan mo nga ako ng dalawang babana cue", ani ng babae sa akin kaya malawak akong napangiti sa kanya.
"Maraming Salamat po. Pagpalain kayo ng panginoon", ani ko sa kanya habang nilalagay sa paper bag ang nais niyang bilhin.
"Bayad ko. Wag mo na akong suklian—keep the change", nakangiti niyang sabi sa akin habang inaabot ang singkwenta pesos.
"Talaga po? Maraming salamat po ulit", masaya kong pagkakasabi sa kanya. Malaking bagay na sa akin ang sampung pisong sobra sa binayad niya. Mabibili ko na iyon ng isang sachet ng Milo para kay Nanay o kaya naman sa mga kapatid ko.
Nakaramdam ako ng pagod at uhaw kaya dadaanan muna ako sa Apartment ng kaibigan kong si Kikimora. Sabado ngayon kaya sigurado akong nasa Apartment siya dahil walang pasok.
Pumasok ako sa eskinita papunta sa lugar ni Kikimora nang makasalubong ko ang grupo nina Agila, Tigre, at Lion. Mga palayaw lang naman nila 'yan dahil Aaron, Theodore, at Kairo ang tunay nilang mga pangalan. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang mga palayaw nila. Siguro para isipin ng ibang mga tambay dito na sila ang mga siga sa teritoryong ito.
"Sabrina! May tira pa ba sa paninda mo? ",Tanong ni Agila, na brusko kung maglakad papalapit sa akin. Mababait sila sa akin at madalas nila akong pinagtatanggol laban sa mga tambay dito sa looban. Mga salbahe kasi ang ilan sa mga tambay, at madalas nila akong tinitripan dahil maganda raw ako.
"Mayroon pa. Bibili ba kayo? ", tanong ko sa kanila nang makalapit.
"Oo naman, dahil malakas ka sa amin. Gusto mo bang hanapan ka namin ng puwesto sa may kalsada para hindi ka na naglalako ng mga paninda mo sa ilalim ng init ng araw?" seryosong sabi ni Aaron, a.k.a. Agila. Mabait si Agila at may hitsura rin naman, sa kabila ng pagiging basagulero niya dito sa looban. Sampung taon ang agwat ng edad namin, dahil ang alam ko, bente-otso na siya, samantalang ako ay disi-otso pa lang
"Wag na po, kuya Agila", pagtanggi ko sa kanya sa kabila ng kagustohan na sana nga magkaroon na lang ako ng pwesto para hindi na ako naglalako sa ilalim ng init ng araw.
"Sure ka ba dyan? Hmmm. Don't call me, Kuya— Agila na lang", pahayag niya matapos kumuha ng tatlong Camote Cue.
"O—Opo. Ayos lang naman ako sa paglalako. Mas madaling maubos ang paninda ko kapag ganoon", ani ko sa kanya.
"Keep the change and stay dehydrated", seryoso niyang sabi sa akin matapos ibigay ang isang daang piso. Minsan, napapaisip ako kung bakit basagulero at tambay si Kuya Aaron, eh mukhang mayaman ang pagmumuka at pananalita niya.
Kailangan ko ng pera ngayon kaya kinapalan ko na ang mukha ko para kunin ang sobrang sukli niya.
"Salamat po", magalang kong sabi sa kanila. "Aalis na po ako", paalam ko sa kanila.
"Sige. Mag-iingat ka palagi", pahayag niya kapakuwan ay narinig kong hinahanap niya si Lion.
"Nasaan si Lion? ", kunot-noo niyang tanong kasama
"Panigurado dadaan na naman iyon sa bintana papasok ng Apartment ni Kikimora", sagot ni Tigre sa kanya .
Magkasintahan kasi ang kaibigan kong si Kikimora at Lion. Halos isang taon na din ang kanilang relasyon.
"Kikimora! Kikimora!", sigaw ko habang kumakatok sa pintuan ng Apartment nila.
"Sandali lang, Sabrina!", sigaw ni Kikimora nang mabwisit sa kaka-katok ko sa apartment nila ng kakambal niyang si Pepemora.
"Taposin nyo na muna yan!", sigaw ko nang mapagtanto na nag si-seks na naman ang dalawa. "Ugh,sige pa, Baby. Isagad mo pa", ani Kikimora habang binabayo ng Nobyo.
Hindi nga ako nagkakamali dahil rinig na rinig ko sa labas ang ung0l ni Kikimora habang hinagahupit ng Nobyo. Naupo muna ako sa labas habang bitbit ang isang bilao na naglalaman ng Banana Cue at Camote Cue na aking tinitinda. Binilang ko kung ilan na lang ang natira. Lima na lang pala tapos plano kong i benta na ito kay Kikimora bilang meryenda nila.
"Pasok kana, Sabrina", anyaya sa akin ni Kikimora pagkatapos nilang mag talik ng Nobyo.
"Nasaan na Nobyo mo? ", tanong ko ng makapasok sa maliit nilang Apartment.
"Lumabas na—sa bintana dumaan", sagot niya sa akin habang kumikinang ang awra dahil bagong dilig.
"Hinay-hinay lang sa pakikipagtalik, Kikimora. Pag ikaw nabuntis ni Lion—malaking problema yan", pagpapa-alala ko sa kanya.
"Ang hirap magpigil lalo na at masarap", pabebe niyang sabi sa akin.'
Magkasing-edad lang kami ni Kikimora; pareho kaming disi-otso. Patuloy pa siya sa pag-aaral, samantalang ako ay tumigil muna para sa aking ina at dalawang kapatid. Kailangan kong magsakripisyo para may makain kami araw-araw at maipagpatuloy ng aking mga kapatid ang kanilang pag-aaral.
"Mag-kasalungat talaga kayo ni Pepemora", pagtukoy ko sa kanyang kakambal.
"Sus. Wag mo nga akong pakialaman, Sabrina. Hmmm. Wag kang mag-alala dahil hindi naman ako mabubuntis—umiinom ako ng pills", masigla niyang sabi sa akin "Ito ang tubig uminom ka muna dahil mukhang dehydrated ka na naman kakalako sa kalsada", dagdag niya pa habang inaabot ang isang basong tubig sa akin.
"Kailangang kumayod dahil sa gastosin ng mga kapatid ko sa skwela", ani ko matapos uminom ng tubig.
"Napakabait mo talagang anak at kapatid, Sabrina. Uubosin ko na yang paninda mo para makapag-pahinga kana", ani Kikimora.
Malawak akong ngumiti sa aking kaibigan. Mabait si Kikimora at pinapahiram niya ako ng pera kapag may sobra siya. Palagi ko din siyang nalalapitan sa oras ng kagipitan.
"You really are my best friend, Kikimora.", nakangiti kong pagkakasabi.
"Sayang ang ganda at talino mo kung habang buhay kang maglalako ng mga saging at kamote cue sa kalsada. Kung ako sa'yo, gumawa ka na ng paraan para mapalapit sa ultimate crush mo na isang CEO ng Kingsley Properties Inc.," masigla niyang sabi sa akin.
Namula ang aking mga pisngi nang mabanggit iyon ni Kikimora. Paano ba naman, siya lang ang lalaking nagugustuhan ko sa buong buhay ko.
"Mahirap pa kami sa daga—sa tingin mo, magugustuhan ako ni Mr. Lorenzo Kingsley?" nakangisi kong tanong sa kanya
"Sumusuko kana? Hindi ka ba gagawa ng paraan para mapalapit sa kanya? ", nakapameywang niyang tanong sa akin.
Paano naman ako mapapansin ng isang sikat, gwapo, at mayamang CEO ey lupa ako at langit siya. Hanggang tingin na lang ako sa malaking billboard niya sa Edsa, pero hindi pa naman ako sumusuko dahil hanggang ngayon patay na patay pa rin ako sa kanya.
"Mahilig ka pala sa may edad at single Dad, Huh", ani Kikimora sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Trenyta y singko pa lang naman ang edad ni Papi Enzo"
Mahirap ipaliwanag kung bakit ko siya nagustohan, pero unang kita ko pa lang ng mukha niya sa Television, nahulog na ang puso ko sa kanya
"Ayan ngumiti ka lang palagi dahil gumaganda ka lalo. Papi Enzo pala ahhh", ani Kikimora.
Ako na mismo ang nagbigay ng nickname para kay Mr. Lorenzo Kingsley. Wala namang masama kung pinapangarap siya ng isang disi-otso at dukhang kagaya ko di ba. Libre lang namang mangarap sa mundong ito.
"Alam kong magugustohan mo to, Sabrina", nakangiting sabi ni k**i sa akin matapos ibigay ang isang magazine ni Papi Enzo.
"Binili mo para sa akin? Ang gwapo naman ni Papi Enzo dito", malawak ang mga ngiti kong sabi sa kanya.
"Malakas ka sa akin eyy. Itabi mo sa pagtulog mo para naman kahit sa panaginip makasama mo si Mr. Kingsley. Hindi naman kita masisisi kung bakit patay na patay sa kanya—kahit sino naman laglag panty talaga sa kagwapohan at kakisigan ng Bilyonaryong yon", pahayag ni Kikimora na tila nangangarap ng gising.
"Siguro mas gwapo siya sa Personal", pahayag ko naman.
"Kung ako sayo gumawa kana ng paraan para makapasok sa kanyang buhay",
"Paano? Abala ako sa pagtitinda para may makain kaming pamilya", ani ko.
"Gamitin mo yang ganda, talino at pagka berhin mo", seryosong sabi ni Kikimora. "Bumukaka ka sa harapan niya", dagdag niya pa.
Ang sama-sama ko namang babae kung bubukaka ako sa harapan ng lalaki dahil patay na patay ako sa kanya.
"Hindi pa ako handang lumandi sa ngayon, k**i", ani ko kay Kikimora na tinatawag kong k**i minsan tapos ang kakambal niya namang si Pepemora at Pepe ang tawag ko minsan.
"Kailan ka magiging ready? Subukan mo kayang mag-apply bilang katulong ng kanilang Mansyon", pagbibigay ng opinyon ni k**i.
"Sinubukan ko na, pero hindi daw nag hi-hire ng bata itong si Papi Enzo", malungkot kong pagkakasabi.
"Hindi kana bata, Sabrina. Disi-otso kana", ani Kikimora.
Tumagal ang pag-uusap namin ni Kikimora hanggang sa nagpa-alam na ako dahil bibili pa ako ng bigas para sa aming haponan mamaya. Bibili na din ako ng kalahating kilong baboy na plano kong i sinigang para naman makahigop ng sabaw si Nanay.
Ang hirap ng buhay namin, pero laban lang sa buhay. Pasasaan ba't makakain din kami ng sobra pa sa talong beses sa loob ng isang Araw. Niyakap ko ang magazine na binigay ni Kikimora sa akin kanina.
"Ang hirap mong abutin, Mr. Lorenzo Kingsley. Paano ko kaya makukuha ang puso mo kung langit ka at lupa ako?", kausap ko sa aking sarili