Sabrina's P.O.V. Lasing na lasing si Sir Lorenzo dahil ayaw niyang magpatalo kay Agila pagdating sa inuman.Well, hindi lang sa inuman. Pansin ko ayaw niyang malamangan ng binata pagdating sa lahat ng bagay. Halatang hindi nila gusto ang isat-isa pero hindi ko alam kung bakit. Hindi naman siguro sila nagpapayabangan ng dahil sa akin. "Sir Lorenzo, lasing na lasing na po kayo", ani ko habang sina Agila, tropa ni magna, at tropa ko ay lugmok na rin dahil sa tama ng alak. "Hi-hindi pa naman ako lasing", nauutal niyang sabi ngunit napayuko na siya sa mesa dahil sa kalasingan. "Kailangan niya ng maihiga, anak. Ipasok nyo na lang sa kwarto natin", nag-aalalang sabi ni Inay. "Kami na po ang bahala sa kanya", singit ni David sa usapan. Mabuti naman at hindi lasing si Sir David at ang Driver.

