Third Person P.O.V. Ilang araw nang hindi naglalako ng suman at puto si Sabrina sa Mansyon kaya naman hindi pa rin natutupad ni Enzo ang kanyang pangako sa anak. "Have patience, Son. One day babalik din siya para magbenta ng puto at suman sa atin", pakiusap ni Enzo sa anak. "Pero Daddy? ", pagmamaktol ni Tristan. "Listen to Daddy. I wont break my promise. Okay? Pinapahanap ko pa rin siya", "Okay. I trust you, Daddy. Aalis ka po ngayon?", nakasimangot na tanong ni Tristan. "Yeah, but I'll be back. For sure pagbalik ko makakain kana ng puto at suman from her", pahayag niya sa anak. Matipid na ngumiti si Tristan at sunod-sunod na napatango sa ama. "Oom. Don't forget my pasalubong ahh", masayang sabi ng bata. "Of course not, Son", sagot ni Enzo habang ginagalaw-galaw ang buhok ng a

