Lorenzo Kingsley P.O.V. "Serious Illegal Detention, Attempted r**e, Psychological and Physical Harm (RA 9262 – Anti-Violence Against Women and Their Children Act), at iba pa ang mga ikaso sayo dahil ginawa mo sa kapatid ni Sabrina", namumula sa galit kong sabi kay Papa habang nasa loob ng isang maliit na kulungan matapos siyang mahuli ng mga tauhan ko habang tumatakas. Ngumisi siya sa akin habang matalim na nakatitig. "I have underestimated you, Son. Hindi ako makapaniwala na nagawa mong hanapin kung saan ko pinadala ang dalagita. Sabagay, alam mo ang lugar na yon di ba? May alaala ka sa Warehouse na yon, and I bet that even now, you still haven't forgotten that incident!" he teasingly said to me. Mas lalong namula ang mukha ko sa galit. Gusto ko siyang paulanan ng suntok. "Ang ibig s

