Third Person P.O.V "Pwede na siguro to", kausap ni Enzo sa sarili bitbit ang mga pinamili niyang prutas para kay Sabrina. Binili niya lahat ng klase ng prutas na nasa supermarket dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng dalaga. Sinubukan niyang tawagan ito upang tanungin, ngunit hindi siya sinasagot ng dalaga. "Galit pa ata sa akin, pero bahala na", kausap niya sa sarili. "Hindi ko na kayang magtiis. Miss na miss ko na sila", sabi pa ni Enzo sa sarili. Kinakabahang pumasok si Enzo ng Penthouse sa takot na baka lumilipad na baso at pinggan ang sumalubong sa kanya. "Daddy! Bakit ngayon ka lang?", salubong sa kanya ni Tristan. "Where is Teacher Sabrina?", tanong niya sa bata. "Nasa kwarto may kinakain", sagot ng bata. Kinarga niya ang anak papunta ng Kusina. "Ano ang kinakain ni T

