Sabrina's P.O.V. Bumili ako sa kanto ng Gin, 3n1 coffee, at saka juice. Tinago ko sa mga kasambahay dahil baka malaman nilang ipagtitimpla ko ng Shembot si Sir Lorenzo. Baka mahusgahan na naman ako ng mga tao dito lalo na ni Madam Kreng2x na isang dekada ng walang dilig. Pinuntahan ko muna si Tristan sa kanyang kwarto para kumustahin. Naawa ako sa bata kasi nakatulugan niya ang paglalaro ng mag-isa. Kinarga ko siya pahiga sa kama at kinumutan bago lumabas papunta sa Study Room ng Daddy niya. "Dito ko na lang ito i titimpla", bungad ko. Nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair habang nakatalikod at nakatingin sa malayo. Nilapag ko na muna ang mga gagamitin sa pagtimpla ng Shembot. Kinuha ko muna ang dust fan sa labas para linisin sa loob dahil sobrang kalat. Kinabig niya lahat ng ga

