KABANATA KWATRO
-
Joshua's POV
• • • • •
NASA bahay na kami. Hayst. Nakakapagod lang ang gala namin ng mga girls. Tinakasan kasi namin ang mga boys at umalis na dun; kaya sa mall kami pumunta. Nag-enjoy naman ako kahit sa boutique at pambabaeng store ang pinuntahan namin. Hayst.
Nakapagbihis na rin ako. Bwesit talaga sila. Right now, nasa couch na kami ng living room ng bahay nila. Busy sa pagkulikot sa kanya-kanyang phone. Nasa magkabilang gilid ko naman ang kambal. Bwesit talaga nila. Sometimes, they'll run their palms across my thighs, which is uncomfortable for me. They're such a jerks.
Ka-text ko ngayon si Apollo, yong lalaking nakilala namin sa amusement park. Ewan ko ba. Bakit ko ba 'to ni-rereplyan? Medyo na-iilang rin ako ng kunti, eh.
From: Apollo
Nkauwi na b kayo?
To: Apollo
Oo. Bkit nman?
From: Apollo
Nagtatanong lng. At para malaman kong safe ka at nasa bahay.
To: Apollo
Ok
Text namin yan ngayon. Hayst.
Bigla-bigla na lang may pumuntang kasambahay sa amin at kinalabit ako, kaya napatingin ako dito.
"Uh, Sir Joshua, may naghahanap daw sa inyo sa labas," anunsyo nito sa'kin. Napasalubong naman ang kilay ko. H-huh? Naghahanap? Sino naman kaya iyon?
"Sinabi po ba ang pangalan, manang?" tanong ko rito.
"'Di po, eh. Pero mukhang mabait at maaasahan naman po," sagot nito sa'kin. Eh? Sino kaya iyon?
"Sige, manang. Salamat," naging tugon ko nito at tumayo.
"Teka, baby. May ina-asahan ka bang bisita?" pagsasalita ni Rain sa akin. Alam kong si Rain yon dahil baby ang tawag nito sa'kin.
Argh. What's up with the pet names? I hate it.
"Nope, and please stop calling me baby," cold kong sabi nito at tinalikoran na.
Naglakad na ako patungong gate ng bahay. Hayst. Sino ba 'tong naghahanap sa'kin? Babae ba 'to or lalaki? Hayst. Bwesit talaga.
Binuksan ko na ang tarangka ng malaking gate nila. Medyo mabigat pero kaya ko naman. Kung sa bakla pa, keri lang naman. Alam ko yon, noh? Kay Angelo ko yon natutunan, noon. Hayst.
Oo nga pala, 'di ko pa nakikita sina Angelo at si Warren. Pati yong si kuya Wilbert. Hayst. Alam kaya nilang nandito na ako sa probinsya? 'Di ko alam kung matatawag ko pa ba sila na sariling kaibigan. Kundi malapit na barkada. Hayst. I once said no friends, no burden but I'll surely have them as a friend. They're just so great to be a close friend. Nasa likod mo talaga sila kahit anong sakuna o unos sa buhay mo. Hayst.
Pagbukas ko ng gate ay tumambad sa'kin ang nakatayong si Apollo. Wait, anong ginagawa nito dito? Eh, nagtetext lang kami kanina, ah? Natatandaan kong malapit lang daw ang bahay nila sa kanilang Caliber. 'Di naman n'yang sinabi na bibisita s'ya rito. Hayst.
"Hi, Joshua," nakangiting ani n'ya na tinignan ako mula talampakan hanggang ulo. Medyo may pagkamangha na sumilay sa mukha nito. Nakat-shirt ito at nakapantalon lang.
"Hello. What brings you here?" balik na bati ko nito at tinanong. Hayst.
"Ang cute mo naman kung 'di ka nakapangbabae. Sarap kurutin ng mga pisngi mo," komento nito na binaliwala ang tanong ko. Argh. Gago nito.
"Anong sadya mo rito? Bakit ka napapunta rito?" tanong ko ulit, mahinahon ang boses. Ngumiti ito ng malaki sa'kin na sinuklian ko lang ng irap. Bwesit nito.
"Binibisita lang kita. Gusto kasi kitang makita ulit, eh. I know it's weird but namiss kita," sagot nito sakin na medyo namumula pa. Anong ikinamumula ng gago? Hayst.
"Talaga? Pasok ka muna," imbita ko sa kanya. Eh, nakatayo lang kami at naghaharapang dalawa, eh. Eh, may couch naman sa loob.
Ngumiti naman ito ng malaki sa'kin. Tsk.
"Sure, salamat," nakangiti sambit nito sa'kin. Ngitian ko lang ito ng maliit.
Agad s'yang pumasok kaya ni-lock ko na ang gate. Agad kaming nagtungo sa loob at 'di ko s'ya kina-usap. Nakaka-ilang lang, eh. Pagpasok namin ay parang 'di na s'ya gaano namangha. Mukhang nakapunta na s'ya rito, eh. Hayst.
"Sa living room tayo kasi nandun ang mga bruha at gago. 'Di naman pwedeng idala kita sa kwarto ko. Hayst," sabi ko nito at hinila papuntang living room. Ang init ng kamay n'ya. Medyo magaspang ito na ano. Mga lalaki talaga. Hayst.
"Ang lambot naman ng kamay mo," puri nito sa'kin. Is that a good thing?
"Thanks?" nagdadalawang isip na ani ko. 'Di ko kasi alam kung magpapasalamat ako sa compliment n'ya.
Dirediretso kaming pumasok sa living habang higit ko pa rin s'ya. Medyo nakaka-ilang pa rin. Hayst. Napatingin naman sa'kin ang mga gaga at gago nung dumating kami. Itinaas ng mga lalaki ang kilay nila sa kay Apollo. Ang mga babae naman ay panay ngisi. Mga gaga talaga.
"Uh, si Apollo nga pala. Kilala n'yo na naman s'ya, 'di ba? Uhmmm, Apollo, ate Andrea ko nga pala at bunso ko na si Michaella. Guys and girls, si Apollo," mahabang pagpapakilala ko sa kanila. Hayst. Ilang laway din ang nasayang ko sa pagsasalita nun.
"Hi, guys," bati nito sa kanilang nakangiti.
"Hello. Yiehhh," kinikilig na bati ni Michaella sa kanya. Ewan ko ba d'yan. Hayst.
"Bitiwan mo na nga ang kamay n'ya. Tsk," iritang asik ni Reign bigla. Wait, what? Oh, shet. Nakahawak pa nga pala ang kamay namin ni Apollo. Agad ko naman itong binitawan.
"Ano't napadalaw ka dito, kuya Apollo?" tanong ni Marvian sa kanya. Mas matanda pa pala yata 'to sa amin, eh. Mukhang magka-edad lang silang ate Andrea at Caliber, eh. 20 na yata itong si Caliber, I don't know. Jeez.
"Binibisita ko lang si Joshua. If that's okay with you all. Hehe," kamot-ulong ani ni Apollo sa kanila. The boys glared at Apollo which he gulped so many times. What's going on?
Ano namang kasalanan ni Apollo sa kanila kaya ganyan makatingin ang mga lalaki sa kanya? Hayst. Ang mga babae or bruha naman ay panay ngisi sa direksyon ko. Tina-asan ko lang sila ng kilay. Shet. They're so judgemental. What the heck?
"Uh, bye," sabi ko na lang sabay hawak sa kamay ni Apollo. Ayoko sa lahat yong mapaghusgang mata. Sa kwarto ko na lang s'ya kaka-usapin or dalhin.
Hihigitin ko na sana s'ya nung nagsalita si ate Andrea. Tsk.
"Walang chug chug ugh ugh sa kwarto mo, ha? Binabalaan kita," nakangising pahayag ni ate Andrea. Chug chug what? Does she meaned s*x? What the.....
"Argh. Whatever," inikotan ko na lang s'ya ng mata at hinigit na si Apollo sa kwarto ko. Hayst.
"Uh, Joshua, dadalhin mo ba ako sa kwarto mo?" imik bigla ni Apollo habang higit ko pa rin s'ya.
"Oo. Nanunukso kasi ang mga bruha at ang talim ng tingin sa'yo ng mga gago. May atraso ka ba sa mga gagong yon?" sagot ko nito na sa harap pa rin nakatingin. I sighed. Hayst.
"Uh, wala naman. Close nga kami nung mga yon, eh."
"Talaga? Hayst."
"So, anong gagawin natin sa room mo?" tanong n'ya bigla kaya napatingin ako sa kanya.
Hmmm. Ano nga ba? Talking? Wait, why would we talk in private? It's not like may sekreto kaming pag-uusapan. Right? Hayst. Whatever.
"Get to know each other? Clearly, bago pa kitang kilala. So just straight talking."
"Aws. Yon lang ba?"
"Bakit, may iba ka pa bang gustong gawin sa kwarto ko bukod sa pag-uusap?"
"Meron sana. Mwehehe. Pero wag na, baka 'di ka pa komportable, eh. Sa susunod na lang, sa tamang panahon."
"Hmmm. Lola Nidora? Tamang panahon?"
"Yeah. Haha. Aldub fan ka rin nila?"
"Hindi, pero nanonood ako every Kalye Serye episodes. Ina-abangan ko yon noon kapag lunchtime. Sa teacher's office na nga ako nagla-lunch palagi, eh, kasi may sariling TV sila. Kaya ayon."
"Wow, talaga? Hi, kami ang pabebe girls.....?"
"Hayst. At wala kayong paki kung pabebe kami sa mga videos namin. Ano 'to, dub smash lang? Ganun? Hayst."
"Nakakatawa lang kasing tignan nung sina Yaya Dub at Lola Nidora nagdub-smash dun, eh," natatawang sambit n'ya.
"Yeah. Rogelio, Rogelio, Rogelio."
"Kwando, Kwando, Kwando. Haha."
Nakarating na kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko kaya huminto na kami. Binitawan ko na ang kamay n'ya. Nakaka-ilang talagang manghawak ng ibang kamay. Hayst. I'm not comfortable about it.
"So, here's my humble room. Pero pansamantala lang 'to. You know, bakasyon here. That kind of stuffs," saad ko habang inilahad ang kamay sa pintoan ng kwarto ko.
"Oh. Gusto kong makapasok sa silid mo dun sa aktwal na bahay n'yo. Maybe someday I can visit you," ani n'yang nakangiti sa'kin.
He wish. Walang ibang tao ang nakapasok sa room ko maliban sa kapatid at magulang ko. Inshort, my own room is restricted. Prohibited. Hayst.
"Maybe. So, in we go," ani ko na lang at binuksan ang ang pintoan. Agad kong binuksan ang ilaw upang lumiwanag ang buong silid.
Bumungad sa'min ang simple kong temporary room. Wala namang fancy rito. Dalawang beds ang nandito. Sadyang ako lang dito kasi magkasama sina Dad at Mom ng kwarto. Habang sina ate Andrea naman at Michaella. Kaya solong solo ko talaga ang room na 'to, which is I'm really into.
"Your room is so organized. I love it," pagsalita ni Apollo sa tabi ko. Jeez. What's up with that? Para namang may magarang displays ang room ko, eh, noh. Hayst.
"Thanks. Halika, pasok tayo," pag-imbita ko rito, kaya pumasok naman kami at agad kong sinirado at ni-lock ang pinto. Mahirap na, noh, itsusera pa naman yong mga gaga. Hasyt.
I signaled him to sit by my bed, kaya tumungo naman s'ya ruon at umupo. Linapag ko muna ang phone ko sa maliit na mesa at pumunta sa kinaroroonan n'ya. Umupo naman ako sa harap n'ya.
"Uh, you want any juice or refreshments?" alok ko sa kanya. Umiling naman s'ya sa'kin.
"Nope. I'm good," nakangiti n'yang ani.
"So, why are you here, by the way? Bigla-biglaan ka na lang na pumunta rito. And that's absolutely creepy, you know."
"I just want to see and visit you again. And maybe we can talk about ourselves? You know, get to know each other?"
"I'm sorry, but I'm not an open person. 'Di ako nagsasalita tungkol sa sarili ko. I mean, atleast I haven't. I just don't feel open towards other people. 'Di lang talaga ako mapanatag na makipagshare sa kanila," mahaba kong salaysay sa kanya. Nakataas naman ang kanyang kilay sa kanyang narinig.
"But, you're open to your family, right? Sinasabi mo ang mga bagay-bagay sa pamilya mo, right?" tanong nito sa'kin.
"Sometimes. Pero not really," naging sagot ko nito.
"But it's not bad to try to open yourself to others. You just have to trust and have courage to yourself. Sometimes, we need someone to talk to about our problems and our daily lives. And nandito ako para makinig. So, tell me about yourself," nakangiti n'yang ani sa'kin.
Medyo napanatag ang loob ko sa kanya dahil sa sinabi n'ya. Why not, 'di ba. It's worth a shots naman to open up to others.
"Okay. My real name is Joshua Sydrei Urbiztondo. I'm a loner in school. 'Di talaga kasi ako nakikipagkaibigan sa school. I just don't trust anyone, kasi I kept to intact in my mind that no friends, no burdens. Yong walang iiwan sayo sa huli. Tas lalo na yang jowa-jowa na yan. Lalo yang iiwanan ka nila sa huli. Sa palagay ko nga 'di ako nagkakagusto, eh. Masyadong malamig ang puso ko. Walang kahit isang nagpapatibok nito. I'm a heartless person myself. You can say I'm a cold hearted, walang paki sa paligid. Why would I? What the surroundings have done nice to me, anyway.
We run in a different path. And you need to trust unto yourself. Nobody in the world that you can trust but you yourself. Sometimes, the only thing that you can rely on is only yourself. 'Di sa pagiging rude, ha?" mahaba kong salaysay rito. Nakikinig naman s'ya sa mga sinasabi ko.
"Go on, I'm listening," nakangiti n'yang ani. Interesado sa pakikinig sa'kin.
"Sometimes, I want to be alone on a ghost town. No people, no crowds, no noisy people, no judgemental people, no burdens. Just you alone. It's better to be alone than to have someone that will leave you in the end.
Mabuti nang nag-iisa ka sa buhay kaysa naman na aasa ka tapos sa huli ay mawawala lang naman. Yong nasanay ka na na nandun s'ya sa every step sa buhay mo. Tas bigla na lang nawala at 'di mo kinayang mabuhay na wala s'ya sa tabi mo. Kaya alone is better than anything in this world.
But I'm still thankful, though, na nasa tabi ko ang mga parents ko. Even though I like to be alone, I would kill just to stay with them. I can't live without my family. Sila lang ang pinaka-importanteng tao dito sa mundo para sa'kin, kaya pinahahalagahan ko sila. They're my parents. Iniluwal ako dito sa mundo dahil sa kanilang pagmamahalan. And I'm thankful for that," mahaba ko pa ring pahayag sa kanya. Yan talaga ang saloobin ko, my perspective in life. Hayst.
"Now enough with touching point of view of yours. Let's talk about your favorites and stuffs," nakangiting suggestion ni Apollo. Heh! Eh, yon ang gusto kong unang i-share sa kanya, eh. Hasyt.
"What do you want me to talk to?" tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay.
"Ideal guys..... or girls? Favorite color, food, place or anything. Just talk, makikinig lang ako sa'yo."
"Sige. Dapat 'di lang ako magshe-share ng mga bagay bagay, ha? Tang-ina mo talaga."
"Naman. Ako naman mamaya," natatawa n'yang ani; kaya nagsimula na akong magsalita.
"I don't think I have an ideal man or girl. Basta kung darating s'ya, yon na. Pero 'di ako uma-asang may darating talaga. Kasi naman, iiwan ka lang nila sa huli. Tas kung may ideal type man ako, yon ay simple tsaka loyal. Yong mapagmahal sa kanilang magulang at pamilya. Mga ganung tao.
Tsaka my favorite color is black. I don't know why I love black. Maybe because I'm a depressant person. I love volleyball. It's my hobby and favorite sport. Basta sa larangan ng volleyball ay magaling ako.
I can cook. Yeah. I learned it from mom, especially from dad. If you're wondering what my favorite food, it's Sinigang. Gusto ko talaga yong mga ma-aasim na pagkain. Don't ask, gusto ko lang.
Tas ano po ba? Hmmm. Ah! It's very personal pero sa'yo ko lang 'to sasabihin," mahabang salaysay ko pa rin.
"Ano yon? Kung ano man yan ay I will keep it for a secret. Atin-atin lang yang dalawa," nakangiti n'yang ani at hinihintay ang sasabihin ko. Sasabihin ko na lang sa kanya, 'di ba. It's not like 'di na kami nagshe-share ng aming sekreto. Tutal, na-ibahagi ko ang tungkol sa'kin, might as well share it to him, too.
"Alam mo, yong first kiss ko ay pinsan ko pa. At lalaki pa s'ya, ha. Kaya nakaka-ilang talaga para sa'kin. Shet lang n'ya talaga, eh," pagsisimula ko.
"The f**k. Talaga? Sino naman sa mga pinsan mo? Sino nag-initiate ng halik? I know 'di mo yon magagawa. Or it isn't?"
"Hayst. Naman, 'di ko talaga magagawa yon. Secret lang natin 'to, ha? Ang unang halik ko ay si Caliber. Kaya na-iilang talaga ako sa kanya kapag kasama kami," pagshare ko. Nagulat naman s'ya sa kanyang narinig.
"s**t. Talaga ba? Napapansin ko ngang iba ang tingin sa'yo ni Caliber. Tsaka yong mga kambal. There's nothing wrong naman sa pagiging bisexual."
"Ehem. Honestly, muntik na rin ako mapagsamantalahan ng mga ugok na kambal na yan. Mahaba kasi ang nangyari. Buti na lang to the rescue yang si Caliber at dumating on time. Kundi wasak na ako ngayon dahil sa kambal. Eh, buti 'di yon nangyari sa'kin. Shet."
"Tang-ina. Sarili nilang pinsan titirahin nila? Tang-ina naman yang kambal, oh. Simula ngayon wag ka nang lalapit d'yan sa kambal na yan. Alam mo kasi, marami nang nakatalik yang kambal na yan dito sa probinsya namin. At sinasabi nilang pinagsasabay pa nila. Tang-ina talaga nila. Baka nga may sakit na ang mga yan, eh," galit na turan ni Apollo. Nagulantang naman ako sa narinig galing sa kanya. Mga manyak nga talaga yang mga kambal. Gagawin pa talaga akong parausan. Mga bwesit.
.
.
.
"Bye, kita na lang tayo bukas!" pagpapaalam ni Apollo sa gate nung hinatid ko s'ya. Malapit na kasing magdilim at napagpasyahan n'yang umuwi na.
"Bye, ingat ka, ha?!" balik na sigaw ko rito.
"Ito naman, parang 'di lang malapit ang bahay namin. Oh, s'ya, love you!" natatawa n'yang ani. Ano daw? Bakit may pa love you pa yang si Apollo? Hayst.
"Baliw! Asa ka!" sigaw ko sa kanya.
"Ito naman, eh," natatawa n'yang ani.
"Sige na, alis ka na. Baka hinahanap ka na nang magulang mo. Naku," pagpapa-alis ko rito. 'Di sa pagiging rude.
I consider him as a friend naman, eh. We already shared our secrets, so, I think I can trust him. There's nothing fishy naman about him. But we never know.
"Ang love you too ko?! Bahala ka, 'di ako aalis rito hangga't d'i ko naririnig ang love you too ko," naghahamong ani n'ya. Nakangisi pa ito sa'kin. Gago rin talaga 'to, noh. ΗαΗα.
"Hayst. Love you, too! Bwesit," naging sigaw ko na lang dahil sa pamimilit nito.
"Yun, oh. Love you more! Muahhh! See you, bye!" nakangiti n'yang malaki sa'kin. Kumaway ito sa'kin na kinawayan ko naman pabalik. Hayst.
.
.
.
"Uy, nandito ka na pala, gaga ka! Bakit 'di ka nagparandam, ha? Gaga ka!" ani ni Angelo sabay kurot sa'kin. Bwesit rin ang isang 'to, noh. Ito ang tinutukoy kong Angelo.
"Gaga ka rin. Bakit ko naman sasabihin sa inyo na nandito na ako? It's not like may pa-welcome party kayo sa'kin na gagawin," kutos ko sa kanya.
"Ah. Aray naman. Wow, noh, gusto pa ni bakla ng bonggang welcome party. Gusto mo buhosan kita ng bakya para feel mong welcome namin? Hmmm?" sartisko nitong ani. Ganito lang talaga magsalita si Angelo. Tsaka noon pa bakla ang tawag nito sa'kin, eh. Nakakagago lang, noh.
"Hoy, ikaw? Anong pinagbago mo? Nanlilibre ka pa rin ba?" bigay pansin ko kay Warren sa tabi.
Kaming tatlo lang nandito sa loob ng kwarto ko. Bumisita kasi sila ng bigla-biglaan kanina. Naghihinayang ako kasi 'di nila kasama si kuya Wilbert. Hayst.
"Wow, ha. Praktikalan na ngayon. Ikaw na gagastos sa sarili mo. Ano kita, jowa?" pranka nitong ani. Tama nga naman, pero mas maganda talaga yung may nanlilibre sa'yo.
"Asus. Kuripot nang manlibre yang gago. Wag ka nang umasa. So bakla, anong balita sa'yo? Matagal ka nang 'di bumibisita rito, ha. Namiss ka namin. Kyahhh! Labas tayo ngayon?" tili ni Angelo habang nagsasalita. Hmmm. Good idea.
"Sure, ngayon na ba?" tanong ko.
"Oo, kaya magbihis ka na. Ready na kami, oh. Marami akong na-iisip na puntahan natin, bakla. I'm sure babalik ang ala-ala natin noon dun," excited na turan ni Angelo. Nanliit naman ang mata ko na tinignan sila.
"Labas. Labas muna kayo kasi magbibihis pa ako," pagpapalabas ko sa kanila. Tinuro ko pa ang pintoan.
"Naku, pwede ka namang magbihis sa CR mo, eh. Tsaka parang 'di naman tayo nagkitaan nang ano noon. Tsk," sabi ni Warren sa tabi. Nahiya naman ako sa narinig ko sa kanya. Shet. That was a long time ago.
"True. Nahiya pa si bakla. Geh na, bihis ka na dun. Dalian mo. Excited na ako. Yiehhh," sabi ni Angelo habang tinutulak ako patungong dresser ko. Hayst. Nakaka-inis talaga sila minsan.
"Oo na. May sarili naman akong paa. 'Di mo na ako kailangang itulak. Hayst."
"Mahirap na, bakla. Ang kupad mo pa rin hanggang ngayon. Kumakain ka ba ng pagong?"
"Kung i-untog ko sa'yo ang bahay ng pagong nang makita mo? Gaga ka ba? Gusto mo sabawan ko pa ang pagong, eh."
"Ito naman, gino-good timing lang kita, eh. Masyado kasing seryoso, bhie. Bihis ka na. Pumili ka na ng susuotin mo. Dali!"
"Yes, mom. Decent and formal clothes, coming right up!"
"Mamaya na nga yang kulitan n'yo," pagmamagitna ni Warren.
"Ay, nagmamadali? Wag ka ngang atat d'yan, Warren. Mahaba pa ang araw, noh. Relax," sagot ni Angelo sa kanya.
"'Di naman sa pagmamadali. Tsk," tugon ni Warren kay Angelo.
"Yun naman pala, eh. Uso maghintay, besh, ha? Hintay hintay muna. Okie? Okie!" panukso ni Angelo kay Warren. Napa-iling na lang ako sa kanila.
Hinarap ko ang dresser ko at humanap ng desenteng damit na susuotin. Dahil nasa mood akong sumuot ng colorful clothes, makukulay na rin ang pinili ko. Summer polo ang upper ko with thin shorts on my lower. Yong lang summer na shorts. Ganun.
"Sige na, bihis muna ako. Hayst," pagbigay alam ko sa kanila. Tumango naman sila sa'kin at nagpatuloy sa pagtatalo nila. Hayst. Mga kaibigan ko talaga.
Itutuloy..........