CASSANDRA's POV:
My guard was severely injured instead of me. He protected me; he was in critical condition right now. He laid his life on the line in a heartbeat. I was beyond grateful for what he did. My head hurt from the concussion and bruises. His family was informed of what had happened to him.
On the other hand, Clint was fuming mad because of what happened and, of course, Tito and Tita's plane crash. Mang Damian and my other guard were injured, but they were safe. A police officer apprehended and questioned the suspect who had thrown the bomb. Clint's elite agents cornered him with the help of the local police during the search operation.
I was so consumed with guilt that I didn't even know the names of my bodyguards. Kung hindi pa nangyari ito hindi ko pa sila makikilala. Hinawakan ko ang kamay ni Mang Damian, puno ng sugat ang kanyang mukha at mga braso. He has been unconscious for a few days now.
“Anak?” Mula sa pintuan parang nabibingi ako. Yaya Ceding is here, agad akong napalingon. Ilang beses ko pang kinurap ang aking mga mata para masiguradong andito talaga siya at hindi ako nililinlang ng aking mga mata.
“Yaya!” Halos matumba ako. “You’re really here!” Mahigpit ko siyang niyakap. Bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. “Oo anak andito na si Yaya.” Naiiyak niyang kumpirma sa akin. Thank God you're back! I'm glad you're safe and sound! Where the hell have you been?” Bulalas kong tanong sa kanya. Kumalas ako ng yakap para salubungin ang kanyang mga mata. “Inutusan ako ng Mommy mo na mamili ng kanyang gamit, bigla na lang may dumukot sa akin, at dinala ako sa abandonadong lugar.” Umiiyak niyang salaysay.
Naikuyom ko ang aking mga kamao. Ang kapal ng mukha niyang magmakaawa tapos siya pala ang may pakana ng pagkawala ni Yaya. “Paano kayo nakatakas?” Sunod kong tanong. Umiling siya bago sumagot. “May mga tauhan na ipinadala si Clint para hanapin ako, natunton ng mga tauhan niya ang lugar kung saan ako dinala ng mga kidnapper anak,” dagdag na pahayag niya. “Yaya Ceding, glad you're okay,” Clint said as he entered the room. Naka benda pa rin ang mga kamao niya. Niyakap ko siya. “Thank you for saving her, and for the excellent bodyguards,” mahinang bulong ko sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko matapos siyang kumalas sa aking yakap.
“You know, I am always here for you Cassandra,” seryosong saad niya. Wala na ang Clint na palabiro at pilyo. This Clint in front of me was a completely different person. “Did you find their body?” Umiling siya kasabay ng pagtagis ng kanyang mga bagang.
“I should bring you both home,” wika ni Clint. Tumango ako. Sabay kaming naglakad palabas. "I sent twelve of my top agents to your house, as well as a replacement for the two bodyguards. Your life is in danger Cassandra, you read the files and it was all true.” Mahabang pahayag ni Clint. Tumango ako. “I want to train Clint,” saad ko sa kanya. Tumango siya. Hindi na umimik hanggang makarating kami sa mansyon.
Dinig ko ang malakas na tugtugan, sa loob ng bahay, bukas ang malaking gate, naka park ang mga mamahaling sasakyan sa gilid ng kalsada at sa parking area ng mansion. Nakahilera ang mga tauhan ni Clint. Agad akong sinalakay ng galit. My mother is having a party, she thought I am dead. Nang tuluyang huminto ang sasakyan Clint, lumapit ako sa isang body guard na nakatayo. Biglang kong hinugot ang baril sa bewang niya. I removed the safety pin, and fire it on the ground. “Who gave you the right to celebrate in my house!? You buried your husband a few days ago! Are you that desperate mother to enjoy your freedom!!? You thought I was dead, didn't you?” Matapang kong sigaw! “Cassandra, this is how I dealt with my grief!” Pag-iinarte niya. What the hell!
Lumapit ako sa DJ at kinuha ang mic, “Ladies and Gentlemen the party is over! This woman is no longer rich so if I were you cut your ties with her or else, she will be like a leech sucking every blood you have!” Pinaputakan ko ang paanan ng aking ina. Nagpulasan ang mga bisita niya. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata.
“Are you that desperate to get rid of me Elizabeth?” patuyang tanong ko sa kanya. “Anak,” mahinang tawag ni Yaya sa akin. “I knew everything! How could you!? Gano’n kana ba ka walang konsensya huh! You kidnapped Yaya and attempted to kill me just to find out you’re having a party in my house! s**t ka!” Tinutukan ko siya ng baril! Rage consumed me. I felt nothing for her. “Cassandra!” It was Clint. Nandidilim ang mga paningin ko sa tindi ng aking galit.
“Cassandra anak,” tawag niya sa akin. Her tears rolled down her face. "Don't call me that! You don't deserve to call me your daughter after all you've done to me, to my dad!" Malakas kong sigaw at idinikit ang dulo ng baril sa noo niya. Her body was trembling in fear.
“Cassandra, please cuz don't do this,” pakiusap ni Clint. I was blinded by anger and pain. Pinukpok ko ang ulo niya sa hawak kong baril. “Cassandra anak!” histerikal na tawag ni Yaya sa akin. I threw the gun. Patakbong pumasok ako nang bahay, at umakyat sa aking kwarto. Pagsara ko ng aking pintuan, napasandal ako doon. Parang akong nauupos na kandila. Napaupo ako sa sahig. Patuloy lang sa pagbalong ang luha sa aking mga mata. Dad please take me with you! This is too much for me. Hindi ko kaya dad!
Pagapang akong umakyat ng kama, pakiramdam ko wala akong lakas. I removed my 9mm gun from my back and placed it on the side table. I buried my face in a pillow. If I could stop breathing, I would. I don't understand what happened a while ago. I lost my sanity knowing that someone was fighting for his life to save mine. How could someone like my mother be so cruel?
The next morning, I woke up early. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok. I don't want dad to be disappointed in me. He didn't raise to be a quitter. Nang nakabihis na ako, agad akong bumaba. Yaya was arranging the plate when I found her. “Good morning, Ya,” bati ko sa kanya. Hindi siya sumagot, I know she was disappointed. “I am sorry for what I did last night. Nagdilim ang paningin ko sa galit Ya,” saad ko sa kanya. Saka pa lang siya nag-angat ng tingin at namumula na ang mga mata niya. “Anak, hindi ito ang Cassie na pinalaki at inalagaan ko. Kung andito lang ang daddy mo ngayon, malulungkot ‘yon,” sagot ni Yaya, nilapitan niya ako at niyakap.
“I’m sorry Ya.” Hindi na ako nagpaliwanag. I know what I did was wrong. There is no justification for what I did. Pagkatapos kong kumain, lumabas ako bitbit ang aking backpack. Nakatayo na sa sasakyan na gagamitin ko ang dalawang bodyguards na itinalaga ni Clint para sa akin. They're identical twins. Then I heard a beep on my phone. Nang tingnan ko ‘yon it was Drake. Hindi ko binasa ang text niya.
“What are your names?” seryosong tanong ko. I know they are older than me but I am their boss so I don’t give a damn about it. “Rembrandt and Raider,” sabay silang sumagot. “Age and skills!” Nagtitinginan silang dalawa. "Did I ask the wrong question!?" Sarkastikong tanong ko. “Navy seal, jet pilot, and proficient in hand to hand combat!” sabay ulit nilang sagot. Napailing na lang ako. Pumasok ako sa sasakyan. I put on my headset and closed my eyes.
Nang tumigil ang sasakyan sa harap ng school namin, agad akong bumaba. Pero bago ako makalayo sa kanila, pumihit ako. “Where is my mother?” tanong ko. “Clint brought her to the Buenavista hospital last after you knocked her out,” sagot ng Rembrandt. “Thanks Rembrandt.” Nanlaki ang mata ng dalawa.
I saw Drake standing in the corridor where my room is. Ngumiti siya sa akin. Pero agad ding nawala ng hindi ko siya pinansin. “Cassie, are you okay?” Sabay hawak niya sa aking siko ng tumapat ako sa kanya. “Don’t you dare touch me!” Bwelta ko sa kanya. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang kulay abong mga mata.
Iwinaksi ko ‘yon at nilampasan siya. A few steps away from him, he said, “I don't know what I did wrong or if I hurt you, I am sorry Cassie,” sinalubong ko ng galit ang malamlam niyang mga mata. "From now on, stay away from me!" babala kong sagot. But deep inside me, I felt the sting. He did nothing wrong, but I had already judged him. I knew what his father did to my father. I won't let it slide. I promised my dad to get his justice, and that's what I'm determined to do, even if it hurts me.
Tahimik ang mga kaklase ko, walang ingay nakakapanibago, hanggang sa matapos ang buong umaga namin na subjects. I headed to the canteen when I saw Christian patiently waiting. “Care for lunch Cassandra?” nakangiti niyang aya sa akin. Tumango ako. Nang malapit na kami ni Christian sa canteen, Drake was about to enter too. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Kumapit ako sa braso ni Christian at nilampasan si Drake. Bago pa kami makalayo ni Christian, hinila niya ako. Isang malakas na high kick ang pinatama niya kay Christian. Bumagsak ito sa lupa. Nahintakutan ako.
“What the hell Drake!!!?" Sigaw ko sa kanya. Sabay lapit ko kay Christian. Putok ang labi niya at umagos ang dugo doon. Nagsilapitan ang guard ng school at ang aking dalawang bodyguards. Hinawakan nila si Drake.
“Cassie, please talk to me. Don't do this. Hindi ko alam saan ko ilulugar ang aking sarili. Hindi ko alam kung anong pagkakamaling nagawa ko para balewalain mo ako. Please tell me I will make it up to you, not like this.” Namumula ang mata niya. Tiningnan ko siya ng masama pero hindi ko sinagot ang lahat ng sinabi niya.
Sinundan ko si Christian sa clinic, nilagyan ng yelo ang pasa niya. “I am sorry Christian for what Drake did to you,” hinging paumanhin ko. “Nah, ang gagong ‘yon hindi porket taekwondo medalist siya basta na lang niya gagamitin ‘yon sa akin! Makikita niya!!!” Puno ng banta sa boses niya Christian.
Hindi ko na nakita si Drake, hanggang sa mag-uwian na kami. Sinuri ko muna ang buong paligid bago ako lumabas. I was vigilant now. Paglabas ko naka-abang na ang aking sasakyan. Pinagbuksan ako ni Raider ng pintuan. “Thanks Raider!” pasasalamat ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata. “How did you do that?" ingleserong tanong nito sa akin. “Do what!?” pabalik kong tanong. “How did you know it was me?” Napakunot ako ng noo sa tanong na ‘yon. "What kind of question is that? Of course, I know you, hindi naman kayo magkapareho ng kulay ng mata!” singhal kong sagot. Nginisihan niya lang ako.
Nang sumakay na ako, I put my headset on. Nang malapit na kami sa bahay nagsalita ako. “Bring me to the lake, sa dulo lang ng subdivision,” saad ko.
Nang makarating ako doon agad akong bumaba. Nakalubog na ang araw, pero nag-iwan ito nang kulay kahel sa paligid nito. Umupo ako sa bench, at nakatingin sa magandang lawa. It was a breathtaking view. Napakapayapa, sana kasing payapa yan ng puso ko.
“Cassie,” a baritone voice called my name. Hindi ko nilingon si Drake. Hindi ko rin sinagot ang pagtawag niya sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
“Hi—” inangat ko ang aking kamay para pigilan kung ano man ang sasabihin niya.
"This is the last time you will see or talk to me," saad ko sa kanya. It was simple yet hurtful.
“Can you tell me why? Bakit bigla-bigla naman. Sinagot lang naman kita sa text after that you ignored all my text. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko sayo. Karapatan ko rin naman malaman kung bakit diba?” Napatingin ako sa kanya. Sinalubong niya ang matalim na titig ko. Pulang-pula ang kanyang mga mata.
“In time you will know. All I am asking to respect my decision.” Tumayo ako, aalis sana pero, nahawakan niya ako sa aking pulsuhan. Lumuhod siya sa harapan ko. “Please tell me why, don’t leave me hanging Cassie, because I can’t. I am begging you!” Kasabay noon ang pagtulo ng kanyang mga luha. Naninikip na nag dibdib ko. Parang pinipiga ang puso ko sa pakiusap ni Drake.
I can't bear looking at him begging. He deserves more than that. “Goodbye Drake!” hinila ko ang aking pulsuhan at iniwan siyang nakaluhod. “Cassie...!”
***
To Be Continued...