II.

2977 Words
CHAPTER TWO Habang naglalakad sa campus, napansin ni Sapphire na maraming nakatitig sa kanya. Yet she doesn’t give a f**k. What's new? Even at States, she's a headturner. Ramdam din niyang maraming nagbubulong-bulungan. Pero hindi niya naririnig kung ano ang mga sinasabi ng mga ito, nakikinig siya ng music di'ba? Tanga lang? Pansamantalang tinanggal niya ang suot na headset at nagtanong sa lalaking malapit sa kanya. Hinila niya ang jacket nito papalapit sa kanya. "Where's the principal office?" cold na tanong niya rito. Sabihin niyo ng wala siyang manners, anong pakialam niyo?  "A-ahm, sa pinakadulong room sa kaliwa sa third floor." Pagkarinig ng sagot mula rito ay umalis na siya. Dahil mabilis naman itong kausap, may pahabol siyang salita rito. "Thanks." ika niya rito bago sinuot ulit ang headset. May mga narinig pa siyang, "Wow, she's a goddess." "Is she a transferee?" "She looks awesome." "Please, be my girlfriend, Miss!" bago tuluyang kainin ng musika ang panrinig niya. Nilampasan niya na lang ang mga ito at itinodo ulit ang volume ng sounds niya. Pathetic. Nakarating na siya sa principal's office. Para naman good impression ang maipakita niya sa first day of school niya, kumatok muna siya. "Excuse me, what can I do for you?" tanong ng babae na marahil ay assistant ng principal. "May I speak with the principal?" Tumango ito. "Ikaw ba yung new student?" Tumango siya ng bahagya. "Come, hinihintay ka na ni Principal." Sumunod naman siya dito at dinala siya nito sa opisina ng principal. "Principal, nandito na po ang new student." Tumingin sa kanila ang principal. "Have a seat, dear. You can go now, Anne." At iniwan naman kami ng assistant nitong si Anne. Umupo siya. "So, you must be Sapphire, right?" "Yes, I am." "Well, I supposed you’re here to get your uniform. Just get it to my assistant, Anne. Gusto ko lang ipaalala sa iyo na, NO FIGHTS IN THIS SCHOOL." "I know that, pero baka makalimutan ko when someone messed up with me." "You only have 5 WARNINGS, my dear. You can go now." Umalis na siya sa principal's office at pumuntang CR para suotin ang uniform na kinuha niya. Pagkatapos magpalit, nilagay na niya ang mga damit na hinubad sa locker. Nakasabit pa rin sa leeg niya ang malaking headset. Nakita rin niya sa loob ng locker ang mga librong kakailanganin niya buong school year. Anyway, the school uniform sucks. She felt suffocated, thus she left two buttons opened. Huh, much better. Not complying with the school rules? She don't care. She’s comfortable with it. Told you, excited sila na 'mapatapon' siya sa ibang bansa. Everything is planned already. She smirked. Pumunta na siya sa classroom. She could finish all of her studies lickety-split if she wanted to. She know how smart she is, but there's no need to flaunt that. Anyway, she’s a second year college student. Yes, she’s only 18 and already been abandoned by her parents. If you’re wondering that 18 is a legal age and living alone after you turned 18 is not uncommon in the States, you have to think otherwise since her family is Asian-American. Pumasok na siya ng walang katok-katok. Maraming nagulat. Boys in her section are seriously drooling the moment they set their eyes on her. Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa? For the girls, obviously, they're glaring up on her. Whatever. She’s not interested in catfight. Who cares about mean girls on this century? Hell, not her. "So, you're the transfer student, right?" Tiningnan niya lang ng walang emosyon ang adviser nila. Kulang na lang sabihin niya rito ang mga katagang, "The f**k. Are you blind?". Seriously, this section stresses her out. Napaatras naman ng konti ang adviser nila and fakes a cough. "P-please introduce yourself." Pumunta siya sa harap at nagsimulang magpakilala. "Sapphire Gaia Sy. Mindy our own business and we’ll be good. Mess up with me? Prepare to die. So, f**k off." Nakita na naman niya ang pagspark ng mga mata ng mga lalaking classmate niya. "Wow, she's pretty as her name." "Whoo! Badass!" Narinig niyang bulong ng mga ito. Typical assholes. "You may now take your sit, Ms. Sy. Dun ka na lang umupo sa tabi ng bintana sa likod ni Mr. Madrigal." Sumunod na lang siya para makaupo na siya. Inaantok na din siya. Pagkatapos umupo, sumubsob na siya desk. Alangan naman sa ibang desk siya sumubsob di'ba? Tanga tanga? Anyway, f**k you. She’s sleepy. Naka-subsob din naman sa desk itong kaharap niya at mukha rin namang walang pakialam. Pumikit na siya at natulog. Several minutes passed, she heard a blam sound. Nagulat siya kaya mula sa pagkakasubsob sa desk niya, napaangat siya ng ulo. Sino ba namang hindi, di'ba? Nakita niya ang isang lalaki na mukhang terror. "How dare you to sleep in my class? Kabago-bago mo, ganyan ka na kung umasta?!" Sa lahat ng ayaw niya, yung sesermunan siya pagkatapos sirain ang tulog niya. Since first day of school niya ito, sa susunod na niya babasagan ang mukha ng teacher na ito. "I'm sorry, Sir." Nakatingalang pagpaumanhin niya rito. Nakaupo pa rin kasi siya kaya tiningala niya ito. Tanga, tanga? "I don't care if it is your first day of school here, kaya ngayon pumunta ka sa board at sagutan ang mga ni-lecture kong tinulugan mo lang!" Nagtitimpi na siya habang nakatingin rito. Baka masuntok na niya talaga ito. Napansin niyang gising na din yung kaharap niya. Meaning, bawal talaga matulog sa klase ng hinayupak na titser na ito. Math pala ang subject nito. "You can't answer, right? As I expected ----" Hindi na niya ito pinatapos magsalita. Nawala ang pagtitimpi niya. Tumayo siya at naghamon ng titigan rito. No one wins when they dared to challenge her. "What if I answer correctly all of your f*****g questions? I want a perfect grade for the whole class in your subject." Nagulat man ito pero agad itong nakabawi. Nagsmirk ito. "Oh. Sure, pero once na may isa kang mali sa sagot mo, lahat kayo bagsak sa subject ko." "f*****g sure. After this, I don't want to see your face anymore, okay?" Maraming nagbulong-bulungan. Maraming nainis sa kanya. "Ano ba yan, hindi ba niya alam na ang hirap-hirap ng lesson natin ngayon?!" "Tsk! Mukhang babagsak pa ako lalo sa Math ngayon, ah! Asar!" At marami pang iba na hindi na niya pinagkaabalahang pakinggan. Pumunta na siya sa harap. Ramdam niya ang mga matang nakatitig sa maganda niyang likuran. Likod pa lang mapapalingon ka na. Stare to my f*****g back, weaklings. Sinimulan niya i-solve ang mga equations na nasa board. In 5 minutes, tapos na niya sagutan ang lahat ng iyon. Pagharap niya, nakanganga lahat, pati ang kupal na teacher na feeling strict. Except sa lalaking nasa harap niya. She smirked. Math genius? Nope. She excels everything. "Sir, ihanda niyo na ang perfect grade namin sa subject niyo. Now, may I have my nap back? Oh, get the hell out of here." Ng hindi sumagot ito, nagtuloy-tuloy lang siya sa desk at sumubsob para matulog.   Cafeteria   Nasa cafeteria siya ngayon, nakapila para bumili ng pagkain nang may lumapit sa kanyang lalaki. "Hi, I'm Zeke Napoleon Madrigal. Ikaw yung usap-usapan dito sa school na transferee na maganda pero badass, right?" Nilahad nito ang kamay kay Sapphire. Tiningnan niya lamang ang kamay nito. Mas madaldal pa sa babae. Bakla ba to? "I don't talk to assholes. Oh, wait, that asshole describes you. So f**k off, dude." "Ouch! It hurts, babe. You see, I'm not an asshole. I'm just a lover boy." Hindi na niya pinansin ito at sinabi na lang ang gusto niyang kainin sa nagtitinda sa cafeteria. "Hey, let me treat you." sabi ng asshole na si Zeke. Ito ang nagbayad sa binili niyang spaghetti, burger at coke. Nilayasan na lang niya ito at naghanap ng mauupuan. He insists anyway, right?  Maraming nag-aalok kay Sapphire na umupo sa table ng mga ito. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagtuloy-tuloy sa sulok na upuan at doon kumain. Wala siyang planong makipagkaibigan since hindi naman siya friendly. Hindi lang iyon, siguradong paplastikin lang siya ng mga ito. Who needs a friend, anyway? Definitely not her. Nagsisimula na siyang kumain ng may umupo sa harap niya. "Hey, tataba ka niyan kung ganyan ka kalakas kumain. Sayang ang pagkasexy mo. Oh yeah, there's no such thing as freebies, babe. So, in exchange for that lunch, have a date with me." walang iba kundi ang asshole na Zeke. "Leave me alone, asshole." asik niya rito. "You are really my type of girl. Palaban." Ngumisi ito. "At sexy." Tapos na si Sapphire kumain kaya tumayo na ito habang bitbit ang natitirang coke. Lumapit siya kay Zeke. Hinawakan ni Sapphire ang balikat nito papunta sa leeg nito. Mukhang nagugustuhan ng gago ang ginagawa niya. Pumikit pa ito. She smirked. Binuhos niya rito ang coke na hawak niya. Halatang nagulat ito at napadilat bigla. Maririnig ang malalakas na hiyaw ng mga tao sa cafeteria. "That's for you, babe. Mukhang uhaw na uhaw ka na kasi. Also, thanks for the lunch." At iniwanan na ni Sapphire ito. Maraming matatalim ang titig sa kanya, lalong-lalo na ang mga babae. Ngunit, iba ang mga titig ng kalalakihan, punong-puno ng paghanga ang mga mata ng mga ito. Umalis na siya sa lugar na iyon.   Gymnasium   "s**t, man! Binuhusan ako ng coke ng babaeng iyon! Argh! Nako, kung hindi lang babae iyon, malamang nasapak ko na iyon." inis na sabi ni Zeke sa kapatid niyang nagngangalang Zach. Napangisi si Zach. "Nakahanap ka ngayon ng katapat mo. Buti nga sayo." Pinagpatuloy ni Zach ang paglalaro ng basketball. Nandito silang magkapatid ngayon sa gym kung saan nakatambay si Zach tuwing lunch break. Oh, by the way, he’s Zacharias Chance Madrigal. He is the older brother of Zeke, also known as the heartthrob of Precor University. Pinag-uusapan nilang magkapatid ngayon ang bagong transfer student na nagkataong kaklase niya. Well, nagagandahan din siya kay Sapphire. She's stunning and beautiful. Ang HOT pa niya! Pero halatang matapang at nanlalaban ito na siya ring naging dahilan kung bakit mas lumaki ang interes niya rito. Pati kapatid niya na nasa lower year nagustuhan din ito. Popormahan niya rin sana ito kanina kaso naunahan siya ng kapatid niya. Buti na lang nauna ito, kundi baka siya yung nabuhusan ng coke. "Pero, Kuya, grabe! Ang HOT pa rin niya! Lalo na nung iniwan ako kanina." Nangingislap pa ang mata ng gago. "Gago! Wag mo ng pangarapin yon! Baka hindi lang iyan ang abutin mo." Nagshoot na ulit siya. "Sayang naman kung pababayaan, di'ba?" Nakanguso pang sabi ni Zeke.  "Hahahaha! Wag kang ngumuso diyan. Hindi bagay!" Nginisihan lang siya ng magaling niyang kapatid. "Lul! May laban nga pala kayo nila Trace mamaya sa GT, di'ba?" biglang tanong ni Zeke. "Oo, pero mukha namang panalo na kami dun." bale-walang sagot niya rito. "Yabang! Hindi muna ako makikipaglaban, baka mabasag na ng walanghiyang Enzong iyon ang mukha ko." Muntikan na kasi itong matalo ni Enzo noon, buti na lang naagapan. May tanong kayo?  Yes, they are gangsters. Handsome gangsters, you mean.   Mall of Asia   Pagkatapos ng insidente sa cafeteria kanina, nawalan na ng gana pumasok si Sapphire. Pumunta siya sa mall para magpalipas oras hanggang sa mapadpad siya sa Tom's World. Hinanap niya yung gaming machine na Dance Mania. Alam niyo ba yun? Yung kailangan niyong sumaway gamit ang mga kamay? Whatever. Hanapin niyo para malaman niyo. Sumayaw siya hanggang sa mapagod. Pagkatapos sumayaw, maraming nagpalakpakan. Hindi niya napansin na marami na palang nanunuod sa kanya. Nilayasan na niya ang mga ito. She doesn't talk to strangers. Nakalimutan niyang nakasuot pa siya ng school uniform. Short skirt pa naman yung uniform ng school na pinapasukan niya. Nakashort naman siya sa loob, tanga lang?   Pabalik na siya sa parking lot ng may marinig siyang dalawang lalaking nag-uusap. "Tol, may laban daw yung Black Royal Gang ngayon." Ika ng lalaking nakasalamin. "Oh? Tara nuod tayo!" ika naman ng lalaking nakashort. Pagkaraan ng ilang minuto, nagmamadaling umalis ang dalawa.  Gang? Seriously? Hindi niya alam na mapapadali ang paghahanap niya sa tambayan ng mga gangsters dito sa Pilipinas. Nakita niyang sumakay ang mga ito sa isang itim na kotse. Sumakay na rin si Sapphire sa Big Bike nito at sinundan ang lugar na pupuntahan ng dalawang lalaki. Dumistansya siya ng kaunti para hindi mahalatang sinusundan niya ang mga ito.   At GT   Ang daming gangsters na nagkalat sa lugar na tinatawag nilang GT. May kanya-kanyang laban ang iilan, may mga nanunuod at nakatambay naman ang iba. They are the real gangsters. Hindi tulad sa States, walang kwenta at puro porma lang. May maipakita ka lang na baril at masindak ang iilan, pwede mo ng tawaging gangsters. Cowards. Tinanggal ni Sapphire ang nakasabit na bag sa katawan nito at isinabit iyon sa motor. Baka hindi kasi siya papasukin. Anyway, ballpen lang naman ang laman ng bag niya at wala kayong pakialam. Hindi siya nagdadala ng mga notebook at libro. Mabigat, kuha niyo? Naisuot na ulit ni Sapphire ang damit niya kaninang umaga. Sinuot niya ang kanyang black shades para hindi siya makilala. Pumasok na siya sa lugar at sa entrance pa lang maririnig niyo na ang hiyawan ng mga gangsters. "Wooohh! Panalo na ang Black Royal Gang!" "Talo na yan!" Nang makarating siya kung saan naglalaban ang mga gang na sinasabi ng mga ito, nanlaki ng bahagya ang mga magaganda niyang mata. Mahangin? Wala kayong pake. So, gangsters pala yung dalawang lalaki na nasa harap niya kanina. She smirked. What a pleasant surprise. Nanuod siya ng laban. Maganda ang mga moves ng nasa stage ngayon. Pinupuntirya nito ang mga parte ng katawan na mahihina. Pulido din ang mga moves ng 2 kasama nito. Iisipin mong planado nila ang mga bawat galaw. Hindi mahihina ang mga kalaban ng mga ito. Pero kung pagbabasehan sa dami ng natamo ng mga kalaban nito, panalo na ang mga ito. Wow, for the first time, she was amazed. "Excuse me, Miss. Naligaw ka ba? Pwede kitang ihatid." sabi nung katabi niyang mukhang tukmol. "Get lost." mataray na sabi ni Sapphire rito. "Miss, model ka ba dito? Aba! Kung araw-araw kitang makikita dito, baka dito na ko tumira." sabi naman nung isang kasamahan nung mukhang tukmol. Hindi niya pinansin ang mga ito. "Miss Byutipol, wag ka ng magpakipot. Tara, sama ka na sa'min. Malalasap mo ang langit." singit naman nung mukhang tukmol. Nang simulan nitong hawakan ang kamay niya, naasar na siya. "Get off me, or else." babala niya rito. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Ew. Ang lagkit! "Wow, matapang ka din pala. Yan ang gusto ko sa babae. Palaban." Ngumisi ito. Walang nakakapansin sa kanila dahil hindi pa rin tapos ang laban. At saka, nakapwesto sila sa dulo. "I said, GET OFF! You fucker!" Madiin na saad ni Sapphire, unti-unti na silang nakakakuha ng atensyon. Hindi niya pinansin ang mga nanunuod sa kanila. "Tara na, Miss." Hinawakan ulit ng lalaki ang kamay ni Sapphire at buong pwersang hinila siya. Hindi na siya nakapagtimpi pa. Pinilipit niya ang kamay nito papunta sa likod nito. Pagkatapos, tinadyakan niya ito sa likod kaya napasubsob ito sa sahig. She smirked. Akmang bibigyan si Sapphire ng suntok ng isa pang kasamahan ng lalaki, pero naunahan niyang bigyan ito ng flying kick at bumagsak ito sa sahig. Sabay sipa sa 'precious body part' nito. Humiyaw ito sa sobrang sakit. "I told you to get off." Nakita niyang halos lahat ng tao roon ay sa kanila na nanunuod. Tapos na pala ang laban nung Black Royal Gang. Halata namang panalo ang mga ito dahil ni isang galos ay wala ang mga ito. Sa kabilang dako, bugbog sarado naman ang mga kalaban ng mga ito. Nagpalakpakan ang mga gangsters na nandoon. "Wooohh! Nice one, Miss. Gusto mo sumali sa gang namin?" aya nung isa sa mga gangsters roon kay Sapphire. Hindi niya pinansin ang mga ito at umalis na. Pasakay na sana siya sa kanyang Big Bike ng may pumigil sa kanya. "Excuse me, Miss. Do you mind if I ask a question?" tanong ng lalaking may hitsura. Malamang, may hitsura, tae nga meron.  "Nah, not really." "Gusto mo bang gumawa ng gang?" tanong nito. Tinitigan niya ito. Mukhang seryoso ito. "I don't know. Maybe I'll think about it." "Well, then, see you at school. I'm Kent Adrian Kurtz, by the way. You are Sapphire Gaia Sy right?" "I know you. You are the so-called Prince of Precor University." "Nah, pero magkita na lang tayo bukas sa campus, okay lang ba?" "Whatever." Sumakay na siya sa Big Bike niya at umalis na roon. Oo, ine-emphasize niya talaga na BIG BIKE NIYA iyon. Bakit ba?   Next morning, at Precor University Papunta na si Sapphire sa classroom. Makikita sa mukha nito ang bagot na bagot na itsura. Hindi niya sana balak pumasok kung hindi dahil sa Kent na iyon. Kahit kailan hindi niya naisipang gumawa ng gang, but she think it is kinda exciting. Whatever. She heard a blam. May nakita siyang inaaping nerd. Kung hindi siya nagkakamali, Bruce ang pangalan nung bully. "Hey, put him down." For your information, she can't stand seeing people who are being bullied. Naiinis siya dahil yung mga hindi kayang lumaban ang mga inaapi nila. Hindi siya pinansin ni Bruce. Nginisihan lang siya nito. "Bakit Miss Beautiful, may magagawa ka ba? Bibitawan lang namin siya kung sasama ka sa'min." Tinaasan niya ng kilay ito. "Sure." Lumapit siya sa mga ito. Tatangkain sana nitong akbayan siya pero siniko niya ito ng malakas sa sikmura. "Argh! Magbabayad ka! Kunin ang babaeng yan!" utos nito sa mga alipores na nasa gilid nito. Sinuot ni Sapphire ang kanyang headset at nagpatugtog. Kasabay ng tugtog na naririnig niya ay sinimulan niyang suntukin ang mga ito. Para siyang sumasayaw habang nakikipaglaban. Well, that's the specialty of the Black Princess. The Dance Move Punches. Umiiwas siya sa mga suntok ng mga ito na parang sumasayaw lang. Ang mga atake naman niya ay bilang lang sa mga daliri. Ang pinupuntirya niya lang naman ay yung mga mahihinang parte ng katawan ng mga ito. Mas lalo lang siyang gaganahang makipaglaban kapag may music na kasama. Cheesy? Wala kayong pake. Anyway f**k you, parang napakatagal na panahon na ang lumipas simula ng huling laban niya. Also, she is really dancing while fighting them.  Hindi pa tapos ang kanta, knock out na mga kalaban niya. Nakita niyang nanlalaki ang mga mata ni Bruce. Nilapitan niya ito. "So, you are the last one."  "S-sorry, h-hindi ko na uulitin." Nauutal na sambit nito at tumakbo paalis. Napansin niyang maraming nanunuod sa kanila. "Wow, she's cool!" "Haneep, walastik! Expert ang mga galaw niya. Para lang siyang nagsasayaw." Umalis na siya roon, wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng mga ito. Well, see you later at the Principal's Office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD