CHAPTER 17
Pagdating namin dito sa BHO kagabi kahit saan kami tumingin may nakakalat na mga laruan, parang naging malaking playground ang buong BHO. Hindi kasi mapatahan ng mga agents ang mga babies, ang sabi ni Kael kailangan pa daw nilang sumayaw na mga lalaking agents bago daw tumahimik ang mga babies.
Nag-iinat na bumangon na ako, nilingon ko ang lugar kung saan dapat nakahiga si Wynd pero wala siya doon. Nagkibit-balikat ako at tumayo, baka nagutom at lumabas. Tumingin ako sa bedside table, alas -kwatro pa lang pala kaya pala madilim pa sa labas.
I wonder kung saan pumunta si Wynd, sobrang antok ko siguro hindi ko napansin na umalis siya. That's a bad habit, hindi ko pwedeng kasanayan iyon. Lahat kasi kami trained na kahit anong pagod namin kahit tulog kami aware pa rin kami dapat sa paligid naming, to protect ourselves. Ang kaso whenever I sleep in Wynd's arms, hindi ako natatakot para sa safety ko. Cause I feel safe with him, kasi alam ko hindi niya ako pababayaan.
Maybe I was to caught up with my feelings for Reese before, pero hindi ko pinagsisisihan ang mga yon. Kasi kung hindi dahil sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko matututunang mahalin si Wynd. Kasi kahit paano natuto ako sa lahat ng naranasan ko ng mahalin ko si Reese, and yes natatakot pa din ako. Isa yon sa hindi na maaalis sa akin. I'm afraid that it wont turn out well, I'm afraid na he wont love me katulad ni Reese. Natatakot akong masaktan, pero sino nga bang hindi?
Madali para sa atin na magpayo, pero kapag nandoon na tayo sa sitwasyon nagiging tanga din tayo.
Lumabas na ako ng kwarto namin ni Wind, hindi ko na kailangan magrobe dahil t-shirt lang naman ang suot ko ng matulog ako at pajama. Nagsuot na lang ako ng jacket dahil malamig,
Naglakad ako papunta sa dining hall, wala pa ang mga elite kaya baka natutulog pa ang mga yon. Kasalukuyang nagluluto na ang mga staff para sa breakfast mamaya, nakangiting kumuha na ako. Mukhang nagulat sila at maaga ang gising ko ngayon. Kumuha ako ng ham sandwich at naglalakad na kinain ko yon.
Obviously hinahanap ko si Wind kaya hindi ako mapakali, basta ba naman kasi umalis eh. Pumunta ako ng garden pero hindi ko siya nakita. Pumasok ako ng elevator na bihira naming gamitin dahil kadalasan gusto namin sa hagdanan. Umakyat ako sa rooftop pero wala din siya don, nasaan na ba kasi ang lalaking yon?.
"HOY!" napapitlag ako ng biglang may sumigaw. Nilingon ko ang nanggulat para ihambalos sa pader, dahil muntik ng tumalon ang puso ko sa gulat palabas ng rib cage ko.
"Para kang kabute diyan."
Pinaikot ko ang mga mata ko ng makita ko kung sino iyon. Si Ice. "Kabute? Sa gwapo kong ito?"
"Mas gwapo si Wynd."
"Asus, I’m sure kung last, last, last,last, last month ka tinanong sasabihin mo mas gwapo ako. Galit na galit ka kay Wynd noon eh."
"No, not exactly."
"No? As in hindi ka galit kay Wynd or no hindi yon ang sasabihin mo?" sinimangutan ko siya. Kung gaano kakulit si Wynd ganoon din kakulit si Ice, magkadugtong talaga ang utak nilang tatlo nila ni ate Wynter. Si Ate Wynter kay Kuya Rain lang iyon baliw, though may sometimes din siya. Blame it to the genes.
"No as in hindi yon ang sasabihin ko. Kung dati mo ako tinanong sasabihin ko pareho kayong hindi gwapo ni Wynd. Haler? Para kaya kayong pinagbiyak na papaya."
"Susumbong kita."
"Sumbong mo."
"Kawawa talaga ang kapatid ko sayo, under." ngumiti lang ako sa kaniya. Siya nga under din kay Summer eh, sa tingin ko mas malala pa silang dalawa.
"Nasaan si Wynd?"
"Ewan, kayo magkasama tapos sakin mo itatanong?"
"Sapakin kita diyan eh!.Whatever, hahanapin ko na lang siya." tatalikuran ko na sana siya pero pinigilan niya ako. Pagkatapos ay nagtago kami sa isang halaman. Nagtatakang sinilip ko naman yung sinisilip niya, si Tita Kat at si Wynd.
"Momma kailangan ko na po talagang umalis-"
"Kailangan nating mag-usap about sa inyo ni Autumn, Wynd. Hindi ko alam kung magiging okay lang sa kaniya o mas masasaktan siya kapag nalaman niya ang ginawa mo-"
"Momma, kailangan kong gawin yon. Hindi tama, alam mo pong hindi tama pero-"
"Anak-"
"I know Momma, we'll talk about it kapag nakabalik na ako. Pero kailangan ako ni Eilleen ngayon Momma. I need to go."
Nanglaki yung mga mata ko ng biglang tumakbo paalis si Wynd. Eilleen? Sino yon? Dumilim ang anyo ko at susundan ko na sana si Wynd ng pinigilan ako ni Ice. Pumiksi ako at naglakad paalis, hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sakin.
Tumuloy ako sa motorbike ko, buti na lang may nakaipit ako lagi na spare key don. Kinuha ko yon at pinaandar ko na, wala na akong pakialam sa ayos ko basta kailangan kong masundan si Wind at tignan kung sino yung Eilleen na sinasabi niya, lagot siya sakin kapag nalaman kong nangbabae siya. Sinong matinong lalake ang makikipagkita sa babae ng ganitong oras?
Wala akong maalalang Eilleen na kaibigan niya sa labas. Kung sabagay wala naman akong alam sa mga kaibigan ni Wynd. Damn it! Here I go again, falling for someone na hindi ako mahal. Hindi na ako nadala, paulit-ulit ko na lang ginagawa. Bakit ba kasi hindi na lang ako nanahimik?
No! Maybe kaibigan lang siya ni Wynd. Siguro may dahilan kung bakit sila magkikita ng ganitong oras. Hindi ko alam ang gagawin ko kung malalaman ko na-
I don’t want to think about that. Not yet. Nagmamadaling sinundan ko si Wynd, humaharurot din ang sasakyan niya. Buti na lang nasa may part ako na hindi niya ako makikita, I don’t want him to see how pathetic I am. Para na akong stalker.
Napahinto ako bigla ng walang sabi-sabing lumiko si Wynd sa isang subdivision. Bumilang ako ng sampu at sinundan ko siya, hindi ako agad pinapasok ng guard. Buti na lang may nakita akong pera sa compartment ng motorbike ko kaya nakapasok ako. At dahil sa guard na humarang sakin nawala ko si Wynd.
Nagikot-ikot ako sa loob ng subdivision, at baka sakaling makita ko pa siya. Nagpalingon-lingon ako at hinahanap ko ang kotse niya. Nanglaki ang mga mata ko ng mamamataan ko siya na umibis sa sasakyan niya. Mukhang kararating niya lang din. Pumarada ako sa hindi kalayuan at nakita ko siyang naglakad papunta sa isang bahay na hindi naman gaanong kalaki. Walang gate ang bahay.
Nang makapasok si Wynd dali-dali akong sumunod. Tinignan ko muna kung may alarm at camera pero wala, tumakbo ako papunta sa gilid ng bahay. Of course hindi ako pwedeng pumunta sa harapan, naghanap ako ng bintanang bukas. Nang makakita ako ay binuksan ko agad iyon at tahimik na pumasok ako sa loob, muntik pa akong makita ni Wynd dahil papasok din sila sa kusina kung saan ako nakahanap ng daan papasok.
Dali-dali na nagtago ako sa likod ng isang malaking cabinet. Nang sa tingin ko wala na siya ay lumabas na ako sa kinatataguan ko at sumunod ako sa binalikan niya. Nagtago ako ulit sa isang cabinet doon at sinilip ko sila.
"Tell me what happened, Eilleen." utos ni Wynd.
"I just want you here, I don’t want to talk about it."
"Pero-" bigla na lang umiyak yung babae. Inalo-alo siya ni Wynd na mukhang alalang-alala sa kaniya. Hindi tumigil ang babae na mugtong-mugto na ang mga mata, para siyang namatayan na kung ano. Hindi ko alam, maybe sinadya niya ito para pumunta si Wynd. Maraming babae ang handang gawin iyon para makuha ang atensyon ni Wynd. Some will play wild, romantic, innocent, shy, passionate at kung ano-ano pa.
Hindi ko alam pero parang familiar ang babae, hindi kaya isa siya sa mga naka-date ni Wynd na nakita ko na dati? Kung ganoon, anong ginagawa dito ni Wynd? Napatingin ako ulit sa kanila ng lumakas yung iyak nung babae. Mukhang litong-lito na si Wynd.
"Shhh, stop." Pagpapatahan ni Wynd kay Eilleen. He leaned down, No. I can’t see it clearly, pero alam kong hinahalikan niya ang babae. After a few second I can hear him murmuring something, then niyakap niya si Wynd.
I wipe away the tears in my eyes, Damn it! Mas malala pa ito sa lahat ng naranasan ko, I was there smiling at Reese ng nagkakamabutihan na sila ni Ate Hurricane. Nandoon ako ng nagkaanak sila, nandoon ako ng nagpakasal sila, pero bakit ang sakit? Bakit mas masakit? Bakit nasasaktan ako? Why do I keep loving someone na hindi naman ako kayang mahalin? Bakit kasi umasa ako? Bakit ba lagi na lang akong umaasa?
"Kasal ka na daw, Bakit ka pa nandito-" tanong ni Eilleen kay Wynd.
"Hindi ako totoong kinasal."
"Why do you even care? Lahat sila, lahat sila iniwan ako."
"Because I love you."
Every touch, every kiss, every hug wala lang ba iyon na meaning para sa kaniya? Ako? Wala lang ba ako sa kaniya? Right. Sino ba naman ako? There's nothing that I have that can make him stay with me, nothing. Somehow alam iyon ng puso ko, It’s just that apart of me wished everything's for real.