Chapter 13

1227 Words
CHAPTER 13   AUTUMN'S POV "Goodmorning, Sweetie."   Napatili ako at napabalikwas ng bangon. Halos magkalapit na talaga ang mga mukha namin. At yakap-yakap niya rin ako. Dahil bigla akong kumilos nahulog ako sa lapag.   "Walangya ka Wynd! Maniac ka talaga!" sigaw ko.   "Hey, bago ka mangbintang gusto ko lang sabihin sayo na ikaw ang nakadagan sakin meaning pinagtangkaan mo ako ng masama kagabi."   "Ang kapal ng mukha mo!"   "Alam ko. Kung manipis ang muka ko eh di ang pangit ko. Gwapo ako no. Mas gwapo pa ako kay Tom Cruise. Pagtabi-tabihin mo yang mga yan pati na si Brad Pitt walang panama sakin yang mga yan." Kumuha ako ng unan at binato ko siya. Binelatan ko siya ng tumalsik siya ng tamaan ang muka niya. Dali-dali akong kumuha ng damit at pumasok sa bathroom.   Naligo lang ako saglit pagkatapos ay lumabas na ako. Paglabas ko pa lang pumasok na agad si Wynd sa bathroom. Mukhang na insecure dahil ako mabango na.   "Autumn?" Tumingin ako sa bathroom ng sumilip siya. Ulo lang niya talaga ang nakalabas. Akala mo naman kung sinong dalagang pilipina na baka ma-r**e.   "What?" tanong ko   "Paabot ng towel." Nagpalingon-lingon ako. Wala namang towel eh. Yung akin lang ang nandito.   "Wala. Baka naglinis na naman ang momma mo ng kwarto. Wala akong makitang towel mo dito. Burara ka kasi eh kung saan-saan mo nilalagay."   "Akala ko kasi nagma-magic eh. Mula ng lumipat ka dito yung towel ko na pinapatong diyan sa upuan nag ta-transport sa bathroom." Inirapan ko siya.   "Ako kaya ang naglalagay non! Ang kalat mo kasi!"   "Makalat ka din naman ah!"   "Mas makalat ka!"   Nagdadabog na naghanap ako ng towel pero wala talaga. Naiinis na kinuha ko ang towel ko at lumapit sa pintuan ng bathroom kung saan nanginginig na si Wynd sa ginaw. Inabot ko sa kaniya iyon.   "Pagtyagaan mo muna yan. Tinatamad akong humingi ng towel sa iba. Walang bacteria to wag ka ng maarte."   Kinuha na niya yon at sinarado na niya ang pinto. Inayos ko ang kama. Kung makalat ako mas makalat si Wynd. Kapag tinamaan lang siya ng kung ano at saka naiisipan niyang maglinis ng kusa.   Napatingin ako sa pinto ng bathroom ng bumukas ang pinto at lumabas si Wynd. Napahagalpak ako ng tawa. Imbis na sa bewang niya lang iyon iipit ay akala mo babae na pati dibdib ay nakatakip.   "Ang sama mo." sabi ni Wynd   "Bakit kasi hindi ka nagdala ng damit?"   "Nakalimutan ko."   Napahagalpak na naman ako ng tawa ng mabilis siyang pumunta sa closet at kumuha ng damit. Bumalik siya sa bathroom at bago niya sinara yon tinignan niya muna ako ng masama. Napailing na lang ako. Para talagang sira kung minsan.    Lumabas na ako. Alam kong matatagalan pa siya at dahil gutom na ako hindi ko na siya maiintay. Pumunta ako sa dining hall at naabutan ko ang mga elite agents na kompleto na don. Uupo na sana ako sa bakanteng pwesto sa tabi ni Ice ng biglang may tumabig sakin at umupo. Si wynd. Nakasimangot na umikot ako at umupo sa tabi ni Summer na katapat ni Ice.   "Bakit ang bilis mo?" Tanong ko.   "Kasi gumamit ako ng super power."   "Nang ano? Bato ni darna?" Tinignan niya lang ako ng masama. Tatayo na sana ako para bumili ng pagkain ang kaso pinigilan ako ni Wynd. Tumayo siya tapos tumingin kay Ice. Tapos sa akin. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na hinila niya si Ice papunta sa counter.   "Oy! Bro-"Sabi ni Ice   "Sumama ka na lang o ibabalik kita sa tiyan ni momma!"sigaw ni Wynd   "Eh di kasama ka din don since kambal tayo."   "Sumingit ka lang kaya nabuo ka din." Binatukan siya ni Ice. Nagbatukan sila hanggang makarating sila sa counter.   "Anong trip na naman ng asawa mo?" tanong ni Sophie   "Sinong asawa?" sabi ko.   "Duh?" Sasagutin ko sana siya ng maalala kong asawa ko nga pala 'kuno' si Wynd. Nagkibit balikat na lang ako para wala ng usapan pa. Tumingin ako kay Wynd ng bumalik na sila ni Ice. Kinuha ko ang pagkain na para sakin at nginitian ko lang si Ice ng inabot niya din sakin ang inumin. Aabutin ko na sana ang kaso kinuha ni Wynd at inabot sakin.   "Anong trip mo?" tanong ko.   "Ang trip ko? Trip kita." Binatukan ko siya. Nagsimula na akong kumain. Napapatingin ako kay Wynd paminsan-minsan dahil nararamdaman kong napapatingin siya sakin. Kapag tinitignan ko naman siya ngumingisi lang siya.   "Ang weird mo, para kang rapist." sabi ko   "Ang sakit mo namang magsalita. Hindi ka pa nga nagsusuklay."   "Kinalaman non?"   "Ibig sabihin non ako sobrang gwapo. At ikaw, gwapo din. Kaya dapat magsuklay ka ng bagay tayo." Inirapan ko lang siya. Tinatamad akong magsuklay eh. At saka bakit pa ako magsusukalay kung magugulo din naman diba? It's not as if may kinalaman ang buhok ko sa trabaho ko.   "Alam mo kasal na nga kayo pero away parin kayo ng away." sabi ni Sophie   "Kasama talaga yon. responsibilidad ko bilang asawa na-" sabi ko   "Na pagnasaan si wynd?"   "Of course not! Hindi ako kasing maniac mo no. Responsibilidad ko na paputiin ang buhok niya sa kunsumisyon." Napailing na lang siya. Pakiramdam ko gusto akong batukan ni Sophie. Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kaming lahat sa lab. Hinayaan kong mauna sina Reese dahil ayoko muna siyang kausapin.   Pagpasok namin sa lab saglit akong napatigil ng makita kong nandoon lahat ng babies nila. Si Kael lang ang tao doon at mukhang windang na windang na sa dami ng babies.   "O ayan na ang mga nanay at tatay niyo. Makalayas na nga."Sabi ni Kael. Bigla siyang lumabas. Hindi na ako magtataka. Kahit ako aatras kung pag-aalagain mo ako ng walong bata. Lumapit ako kay baby Dawn at as usual napatulala ako sa ganda niya. Sigurado akong maraming papaiyakin na lalaki to pag-laki niya.   "Gusto mo niyan? Bibigyan kita-"tanong ni Wynd   "Gusto mong putulin ko yan?" Tumingin ako pababa. Napatawa ako ng bigla niyang nilagay ang dalawa niyang kamay sa tapat 'non' at mukang pinoprotektahan laban sa threat ko sa junior niya. Tinapik ko siya sa balikat at umupo na ako sa sofa at kinuha yang tab ni Ate Wynter sa lamesa. Nagbukas ako ng f*******: at naglaro ng farmville.   Lahat sila napatingin sakin ng napasigaw ako. Pati mga babies natahimik tapos, sabay-sabay na umiyak. Nag peace sign lang ako. Namatay kasi lahat ng halaman ko sa farmville. Kasalanan nila Tayk yan, dahil naging busy ako dahil sa kanila. Tumayo na ako at kinuha ko si Freezale. Madali lang siyang patahanin dahil normal na sa batang to na maging tahimik. Bihira lang siya talagang umiyak.   After a few minutes kumalma na lahat ng babies maliban kay Skylee na hindi na lang umiiyak kundi tumitili na talaga.   "Pangit ba ako ngayon? Bakit ayaw tumahan?" Tanong ni Reese   "Hindi gwapo ka parin Hon. Mukhang wala sa mood si Skylee na manglalaki ngayon." Sagot ni Hurricane. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at inabot sakin si Skylee. Sinubukan kong lumayo pero pinandilatan lang ako ni Ate Hurricane at ibinigay sakin si Skylee.    Tumingin ako kay baby Skylee. Nakatingin siya sakin at tumigil na sa pag-iyak. Tapos bigla siyang nag make ng mga sounds. Syempre hindi ko maiintindihan. Pero sunod-sunod yung mga sinabi niya na puro 'yah, nya, yah' lang ang naintindihan ko. Pakiramdam ko pinapagalitan niya ko. Malamang dahil sumigaw ako kanina.   "Yan. Napagalitan tuloy." Sabi ni Ate Hurricane.   "Kunin mo na nga tong anak mo na mukhang mana sayo." Sabi ko. Natatawang kinuha niya na si Skylee na mukang satisfied na sa ginawa niyang pag-saway sakin gamit ang kaniyang very own language.   "Psst."    Nilingon ko si wynd. "What?"   "Gusto mo ng ganiyan? Bibigyan nga kita-"    Inamba ko lang sa kaniya ang kamao ko. "Let's get back to work."   "Gagawa na tayo?! Yehey!" tuwang tuwa na sbai ni Wynd. Sinipa ko siya.   "I mean magtrabaho na tayo. Hindi gumawa ng baby!" Napakamot lang siya sa ulo niya habang tumatawa naman yung iba. Napapailing na nagsimula na ako sa trabaho namin. Makapagtrabaho na nga.   Baby? Erase, erase!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD