CHAPTER 25 Bigla akong bumangga sa kung ano, buti na lang nasalo niya ako. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang tingin ko ng kamukang-kamuka ng taong mahal ko. Ice. "Stay and listen. Malay mo-" "Malay ko ano? Na may sasabihin pa siya? Kanina pa ako nag-iintay Ice. Nakakapagod ng makinig. Hindi lahat ng tao kayang maging masokista." Hinila niya ako at pilit na hinarap kung saan nag-uusap sina Wynd. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Ayoko ng marinig. Ayokong makita na ganito si Wynd. "Then don’t marry my daughter." "Tito, I need time to think. Hindi ganon kadali ang sinasabi niyo. Masaya kami ni Autumn na magkasama." "You just answered me earlier. You don’t love her, right?" Tumalikod na ako at tuloy-tuloy na umalis. Naramdaman ko na nakasunod sakin si Ice

