CHAPTER 6 “TEASE ME NOT” ALEXA’S POV “Bakit naman bigla ang pagpapatawag ni tita?” tanong ni Jezhi. Actually isinama ko lang talaga sya sa lunch kasi pakiramdam ko lumulutang pa rin ako sa ulap ngayon. “Hala baka naman ayaw nan yang magpakasal kayo ni Zak.” Naririnig ko si Jezhi pero parang walang epekto sa’kin. “Sis, kanina pa ko nagsasalita dito pero never nawala yang ngiti sa mukha mo. Pakiramdam ko tuloy napopossess ka.” Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa paligid. Nandito na kami sa bahay pero nasa labas pa kami. “Uhm sis – “ medyo nahihiya pa kong magtanong kasi di naman usually nagtatanong ng ganito, “ – uhm nag – uhm nag-make out na ba kayo ni Val?” pakiramdam ko nasusunog ang buong mukha ko sa sobrang init. Tumawa ng malakas si Jezhi kaya naman tinakpan ko agad

