CHAPTER 2
“ORDINARY TO EXTRAORDINARY”
ALEXA’S POV
Kakababa ko lang sa parking lot. Magkikita kasi kami ni goon ngayon. Syempre kahit busy sya hindi sya nawawalan ng time sa’kin kaya nga mahal na mahal ko yun.
“Waahhhhhh kitty bakit ka kasi umakyat dyan. Paano kung malaglag ka.” May nakita akong batang umiiyak sa tabi ng bike nya. Mga 7 years old siguro ‘to. Hindi ko na sana sya papansinin pero ang lakas umiyak. “Wag kang gagalaw kitty, baka malaglag ka. Waaaaaah! Intayin mo lang si superman, maririnig nun ang iyak ko.”
-_- Modern age na pero naniniwala pa din ‘tong batang ‘to kay Superman. Tiningnan ko lang sya at napatingin din sya sa’kin. “Why are you crying?”
“Waaaaaaaaaaaaaaaah kitty hold on. Darating din ang tulong from heaven.” Wow, parang hindi ako nakita at narinig ha. Pwes bahala sya sa buhay nya, meron pa kong date. Iiwanan ko na ‘tong batang ‘to. “Kitty stay put, I know merong superhero somewhere – ” tapos bigla syang tumigil sa pag-iyak kaya napalingon ako at nakita kong nakatingin sya sa’kin. “ – ahhhhhhhhhhhh kitty no.”
Ugh! Grabeng mga bata ngayon, bakit hindi na lang tumawag sa 117 para humingi ng tulong! Tumingin ako sa paligid pero walang ibang tao. Great! It’s me and that kitten. “Boy, gusto mo bang ibaba si kitty?”
Nagnod sya. “Eh bakit hindi ka umakyat dun at kunin mo hindi yung ngalngal ka ng ngalngal dyan!!” napatulala sya tapos bigla ulit syang umiyak ng malakas. “Shhh joke lang naman. Nagjojoke lang si ate oh.”
“Kunin mo si kitty sa taas ate. Hindi safe dun, baka malaglag sya.” Ugh! Nakakainis, wala akong magawa!
Umupo ako sa harapan nya para pantay kami. “Listen, hindi malalaglag si kitty gawa nung claws nya.”
“Pe – pero maliit pa si kitty!! Waaaaaaaaaaaah!” mas lalo nyang nilakasan yung iyak.
“FINE!!!! AAKYATIN KO NA YANG KITTY NA YAN!!” kapag naman minamalas ka. Tumingin muna ako sa orasan ko at nakita kong maaga pa naman so kung aakyatin ko yung kitty na yun makakababa pa ko. Lumapit ako sa puno at hinubad ko ang shoes ko. Buti na lang at hindi ako nakadress ngayon. Wala pa mandin akong lahing unggoy, naku bata ka kapag ako nagkagasgas o nasugatan patay ka sa’kin.
“AHhhhhhhhhhhhhhhh!!!” nagulat ako sa sigaw nung bata.
“Bakit?” papaakyat na ako pero bumitaw ako dahil sa sigaw nya.
“Kasi baka malaglag ka dyan, wala ng magliligtas kay kitty.” Mahina nyang sabi.
“Kung sisigaw ka ulit ng ganun talagang malalaglag ako. So shut your mouth okay?” then nagsmile ako tsaka nagproceed sa pagakyat ng puno. I can do this. Mababa lang ang puno, ililigtas ko ang kitten then tapos na ang lahat. Isa na akong kitten saver. Kung nasa ibang bansa ako for sure nasa tv na ako ngayon live, isang unica hija, tapagmana ng AGC umakyat ng puno para sa isang kuting na nagpapahangin lang at marunong namang bumaba ng puno.
“Ate malapit ka na!!” napatingin ako sa ibaba at bigla aknong nalula. Sino bang may sabing mababa lang ang puno? You can do it Alexa, no turning back. You’re almost there.
After ng isang madugong pag-akyat sa puno finally nakuha ko na rin ang kuting na ‘to. “Ikaw kuting ka, kaliit-liit mo pa layas ka na. Nasaan ba ang magulang mo at pinapabayaan kang gumala mag-isa!!” oo para akong baliw na sinesermonan ang isang kuting na walang muwang. Pagkababa ko ng puno lumapit agad ako sa bata at nakangiti na sya. “Next time kasi wag mong palalabasin si kitty para hindi ka iyak ng iyak dyan.”
“Thank you ate, ang galing mo.” Sabi nya tsaka sya sumakay sa bike at biglang umalis.
“Uy teka yung kitten mo!!” hinabol ko pa sya.
“Hindi ko naman kitten yan ate, naawa lang ako. Araw-araw kasi yang naakyat sa puno na yan.” Yan ang huli kong narinig na sinabi nya habang papalayo na sya.
Hindi daw sa kanya ‘tong kuting na ‘to? “Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!” nakakainis! Nauto ako dun. Bakit ganun ako nagpauto? Kasi naman makaiyak sya wagas tapos ako naman sunod!!! Nakakainis!!! “At ikaw kuting ka! Bumalik ka na dun sa puno!! Kaya mo ba ko tinitingnan kanina kasi sinasabi mong hindi mo naman kilala yung bata? Paano ko naman maiintindihan yun?” mababaliw na ako sa sobrang inis.
“Pilkey!” napalingon ako sa isang lalaking sumisigaw. Ano bang meron ngayong araw? Puro sumisigaw ang mga lalaki? Bago pa ko mainis ng tuluyan binitawan ko ang pusa.
“Umuwi ka na at wag ka na ulit lalabas, pasaway kang kuting ka!” sabi ko sa pusa habang tumatakbo papalapit sa – sa lalaking sumisigaw.
“There you are Pilkey. Gumala ka na naman ha! Hindi ka na natigil sa bahay kahit kelan.” Natawa ako bigla kasi hindi lang pala ako ang kumakausap sa pusa, sya din pala. Napatingin sya sa’kin ng marinig nya akong tumawa. “I saw you, inakyat mo sya sa puno.” Medyo nahiya naman ako.
“Yeah, I did. Akala ko kasi kuting yan nung bata na kung makaiyak akala mo eh namatayan!” kinuha ko yung shoes ko at pinagpag ko yung mga paa ko tsaka ako nagsapatos.
“Thank you. Pasensya ka na din kasi gala ‘tong si Pilkey.” Ngumiti lang ako. “I’m Yuriko, taga dito lang ako sa malapit. You are?” iniabot nya ang kamay nya sa’kin for shakehands.
“She’s mine.” Napatingin kami sa isang gwapong hunk na papalapit. “You heard me bro, she’s mine.”
Tumingin si Yuriko kay goon then sa’kin. “Yeah, I’m mine. I mean I’m his.” Lumapit si goon at walang kibot na hinalikan ako sa lips kahit nandun pa si Yuriko.
“I missed you so much.” Sabi ni goon while kissing me. Tumigi sya at tumingin kay Yuriko. “Ano nanonood ng sine? Walang balak umalis?”
“I was about to – carry on and thanks for saving my kitten – Mine if that’s your name.” sabi ni Yuriko habang papalayo.
“Aba’t siraulo ‘tong lalaking ‘to! Hoy wag kang makiki-mine!! Sa’kin lang ‘to alam mo ba! Markado na ‘to!!” hinigit ko palapit sa’kin si goon tsaka ko sya hinalikan pero lumayo din sya agad. “At natutuwa ka pang tinatawag ka nyang mine?”
“Are you jealous?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“’tong gwapo kong ‘to? ‘tong macho kong ‘to? Ako? Ako? ABA NAMAN OO!! HOY KASAL NALANG ANG KULANG SA’TIN NO!! SINONG HINDI MAGSESELOS ABA ANG GANDA PA NG NGITI MO SA KANYA HA!!! AT BALAK MO PA TALAGANG MAGPAKILALA!!” ang lakas ng sigaw nya tulad pa rin ng dati.
“Ang gwapo mo talaga lalo na kapag nagagalit ka. Wala ka namang dapat ipagselos no, hindi ka na mapapalitan sa puso ko – unless paoperahan nila ako at kunin ka nila.” Ang ganda na ng ngiti ko pero hindi pa rin sya nakangiti. “I love you my monster goon.” Then hinalikan ko sya ulit.
“I love you too.” Inayos nya ang buhok ko tsaka nya ko hinawakan sa kamay. “Saan mo ba gustong pumunta?”
“Magpicnic na lang tayo. Magtake out tayo then punta tayo sa Burken Park, bagong bukas yun at maganda daw dun.” Nakatitig lang sya sa’kin at hindi kumukurap.
“Mas maganda ka pa rin sa kahit na ano at sino.” Sabi nya sabay halik sa kamay ko. Sino ba namang hindi makakamiss sa katulad nya? I mean, ano pa bang kulang? Wala na syempre, napakaswerte ko dahil sa’kin lang sya.
Nagtake out kami at dumiretso sa Burken Park. Maganda dito kasi may playground para sa mga bata. Merong manmade lake na pwede kang magboat. Ang ganda din ng bridge, pwede kang magpapicture habang nagpapakain ng fish. Sa kabilang part naman pwedeng magrelax at magpakain ng maraming doves, nakakatuwa no? Nakakarelax at syempre masaya dahil kasama ko ang mahal kong goon.
Umupo kami sa tabihan ng manmade lake tsaka namin inilabas ang mga binili naming pagkain. Maraming flowers sa paligid at sa kabilang side ng lake may mga batang naglalaro. Merong mga magsweethearts na nagbabangka samantalang nagpapasyal naman ng mga babies ang iba. “Ilang babies ba ang gusto mo?” tanong sa’kin ni goon.
“Hmmm marami syemre kasi gusto ko ng malaki at masayang family. Alam mo na, hindi ko kasi naranasan yun eh.” sagot ko sa kanya habang kumakain ng fries.
“Good. Hindi tayo magkakaproblema dyan.” Nakangiting sabi ni goon. Lumapit sya sa’kin at isinandal nya ako sa muscular chest nya. Nakatalikod ako sa kanya habang nakayakap sya sa’kin at sinusubuan ko sya ng fries. “May sasabihin ako sa’yo.”
“Okay, go ahead.” Kahit ano pa namang sabihin nya ready ako. I mean, bawal ang secrets.
“I didn’t know na babae ang presidente ng UMO at meron kaming project.” Una nyang sabi habang nagiintay lang ako ng kasunod. “At pinagsamantalahan nya ko.”
Nabitawan ko ang fries na kinakain ko at napatingin ako sa kanya ng masama. “Goon! Umayos ka kung gusto mo pang magpadami ng lahi!!!” sigaw ko sa kanya.
“Relax, wala namang nangyari at imposible dahil di ko yun magagawa sa’yo.” Iniabot nya sa’kin ang fries at niyakap ako ulit. “Ano lang kasi – hinipo nya.” Tiningnan ko sya. “Ano – hinipo nya – nya yung – ah grabe hinipo nya si dambo!”
“ANO!!!!! INUNAHAN PA NYA KO!! SA’KIN LANG SI DAMBO AT SA’KIN LANG!! BAKIT MO PINAHIPO!!” sigaw ko ng malakas at napatawa naman sya.
“Pwede mo din namang hawakan si dambo kahit kelan mo gustuhin, sa’yo lang sya.” Nakangiti nyang sabi.
“Good!!” then napatigil ako. “Sino ba si dambo? Tsaka ano ba sya? Aso? Pusa?” biglang nawala ang ngiti sa mukha ni goon. Hindi ko naman talaga alam. Para kasing hirap na hirap nyang sabihin kaya naman sinakyan ko na lang.
“Ikaw talaga!” ginulo nya ang buhok ko. “Ikaw lang naman ang gusto ni dambo. Kahit maghubad pa yung babaeng yun. Sobrang pangit kaya! Kadiri ang itsura, kulubot at for sure mabaho yun. Hinding-hindi kita ipagpapalit dun.” Then hinalikan nya ako sa ulo.
“I know. Hindi rin naman kita ipagpapalit. You’re my one and only.” Then I kissed him.
“Asikasuhin na natin ang kasal. Saan mo ba gustong ikasal?” tanong nya sa’kin.
“Wala namang problema sa’kin kung saan, basta nandun ka at nandun ako okay na.” totoo naman. Wala naman yan sa lugar, ang importante kasama mo yung taong mahal mo.
“Great. Wala tayong magiging problema. Meron kasi akong gustong ipakilala sa’yo, maybe this weekend pupuntahan natin sya.” Parang nawalan ng isipin si goon ng marinig ko ang sinabi nya.
“Okay.” Kumain na lang kami at naglambingan pero syempre konti lang dahil nasa public place kami. Inenjoy namin ang magandang view ng park.
Papaalis na kami ng biglang may lumapit na batang babae sa’kin na may hawak-hawak na red roses. “Gustuhin ko mang bilhin yang roses mo kaso wala kong dalang wallet, naiwan ko sa sasakyan.” Kinuha nung bata yung kamay ko at iniabot yung roses tsaka tumakbo. “Ay ineng teka lang yung bulaklak mo!” hindi nya ko pinansin. Hala wala pa mandin akong pambayad. Di bale papabayaran ko na lang ‘to kay goon. Tinitingnan ko palang yung roses ng may kumulbit sa likuran ko, isang batang lalaki. “Nagbebenta ka rin?” hindi sya sumagot at iniabot lang sa’kin ang roses. At hindi pa dun nagtapos, kung saan-saang direction sumulpot ang mga bata at inaabutan nila ako ng red rose at napangiti ako. “Goon.” Bulong ko sa sarili ko. Lumapit ang huling batang nag-abot ng red rose kaya naman tinawag ko sya. “Toy, nasaan yung nagpapabigay nito?” hindi sya sumagot at napansin kong sa iisang direction lang sila natakbo kaya naman sinundan ko sila.
Nakita ko ang mga batang nagpapakain ng fish sa both side ng bridge at nung padating na ko sabay-sabay silang nagngitian sa’kin. “Ganyan karaming anak ang gusto ko.” Narinig kong sabi ni goon mula sa likuran ko. Napangiti naman ako kaya humarap ako sa kanya.
“Wala ka naman sigurong planong gawin akong paanakan?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“Hindi ah. Sinabi ko bang sa’yo lang?” nawala ang ngiti ko sa sinabi nya halos gusto ko nang itapon lahat ng roses na hawak ko at ilaglag sa bridge isa-isa ang mga batang nag-abot sa’kin nun. “Joke lang. Ikaw talaga. Lahat ng anak ko sa’yo lang. Ikaw lang ang magiging nanay nila.” Lumapit sya sa’kin at may iniabot na box. “Open it.”
Binuksan ko ang box at merong isang plato pero may nakasulat na I love you sweet monster always and forever. I am yours and yours only. Tumingin ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.
“Yan lang ang nakita ko dun sa kalsada kaya pinagawa ko. Mura lang yan, hindi naman importante kung magkano kasi kaya mo namang bilhin lahat.” Hinakawan nya ko sa kamay. “Liligawan kita araw-araw ng buhay ko, kahit mag-asawa na tayo at tumanda hindi ako magsasawang pasayahin ka. Dahil yun ang buhay ko, ang paligayin ka at ang magiging little monsters natin.”
“I don’t know what to say. I’m so blessed to have you.” Hinalikan ko sya sa lips. “I love you.” Then hinaiikan ko sya sa cheek. “So much.” Then sa kabilang cheek. “You’re mine.” Then sa nose. “And I am yours.” At niyakap ko sya ng mahigpit na halos binitinan ko na sya.
“Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeee!! Ang sweet nila.” Sabay-sabay na sabi ng mga bata.
“Hoy kayo ang babata nyo pa ha.” Sabi ko sa mga bata.
“Bagay ba kami?” tanong ni goon sa mga bata.
“Opo.” Sagot ng mga talanding bata.
“Bagay daw tayo.” Bulong ni goon sa’kin. Isa ‘to sa mga magagandang araw sa buhay ko. Isang ordinaryong araw pero nagawa ni goon na extraordinary, sya lang ang makakagawa nun wala ng iba.