Chapter 25 “I LOVE YOU THE MOST” ZAK’S POV “Can you send me copies of these? Pakilagay na lang din sa table ko nung ibang papers na dapat kong ireview at pirmahan bukas. Thanks.” Sabi ko sa secretary ko dito sa AGC. Kalimitan kasi sandali lang naman ako dito. Iniintindi ko rin naman kasi ang ZM Company para kay Cia at sa papa namin. Hindi ko nga akalain na aabot sa punto na mas lalaki ang ZM kaysa sa AGC. Hindi ko rin naman masisisi ang papa namin ni aswang, kung kalagayan nya at kaligtasan ang nakasalalay wala talaga kaming hindi gagawin. Kinakaya ko ang lahat para sa’min. Para sa bawat family namin. Sa totoo lang, sa nakikita ko dito sa AGC sobrang malabo na ‘tong mabawi nila aswang. Hindi ko palang masabi sa kanila dahil alam kong umaasa ang mommy nya. Pa

