Chapter 38 “WHO’S NEXT?” ZAK’S POV Alam kong mali ang desisyon na ginawa ko at ngayon handa na kong sabihin lahat kay aswang pero – pero mukhang huli na ang lahat. Mukhang nakahanap na sya agad ng kapalit ko. Hindi ko naman sya masisisi. Ako rin naman kasi ang may kasalanan. Mas masakit pala yung alam mo ang katotohanan kaysa sa wala kang alam. Kasi tingnan mo si Alexa, hindi nya alam ang dahilan ko kaya andali nya lang nakapagmove on. Kung alam nya lang na para sa kanya ang ginagawa ko. Oo, mahirap mabawi ang kumpanya nila aswang. Hindi ko na sya gustong bawiin. Kelangan ko lang makakuha ng malaking shares pero ang kapalit na hinihingi ni Weynjin ay ako. Nung una ayoko talaga. Pero ng kausapin ako ng nanay ni Alexa wala akong nagawa kundi lumapit kay Weynjin. K

