CHAPTER 30 “SHORT SURPRISE TAKES AWAY ALL THE WORRIES” ALEXA’S POV Napuyat ako kagabi kakagawa ng thesis namin. Sobrang hirap pala talaga nito. Di ko inaasahan na mahihirapan ako. Ako pa ba? Ilang beses ibinalik sa’kin ng professor ko yung draft na ipinasa ko. Kahit nga title palang hindi na pasado sa kanya. Ilang beses ba naman nyang pinapalitan. Nung nakuha ko naman ang title, mas naging complicated ang lahat kasi naman ang hirap ng topic ko. Hindi ako makapag-isip. Paano kasi ang naiisip ko eh yung kahihiyang nagawa ko nung nakaraan. Naku, sobrang laki na ng eyebags ko ngayon. Matapos lang talaga ‘tong thesis na ‘to magbe-beauty rest ako para fresh at maganda ako sa kasal ko. Nakaready na ako pagpasok kaya naman bumaba ako para saluhan sila papa sa breakfast. “G

