Chapter 27 “DRUNKEN LOVE” ALEXA’S POV “Happy Valentine’s Day baby!! Flowers for you!!” Inaabutan ni Val si Jezhi ng bouquet of red roses. Para lang akong nanonood ng pelikula. “I love you so much!!” Syempre hindi naman nagpaawat si Jezhi. Mabilis na pumulupot kay Val at walang sabi sabi hinalikan nya si Val. “I love you too baby!” Napailing na lang ako at tumalikod. “Hey Lex!” sumalubong sa’kin ang Sterke Geest. Pinapanood din pala nila sila Jezhi. “Bakit mag-isa ka ata? Wala ba kayong lakad ni Zak?” tanong ni Rich. “Baka naman may LQ sila, Rich. Wag mo ng asarin si Lex. Valentine’s day pa mandin ngayon.” Sabi ni kuya. “Kayo talagang dalawa, may date sila ni Zak for sure. Di ba lady ghost?” tanong ni Tuck. Nakatingin silang lahat sa’kin at

