Chapter Eighteen

1791 Words
EVERYONE in the court fell silent. The Seth Sawada actually called Sean – his unofficial nemesis – by his last name for the first time. Not "dog," not "mongrel" or not "hoy." Coming from Seth... it was something. They were probably too shocked to comment. Samantalang si Misha naman ay lihim na napangiti. Natutuwa siyang makita na nagsisikap at seryoso talaga si Seth na maging "okay." And when he said "okay," alam niyang ang ibig nitong sabihin ay susubukan nitong maging "mabait." Pinipigilan na lang niya ang matawa dahil sa pagkalukot ng mukha ni Seth ngayon dala marahil ng atensiyong nakukuha nito ngayon. Pagkatapos nilang magkasundo ni Seth, pakiramdam niya ay nawala na ang pader sa pagitan nila. Lalo na ng magkuwento ito sa kanya tungkol sa isyu ng pamilya nito. May alam na rin naman siya kahit papaano sa pamilya ni Seth dahil naikuwento na iyon ni Tita Monta sa kanya. Pero ang marinig iyon mula mismo sa bibig ng lalaki, nakakataba ng puso. Nakahanda siyang tulungan itong magbago. She was even prepared to announce to the whole world that she was his fiancee. Oo, wala na siyang pakialam kung may makaalam sa relasyon nila. Kanina nga no'ng kinukulit siya ng mga taga-FM kung ano talaga ang koneksyion nila ni Seth habang papunta sila sa tennis court ay muntikan na niyang ipagtapat sa mga ito ang katotohanan. Narinig lang niya ang sinabing iyon ni Seth. "Hindi ko kilala ang babaeng 'yon. Inako ko lang ang responsibilidad sa aksidenteng ginawa niyo bilang captain ng team. Kahit sino pa ang naging biktima, gano'n din ang gagawin ko." Aaminin niya, nasaktan siya sa sinabi nito. Pero anong karapatan niyang mag-inarte? Siya naman ang may gustong ilihim ang relasyon nila sa lahat. "What?" angil ni Seth sa lahat. Niyakap ni Sean ang sarili. "Eeww Seth. You acting normal is... not normal!" Nagtawanan ang lahat na parang naka-recover na sa pagkagulat. Tumikhim ng malakas si Kai. "Okay. Simulan na natin ang pag-i-interview. Sean, tayo kay Sawada." Binalingan siya nito. "Ikaw, Misha ang sa vice-captain na si Gelo at sa iba pang miyembro ng Executive Committee. 'Yong ibang naki-tsismis lang, bumalik na sa opisina at tapusin ang mga trabaho niyo." "Yes, boss," sabay-sabay na sagot nilang mga taga-FM. "Ate Kia, sorry I'm late!" pasigaw na sabi ni Mami habang tumatakbo papunta sa direksyon nila. Impit na napasigaw na lang ang iba sa kanila nang matalisod si Mami. Agad nilang nilapitan ito. "Aray..." daing ni Mami habang hinihilot ang paa nito. "Na-sprain yata ang paa mo, Mami," nag-aalalang sabi niya rito. "President, the girl got injured in our premises," sabi ng isang miyembro ng Marusen Wolves. Napatingin siya kay Seth. Nakahalukipkip lang ito at parang nababagot habang ang lahat ng miyembro ng tennis team ay nakatingin dito – they were looking at him expectantly. Napansin din iyon ng lalaki dahil biglang bumakas ang inis sa mukha nito. And much to her surprise, Seth walked towards her – and carried Mami like a princess. Then, he started to walk away. For the second time, the crowd fell silent. At sa pagkakataong iyon ay kasama na siya sa mga natigilan. Kakaiba ang pagkislap ng mga mata ni Mami habang titig na titig sa guwapong mukha ni Seth. And by that time, she could already name the emotion in Mami's eyes. Love. *** HABANG nagta-type sa kanyang laptop ay panaka-nakang sumisilip si Misha sa salaming bintana na naghihiwalay sa conference room ng opisina at sa lounging area. Kasalukuyang kapanayam nina Kia at Sean si Seth. Siya naman ay tapos na rin interview-in ang ibang miyembro ng team. Kaya heto siya at isinusulat na ang kanyang article. Hindi siya makalabas ng opisina dahil malakas pa ang ulan, kaya nagpasya siyang tumambay na lang sa lounging area. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maalis sa kanyang isipan ang eksena nina Seth at Mami kanina nang dalhin ito ng lalaki sa clinic. Nakumpirma na niyang may gusto si Mami kay Seth. And no matter how much she tries to deny it, she suddenly felt threatened. It was as if she was afraid of... losing Seth. "I'll lend you my laptop, Shiza." Napalingon siya sa dalawang tao sa kanyang gilid. Si Enji – miyembro ng Marusen Wolves – ay nakatayo sa harap ng babaeng iyon na nakasubsob ang mukha sa makapal na librong binabasa. "Better yet, sa'yo na lang ang laptop ko." The cute girl with chocolate brown eyes looked up at Enji with a knotted forehead. "Bakit ibibigay mo sa'kin ang laptop mo?" "Ako kasi ang nahihirapan kapag nakikita kitang nakasubsob sa makakapal na libro. Ikaw na lang yata ang kilala kong sinusuyod ang library para mag-research kaysa ang mag-surf sa net." Napangiti siya. Bigla siyang may naalala. "Laptop. He gave me a laptop for Valentine's Day," hindi makapaniwalang sambit niya habang nakatitig sa regalong ipinadala sa kanya ni Seth sa ibabaw ng kanyang kama. Hindi lang basta-bastang laptop iyon because it was the most expensive and the newest model. Kasalukuyan nasa Japan si Seth kasama si Tita Monta at Jirou para bisitahin ang mga kaanak ng namayapa nitong ama kaya ipinadala na lamang nito ang regalo nito sa kanya. Naging customary na sa kanilang dalawa ang magpalitan ng regalo kapag may espesyal na okasyon – ayon na rin sa udyok at pamimilit ng kani-kanilang mga magulang. "Pero laptop? Ano naman ang maibibigay ng isang tulad kong thirrteen year-old student para tumbasan ang ganito kamahal na regalo?" Inihagis niya ang katawan niya sa kama. "Saka bakit laptop? Noon naman, chocolates and flowers lang ang binibigay niya." Kinapa niya sa ilalim ng unan niya ang isang velvet box at binuksan iyon. Napasimangot siya. A navy blue handkerchief was laying comfortably there. Panyo na tinahian niya ng pangalan nito ang balak niyang ibigay dito. The hankie maybe a bit expensive but it still couldn't par with his gift. Eh, ano'ng magagawa niya? Iyon lang ang kaya niyang ibigay dito mula sa natira niyang allowance. Sinubsob niya ang mukha niya sa unan. "There's no way I'd give this to him..." Kahit pa iyon ang unang pagkakataong bibigyan niya ito ng regalo. Wala naman ito sa bansa. Magdadahilan na lang siya kung bakit wala siyang regalo rito. Tutal, ilang minuto na lang din naman ay hindi na Valentine's Day. Matutulog na lang siya. "'Oy." Pupungas-pungas siya nang may marahang tumapik sa kanyang balikat. "Hmm?" "Wake up." "Seth?" Bigla siyang napabangon at maang na napatingin sa binatilyo. Nakatayo ito sa harap niya habang may bitbit na isang bouquet ng pulang rosas at... isang basket ng chocolates? He looked dashing in his red polo with the first three buttons undone. His brown hair looked messier than usual but it still suited him. And he looked so wasted yet cute. "Pa'nong... 'Di ba nasa Japan ka?" Pinatong nito ang mga dala nito sa side table. "Obviously, I'm not." Tinabig nito ang paa niya at umupo sa gilid ng kanyang kama. Sinulyapan nito ang relong-pambisig nito. "I made it in time." He turned to her. "Happy Valentine's Day." Nahihiya man ay inabot na din niya ang regalong hinanda niya ito. Yumuko siya. Alam niyang hindi siya magaling manahi. Ang baba nga ng grade niya sa Home Economics class nila. Siguradong siyang pipintasan nito ang regalo niya, lalaitin ang sewing skills niya, pagtatawanan – "Thank you, Misha." Then, he smiled Wasn't it the night when she realized she was in love with Seth? "That's Enji and his beloved best friend 'Shiza'." Natauhan siya ng umupo sa kanyang tabi si Gelo – 'yong member ng Marusen Wolves na parang alikabok sa paningin ni Kia. Nilingon siya nito. "Napansin ko kasi na kanina ka pa nakatingin do'n sa mag-best friend." Napayuko siya. "May naalala lang kasi ako sa kanila." "Oh." Tumangu-tango ito. "Anyway, gusto kong personal na humingi ng apology sa'yo. Ako ang nagsimula ng gulo kaya ka tinamaan ng bola. Kahit si Kia ang naghagis ng bola, ako pa rin ang dahilan niyon kaya 'wag ka sanang magalit sa kanya. Pasensiya na." "Okay." Ngumiti siya. "Ganyang-ganyan din ang sinabi ni Ate Kia. Na huwag kitang sisisihin," makahulugang sabi niya. Nagkibit-balikat lang ito. Mayamaya ay tinawag na sila nina Kia sa loob ng conference room para raw makuhanan ng picture ang buong Student Council Executive Committee. Kumabog na naman ng mabilis ang puso niya nang magtama ang mga tingin nila ni Seth, kaya nag-iwas agad siya ng tingin. Naroon na rin sa conference room ang ibang miyembro ng executive committee. Lumapit siya kina Kia at Sean at tinulungan ang mga ito sa pag-set-up ng tripod. Pero hindi siya mapakali. Napapapiksi siya kapag gumuguhit ang kidlat sa kalangitan at dumadagundong ang kulog. Takot siya sa mga iyon. Then suddenly, the lights went off. Nagkagulo nang biglang pabirong magtilian ang ilang miyembro ng Marusen Wolves. Nagkantiyawan ang mga ito. Habang siya naman ay nanigas sa kinauupuan niya. Bigla kasi niyang naalala ang horror movie na pinanood nila nina Mitto. Until a warm hand enveloped hers. Nilingon niya ito – si Seth. Kahit madilim ay naaaninag pa rin niya ang guwapong mukha nito.Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya. He probably went to her side because he knew she was afraid of lightning and thunder – plus the dark. But not anymore. She felt so safe now that he was holding her hand. Mayamaya ay naramdaman niya ang pagsusulat nito sa kanyang palad gamit ang isang daliri nito. Naintindihan niya agad ang unang salitang nabuo sa mga letrang iginuhit nito. Scared? Ginaya niya ang ginawa nito – nagsulat din siya sa palad nito gamit ang kanyang daliri. No. Gelo. Marahil ay tinatanong nito kung bakit sabay silang pumasok ni Gelo sa loob ng conference room kanina. Apologize. Matalino si Seth kaya sigurado siyang maiintindihan nito na lumapit sa kanya si Gelo para mag-apologize. Mayamaya lang ay nagkaroon na sila ng sariling mundo. Panaka-naka naman ay sumasagot pa rin siya sa kuwentuhan nina Kia at Sean pero mas na kay Seth pa rin ang atensyon niya. Dinner. Out. Natigilan siya. Was he asking her out? Nagrigodon naman ang puso niya. Muli niyang naramdaman ang pagsusulat nito sa kanyang palad. Kids. Oh. So kasama nila sina Mitto at Jirou. Hala. Ano ba ang inaasahan niya? Libre? Nagulat siya sa sunod na ginawa ni Seth. Binitawan nito ang kamay niya at itinapat nito ang bibig nito sa tainga niya at bumulong: "Of course." Tumaas ang balahibo ng kanyang leeg na tinamaan ng mainit nitong hininga. And she hitched her breath when she felt his soft and warm lips against her cheek. He kissed her! Bago pa siya makapag-react ay bumukas na ang mga ilaw kasabay ng palakpakan ng makukulit na miyembro ng Marusen Wolves. Maang na napatingin siya kay Seth. Ngayong maliwanag na ay nakikita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Binigyan siya nito ng tipid na ngiti. At gano'n-gano'n lang, sumuko na ang puso niya. She had been trying to hate him for years after what he had done to her but still, she ended up loving him more. Dahil kahit kailan naman ay hindi nawala ang pagmamahal niya para sa lalaki. Pilit lang niyang itinago sa kasuluk-sulukan ng kanyang puso. But now, she could no longer hold it back. Mahal niya si Seth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD