Chapter Twenty-One

896 Words

ABALA si Misha habang tinutulungan si Aling Sillia na maghanda ng sandwich na baon nina Mitto at Jirou. Ginagawan din niya ng sandwich si Seth. Gusto niya kasing gampanan ang papel niya bilang maasikasong girlfriend nito. Nag-init ang mga pisngi niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang magkasintahan na sila ni Seth. "Senorita, bakit namumula 'yang mukha mo?" tanong ni Aling Sillia. Sinapo niya ang mga pisngi niya. "W-wala ho. Mainit lang ho kasi." "Ate Misha!" Nalingunan niya sina Mitto at Jirou na patakbong pumasok sa kusina. Yumuko siya para halikan ang dalawang bata sa pisngi. "Good morning, Mitto! Good morning, Jirou!" "Good morning, Ate Misha!" Dumiretso siya ng tayo. "Nakahanda na ang almusal. You take a seat na sa dining room." Magkahawak-kamay na tumakbo sina Mitto at Jirou p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD