Chapter 8: A Little Ride

2560 Words
Bella's POV Hay, p*tangina naman oh! Inabotan na nga ako ng traffic. Pagdating ko rito sa highway, kumpolan na ang mga tao sa dami. Siguradong hindi na nga ako aabot ne'to sa takdang oras. Nagsisimula pa nga lang ang araw ko pero damang-dama ko na talaga ang enerhiya ng kamalasan. Napatingin ako sa aking orasan at nakita ko na malapit ng mag-aalas siete. Pahirapan na talaga ang pag sakay sa ganitong oras, halos puno na ang lahat ng jeep at bus na dumadaan. Ang sarap lumipad! Sana naging ibon na lang ako! Nagsalubong ang aking kilay ng makita ko ang isang sasakyan na dahan-dahang huminto sa tapat ko. Napatingin ako sa paligid atsaka sa likuran dahil baka may susunduin itong sasakyan na humito sa aking tapat. Binalik ko ang aking paningin sa kalsada, nagbabakasaling may makita akong jeep o di kaya'y bus na hindi pa gaanong puno. "Hey!" Napalingon ako kaagad sa loob ng sasakyan ng biglang may tumawag mula sa loob. Nakababa na ang bintana ng kanyang kotse kaya maigi ko itong tinignan. "Saan ang punta mo?" tanong niya atsaka tinanggal ang suot-suot niyang shades atsaka ako ningitian. Nanlaki ang mga mata ko ng masilayan ang isang babae sa loob. Siya ang babaeng nakilala ko sa elevator kahapon! Yung CEO ng Sforza Clothing Co. "G-Good morning po, a-ano kasi... Kasi ano po..." halos wala ng lumabas na mga salita galing sa aking bibig. Bigla akong na starstruck sa kanya ng makita ko siya. "Are you heading somewhere? I can give you a ride," she said with a hint of sophistication in her voice. "Ah nako okay lang po. May masasakyan naman po ako ngayon siguro, mag-aabang lang po ako ng jeep," sabi ko na may bahid ng pagkahiya sa boses. Alam kong napakabobo ko ngayon dahil may nag-alok na nga ng masasakyan, tinatanggihan ko pa. "No, I insist. Ang daming nag-aabang oh, sa tingin mo makakasakay ka kaya kaagad niyan?" tanong niya. 'Yan nga, pilitin mo pa ako. Konting push pa po, bibigay na ako. "Pero--" "No buts, get in." "Okay po," sambit ko at kaagad na binuksan ang passenger seat at nag seatbelt. I guess it's not a bad day after all. Napatingin ako sa kanya ng deretso atsaka binigyan siya ng isang ngiti. "Salamat po ma'am," sabi ko sa kanya. "No worries," tugon niya habang nakangiti rin atsaka tuluyang pinaandar ang sasakyan. "So, how are you? Hindi ko inaasahan na makikita kita ngayon, I guess it's fate that made our paths crossed again. What do you think?" she continued while her eyes are still on the road. Is she trying to bring up her offer yesterday? "Are you heading to your workplace?" tanong niya ulit sa'kin. Tumango naman ako sa kanya. "Opo ma'am, doon ang punta ko," sabi ko. "Cut the formality, just call me Althea." Napalingon ako ng deretso sa kanyang direksyon. "N-Nako, hindi po ba masyadong feeling close ako pakinggan kapag 'yan ang itawag ko sa iny--" "Of course not! If you won't be on my company, then I'd rather make you as my friend." Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Ako? Isang simpleng mamamayan lang ng bansa ay gusto niyang maging kaibigan? Wala akong maambag na malaki sa pagkakaibigan namin kung mangyari man 'yon. "Simple lang po kasi akong tao, nakakahiya naman na maging kaibigan n'yo." "Bakit ka mahihiya? Basehan na ba ang estado sa buhay ngayon para maging magkaibigan? Kung angat ka sa lipunan, mga ka lebel mo lang ba dapat ang maging kaibigan mo? Hindi naman siguro ganun diba?" Ani niya na ikinamangha ko. Ngayon lang ako nakasalubong ng ganitong klaseng babae sa buong buhay ko. Kung susuriin mo siya sa kanyang pisikal na anyo, walang kaduda-duda na mayaman nga ito. Mukhang masungit sa unang tingin, pero sobrang mapagkumbaba naman pala. "H-Hindi naman po," ani ko. "Ugh! Wag ka ngang mag 'po', nakakatandang pakinggan," she said and flipped her hair to the side. Napatawa naman ako ng bahagya sa reaksyon niya. "Pasensya na p--", minatahan niya ako na ikinatikom ko ng aking bibig. Bigla namang nag red light kaya inapakan kaagad ni Althea ang break. Kung hindi pa ako nakaseatbelt, paniguradong nakadikit na sa windshield ang nguso ko. "A-Althea... Pasensya na Althea," pagpapatuloy ko na medyo nagulat pa sa pangyayari. "Oh, I'm so sorry. I'm not really a good driver," she said. Bigla kaming natahimik sa loob ng sasakyan ng ilang segundo bago tuluyang sabay napatawa ng malakas. "That was fcking close!" ani niya sa gitna ng kanyang pagtawa atsaka inayos ang ilang hibla ng kanyang buhok. "Please wag kang matakot sa'kin, hindi naman ganito palagi ang nangyayari sa tuwing ako lang ang magdi-drive eh." Pinunasan ko ang maliit na butil ng luha sa gilid ng aking mga mata sanhi ng sobrang pagtawa. "Yung reaksyon mo pagtapak ng break, mukha kang tinakasan ng dugo," sabi ko na ikinalaki ng mata niya. "Omygod! Really?!" napahawak siya sa kanyang bibig. "Please don't tell anyone about that," ani niya. "Oo naman, sa atin lang 'yon," I said giving her assurance. So far, naging smooth naman din ang pagdadrive ni Althea. Habang nasa biyahe, nagkukwentohan kaming dalawa tungkol sa buhay namin. Alam niyo na, 'getting to know each other' stage. Ngayon, naging topic naman namin ang lalakeng gusto niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, maaawa, o malulungkot sa kanya. "Maganda naman ako diba?" tanong niya na kaagad kong ikinatango. Kitang-kita na sa kanyang mukha ang kakinisan. Kaya pala ganun na lang ang pinagsasasabi niya kahapon sa elevator, hindi pala siya sinipot ng lalakeng gusto niya kagabi noong araw na iyon. "Pinaghintay niya ako sa wala! I canceled all my appointments that night for him. I am willing to free my time for that man, pero ugggh! Hindi niya ako sinipot." Nakikinig lang ako sa lahat ng mga rants niya. "Kaya hanggang ngayon, hindi ko parin nirereplyan ang 'sorry' niya kahapon. Bahala siya, anong akala niya sa'kin? Marupok? Duhh! I'm not like that," she said and flipped her hair once again. I think that's her signature gesture. "How about you? What brings to that place yesterday?" she asked still eyeing the road. Napalunok naman ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang rason kung bakit nga ba ako nandoon o hindi. Masyado kasing personal 'yon para sa'kin, pero parang unfair naman ata sa side niya. Nag share siya pero ako hindi? Bahala na, tapos naman din lang 'yon. Kung patuloy ko pang itatanggi ang mga nangyari kahapon, baka masabi pa nila na hindi ako makakamove on. "I came to visit my ex-boyfriend," I said, "to clarify things." Panandalian niya akong tinignan atsaka muling tumingin sa daan. "And then? What happened?" she asked. "May iba akong natuklasan," sabi ko atsaka napalunok. Trying to remember that scene again brings me anger. Naawa ako sa sarili ko sa tuwing maiisip ko ulit 'yon. "I found a woman in his place." "You did not!" "Yes, I did." "What an asshole!" she exclaimed. Napakagago niya ngang lalake. "He cheated to a girl like you?! Grabe ang kapal ng mukha niya ha? Ang ganda-ganda mo, tapos ginagago ka lang pala? Gorgeous lady like us doesn't deserve that kind of treatment, honey," Althea said. "He cheated with his fiance," I said that almost making her step on the break once again. "He what?!" "He got a fiance without me even knowing. For almost 2 years of our relationship, I never knew that I was the mistress in the first place." Medyo nagulat ako ng masabi ko 'yon ng deretso sa kanya. I guess this is the first sign of me moving forward. "I'm so sorry, I couldn't believe that you've encountered that," she said with a hint of sympathy in her voice. "Ako nga rin hindi makapaniwala eh, pero wala na akong magagawa dahil nangyari na." "He's such a douchebag," Althea said, "you should be wise in choosing a man again. Huwag mong pipiliin yung consistent lang sa simula. And this time? Try to focus on yourself first, mend your broken heart before trying to risk again" Napangiti naman ako sa sinabi niya. She's very nice and full of humor, not to mention, she's also beautiful with a kind heart. Althea is indeed a great woman and a friend. I guess I made the right choice of being her friend even if we just talk this day. We're exchanging numbers and social media accounts before I step out of her car. Nagulat pa nga siya nang sabihin kong isa akong writer. Hindi raw niya ineexpect na ganon ang work ko, akala niya nagtatrabaho ako sa isang hotel or resort dahil sa image ko. She even thought I graduated with a bachelor's degree in tourism. "It was really nice talking to you, Bella. I'm hoping for our next bond together," ani niya na ikinangiti ko naman. "Ako rin. Thank you nga pala sa paghatid!" sabi ko atsaka kumaway sa kanya. Masigla rin siyang kumaway sa akin pabalik bago tuluyang sinara ang bintana ng kanyang kotse at nagdrive paalis. Napatingin ako sa aking relong pambisig at malapad na napangiti. Ayos! May ilang minuto pa ako bago mag alas otso. Akala ko kanina hindi na talaga ako aabot eh, ang ganda naman pala ng umaga ko ngayon. I guess it's really not an unlucky day for me. Or that's what I thought... Napatingin ako sa bungad ng entrance ng publishing company na tinatrabahoan ko. Nakita ko ang isang taong ayaw na ayaw ko nang makita sa buong buhay ko. What on the hell is this jerk doing here? Matagal na siyang hindi nagtatrabaho dito, kaya ano ang pinunta niya rito? Naikuyom ko ang aking kamao habang nakamasid sa kanya na bumati pa sa guard na nakangiti. Akala mo naman kung sinong anghel ang p*ta, manloloko naman. Sa isang pitik lang, hindi na naging maganda ang araw ko. "Uy Bella! Anong pang ginagawa mo diyan? Pasok na tayo." Napalingon ako sa aking likuran ng biglang may magsalita. Nakita ko ang maaliwalas na mukha ng katrabaho ko at kapwa writer na nasa pamamahala ni Mrs. Consas, 'yong editor namin. "Ah, magandang umaga, Kaye," bati ko sa kanya. Binati naman din niya ako pabalik atsaka ako inakbayan habang sabay na naglalakad papalapit sa entrance ng kompanya. "Nakita ko 'yon ha," sambit niya na ikinatingin ko ng deretso sa kanya. Taka ko siyang tinignan pero ngumisi lang siya sa'kin na abot hanggang tainga. "Hinatid ka ng isang magarang sasakyan. Sino 'yon ha? Hindi naman 'yon kay Lucas diba? Baka friend mo 'yon, pareto naman." Hindi ko alam na may lahing pagkachismosa rin pala to. "Babae 'yon, hindi 'yon papatol ng may p*ke," sambit ko na ikinatawa niya. Kahit kailan talaga 'tong si Kaye, palaging nagpapareto eh wala namang nakakatuloyan sa dami ng inereto sa kanya, hanggang ngayon single parin. Simula noong pumasok ako dito, single na 'yan, hanggang sa aalis na lang ako, single parin. Nang makarating na ako sa floor namin, kaagad akong pumunta sa desk ko atsaka kinuha ang ilang mga journal at notes ko bago ipinasok sa bag. Nakita ko si Mrs. Consas sa loob ng office niya na may binabasang papel. Humigit ako ng isang malalim na hininga at pinuntahan siya sa loob. I knocked on her door first before coming inside, as I got her signal, I automatically open the door and let myself enter her office. A fresh aroma of lavender welcomes me with a mix of coffee from her mug. "Good morning Mrs. Consas," I greeted which makes her look in my direction. Ningitian naman niya ako bilang tugon atsaka pinaupo ako. "Magpapasa na po ako ngayon," ani ko atsaka ibinigay sa kanya ang flash drive ko. "Sa susunod pang dalawang linggo ang due date ne'to ah? Ang aga mo atang nagpasa ngayon, Bella," sabi niya na may ngiti sa labi. Kinuha na niya ang aking drive atsaka ito inilagay sa loob ng kanyang drawer. "Titignan ko 'yan mamaya pagkatapos ko itong basahin. Good job Bella, isa ka nga sa mga asset ko dito sa team. I'm looking forward to work more years with you hija." Kaagad namang nawala ang ngiti ko sa mga labi atsaka ito napalitan ng isang pilit na ngiti. "K-Kasi po Mrs. Consas, hindi na po ako magre-renew ng kontrata ngayon," wika ko sa kanya. At gaya lang din ng reaksyon ko kanina, kaagad ding nagbago ang sa kanya. "I will leave this company for good, Ma'am." Pagkasabi ko non, tuluyang bumagsak ang mga balikat ni Mr.s Consas. Medyo na guilty tuloy ako sa ginawa ko, dahil kung kanina abot tainga ang ngiti niya at mukha pang nasa magandang mood, ngayon bigla 'yon nagbago. Napabuntong hininga siya atsaka tinignan ako ng deretso sa mata. "If that's what you really want, I respect your decision. It was so great to work with someone like you. You produce great quality stories and I'm so proud of it." Hindi ko maiwasang medyo mapaluha sa sinabi niya. Mrs. Consas is our mother figure here in this publishing company. Kung minsan man pinapagalitan kami, sinisigawan, pero hindi maiaalis ang katotohanan na may mabuting puso rin si Mrs. Consas. Bilang tumatayong ina sa team namin, tinuturi n'ya rin kami na parang anak. And just like what other mothers do, she disciplined us in the workplace and won't tolerate our mistakes. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago tuluyang lumabas sa kanyang opisina. Pagkalabas ko, kaagad na nagtama ang tingin namin ni Lucas. Naikuyom ko na naman ang aking kamao at dumiretso sa aking pwesto. Dinadalaw niya ang isang kaibigan niya rito, himala at pinapasok siya hanggang dito eh matagal naman siyang hindi na nagtatrabaho rito. Nang makarating na ako sa aking desk, kinuha ko ang aking bag at nagbabalak na umalis na. Masyadong busy ang mga tao dito kaya hindi nila napansin na lumabas na ako at dumiretso sa elevator. Babalik na lang ako rito sa ibang araw para kunin ang natitira kong gamit. Sa ngayon, 'yong pinakaimportante muna ang dinala ko. Habang nag hihintay sa elevator na bumukas, kinuha ko ang phone ko sa loob ng aking bag. May nakapa akong maliit na card kaya kinuha ko 'yon. Ito pala 'yong card na ibinigay ni Althea sa'kin kahapon. Tutal wala naman na akong trabaho, bakit kaya hindi ko 'to subukan? Pero kasi wala naman akong kaalaman sa pagmomodelo, baka mapahiya ko lang si Atlhea doon. Pag-iisipan ko muna ito ng maigi. Dumiretso na ako sa loob ng elevator ng bigla itong bumukas. Nang makaapak na ako sa loob, biglang sumunod ang isang lalake. Si Lucas. Napatingin ako sa kanya, pero agad din akong nag iwas ng tingin. Hindi ako kumibo sa kanya at nakatingin lang sa cellphone ko. Pinindut niya ground floor bago ang 'close' button atsaka ito tuluyang sumara. "Can I talk to you?" sambit niya pero hindi ako sumagot. Siguro sapat na 'yon para malaman niyang 'hindi' ako interesado sa gusto niyang mangyari. "Silent means 'yes', right?" Tuluyan akong napapikit sa sinabi niya. Hmm, putang*na... "Hindi," ani ko atsaka pinagpatuloy ang pag scroll sa phone. Ang kapal talaga ng mukha niyang makigpag-usap sa'kin, akala mo naman walang ginawang masama. Nang bumukas na ang elevator, kaagad akong lumabas at nakaderetso lang ang tingin sa nilalakaran. Hindi ko siya nilingon pa hanggang sa tuluyan na akong makalabas. Buti naman at hindi siya sumunod sa'kin dhail kung hindi, ewan ko na lang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD