Bella's POV Ilang araw na ang nakakalipas mula noong photoshoot ni Althea. Naging busy kami dahil sa paglaunch ng isang collection niya. Tumaas ang sales ng kompanya pagkarelease ng magazine niya dalawang araw na ang nakakalipas. The purpose of the photoshoot is to produce Althea's first-ever magazine in her clothing line. When it was released and distributed in the market, mas maraming nakakakilala sa kanyang mga gawa. Mas dumami rin ang international client niya, kaya ngayon ay mas naging busy kaming lahat dito. "Miss A, you will be meeting Ms. Aeva Lim for her wedding gown fitting and designing later at exactly 10:20 am." Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ni Olga habang nagsa-swipe siya sa kanyang iPad. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib at ilang ulit ak

