69 missed calls from Alpha. For crying out loud! Muling pinatay ni Sunny ang kanyang cellphone dahil sa walang tigil na tawag ni Izaac. Nang huli niya itong tinignan ay may iniwan na 82 missed calls ang binata at ngayon ay nadagdagan na naman ng 69. Wala bang ibang maisip gawin ang mokong na 'to? Isang araw na ang nakalipas matapos ang kaarawan ni Izaac at nanatili pa rin si Sunny sa Leyte. Kagaya ng inaasahan ng dalaga ay daig pa nito ang naniningil ng utang dahil sa hindi mabilang ng tawag, text at iniwan na voicemails. Sunny decided not to answer any of them. It was a bit too cold. She knew it but she needed to focus on her aunt’s burial. Kung mga normal na pagkakataon lang iyon, malamang ay hindi niya na natiis si Izaac kahit gaano man siya ka busy. Even then, she couldn’t help

