YESTERDAY ONCE MORE Written by: Blackrose Chapter 14 -Simula Ng Kalbaryo ------,--'-,-'-{@ Maagang gumising si Jade ng araw na ito dahil kailangan niyang pumunta sa coffee shop upang i-check ang lagay ng business niya. Binilinan siya ni Arthur na upang maging matagumpay ang isang negosyo ay kailanga maging hands on ka at huwag iasa ang lahat sa mga trabahador ang negosyo. Nag-oopen ang shop niya ng 9am pero dahil sa may sarili siyang susi sa naturang coffeeshop ay anytime ay pwede siyang pumunta roon tutal ay may guard naman na tutulong sa kanya kung sakaling may kailanganin siya. Nang maihatid na ang mga bata sa school at siya naman ang sinunod na ihatid ni Manong Jerry sa coffeeshop. As expected ay siya pa lang ang andoon pati na ang guard. Nakapatong sa mesa niya sa loob ng kanyang

