RnB music was playing as Julie Anne pranced around in her room. She just got out of the shower and was just in her underwear as she danced to Shontelle's T-shirt.
This was her first day at Just Eats. A company owing a chain of buffet restaurants. She was going to work at the company's advertising department and she was already so excited.
Nagbihis siya ng simpleng itim na skirt at nakasuot ng long sleeve blouse.
Umupo siya sa harap ng vanity mirror ng kwarto niya at nagapply na ng make up.
"Ate!"
Muntik na siyang mapatalon sa inuupuan nang marinig ang tinig na iyon sabay ng pagbukas ng pintuan ng kanyang kwarto.
Napabuntong hininga siya nang makita na ang pinsan niyang si Kyline lang pala ito.
"Ky naman! Ginulat mo ako." Ani Julie habang binabalik ang tingin sa salamin. Mula sa repleksyon ay nakita niyang umupo sa kama niya ang pinsan na may malaking ngiti sa muhka.
"Sarap buhay mo no, haba ng sembreak." She smirked at Kyline through the mirror's reflection. Parang kapatid na din kasi ang turing niya sa nakababatang babae.
Pareho naman kasi silang only child kaya naman silang dalawa na din ang magkasama habang lumalaki.
"Oo naman." Sagot ni Kyline. She sat cross legged on top of Julie's bed. "Eh ikaw ba ate excited ka na sa first day mo sa Just Eats?"
"Oo naman." Sagot ni Julie na ginagaya pa ang tono ng pinsan. Ngumisi siya dito at tumabi sa kama. "Wish me luck Ky!" Aniya habang yinayakap nang patagilid ang pinsan.
Natatawang yumakap pabalik si Kyline sa kanya. "Kayang kaya mo yan ate ikaw pa ba? Tama na kaka make up. Masyado ka na maganda."
"Oh I know that. O diba? Pak!" Bahagyang natigilan si Julie nang sabihin iyon. She remembered a certain someone from when she was still in high school. But she shook the thought off and just smiled back at Kyline.
"O edi ikaw na talaga maganda!" Tawa pa ni Kyline.
Muling ngumiti si Julie. Puberty hit her hard. Nung high school kasi siya ay muhka talaga siyang nerd na di malaman.
But going into college she had transformed into a beautiful butterfly.
All the guys vied for her attention then. But she only had eyes for one guy...
Saka naman nag beep ang telepono niya kaya sabay sila ni Kyline napatingin sa bedside table niya kung saan humahabol pa sana siya sa pagchacharge sa telepono niya.
Nakita ni Julie na ngumiwi si Kyline.
"Ate, bakit ba gusto mo yan."
Julie just rolled her eyes. Alam naman niyang di pabor ang pinsan niya sa boyfriend niyang si JR.
She met JR in college. Pareho silang nag-aaral noon sa UP pero Engineering naman ang course ng lalaki.
Mabait naman kasi ito. Hindi alam ni Julie kung ano ba problema ng pinsan sa lalaki.
She proceeded to read the text and smiled as she saw his message for her.
From Hon:
Hey hon! Good luck on your first day! I love you!
"Kitamo ang generic pa ng sinabi."
Nagulat si Julie sa boses ni Kyline. Nakasilip na pala ito sa balikat niya.
"Ky!"
"E totoo naman!" Segunda pa ni Kyline at napaikot ang mga mata. "Saka diba yan yung nagconvince sayo na wag ka muna magtrabaho kasi hintayin mo muna daw siya."
Tha was true. Since Engineering kasi ang course ni JR ay mahuhuli ito ng isang taon kay Julie.
Kaya si Julie naman ay nagpahinga muna nang grumaduate at nag part time editor muna sa isang dyaryo.
"Baka naiintimidate sayo. Tapos diba hanggang ngayon di pa nakikita sila Tito at Tita?" Muli ay sabi pa ni Kyline sa kanya.
That was true though. Gusto na nga sana ipakilala ni Julie sa magulang ang lalaki kaso hindi pa daw ito handa.
"Nako nako ate ah. Malay mo katawan mo lang ang habol non sayo! Gusto lang makuha virginity mo!"
Natigilan si Julie sa sinabi ng nakababatang pinsan. Paano makukuha virginity niya e matagal na yon wala.
She just shook her head as she looked at Kyline yet again. "Tama na yan. Alam mo baba na tayo at malelate na ako eh."
Sa wakas ay nanahimik na lamang si Kyline at sumunod na lang din sa kanya pababa sa hagdan.
"Ayan na ang working girl natin!" Julie smiled at the sound and saw her mom and dad already sitting by the breakfast table.
Her dad owned a bakery which was near their house and her mom was a professor at a university. Simple lang din naman ang buhay nila.
"I'm ready!" Masayang sabi ni Julie habang umuupo sa harap ng Papa niya.
"Anak kaya mo yan. Wag masusuka."
"Junico inaaway mo nanaman anak mo!"
"Myrna naman alam mo naman mahal na mahal ko ito." Saka nito hinalikan ang pisngi ng Mama ni Julie Anne.
Natatawang sabay na umiling si Julie at si Kyline.
Kumagat naman si Julie sa pandesal na nasa harap niya at saka naman tumayo para halikan sa pisngi ang mga magulang. Saka naman niya kinurot ang tagiliran ni Kyline.
"Una na po ako!"
"Ha? Julie Anne San Jose isang pandesal pa lang kinain mo!" Nagaalala na sabi ni Myrna habang tumatayo mula sa hapag at akmang hahabulin siya pero pinigilan niya ito.
"Ma okay na ako malelate pa eh! Bye!" At saka siya mabilis lumabas ng bahay nila.
"Good luck Ate Julie!" Bati sa kanya ni Gemma na kasamabahay nilang nagdidilig sa harap.
"Bye!" Bati din niya at saka mabilis na sumakay sa loob ng kanyang sasakyan. She checked all of her things before heading her way.
Kung mags-skyway naman siya ay makakarating siya kaagad sa opisina ng Just Eats na nasa may Makati lamang.
Siyempre traffic lang naman ang pinakakalaban niya.
"Hay nako." Ani Julie habang nakakapit sa steering wheel ng kanyang Vios. Paano ba naman. Hindi gumagalaw!
Parang gusto na nga niya patusin ang mga nagbebenta ng mani sa daan pero nauuna kasi ang inis niya sa sitwasyon.
It took a few more minutes until she was able to enter the skyway exit.
Liningon niya ang oras sa sasakyan. Aabot siya! Aabot siya!
Naipark na niya ang kotse sa pinaka parking ng building at kaagad na pumasok sa may lobby.
Nakapila pa ang mga tao dahil isa isang chinecheck ang mga bag na ipapadaan pa talaga sa machine para macheck ang laman.
Kulang na lang ay i-tap niya ang paa sa kakahintay.
Pero may oras pa naman. Akala niya malelate siya kaya napagdesisyunan muna niyang dumeretso sa Starbucks na nandoon para makabili ng kape. Kailangan gising ang diwa niya sa kanyang first day.
Hindi naman ganun karami ang customer. Sakto lang. Pangatlo na siya sa pila sa likod ng isang matangkad na lalaki.
She was too busy tapping away at her phone. Nasanay lang siyang sabihin sa Mama niya na nakarating na siya sa paroroonan.
"Kuya pwede pa cut? Sige na please? I just really need my caffeine na talaga eh."
Inis na napa-angat ng tingin si Julie sa nagsalita. Nakita niya ang isang babae na linapitan ang lalaking nasa harap niya.
Bahagyang naka side view ngayon ang lalaki dahil nakatuon ang pansin sa babae na may balak pa sumingit sa pila.
At napabuka na lamang ang bibig niya nang ngumiti ang lalaki at pinasingit nga ang maniningit!
"Oo naman miss. Pwedeng pwede sumingit sa akin." Atsaka pa kumindat ito.
Tila kinilig naman ang babae na tumayo na sa harap ng lalaki at namumula mula pa ang muhka na ngumiti. "Thanks Kuya!"
"Unbelievable." Julie muttered under her breath as she just continued texting her mom. Mga lalaki talaga tiklop kapag maganda eh.
Sa wakas ay nakabili na siya ng kape at nagmamadaling naglakad papunta sa elevators.
Siksikan na pero muhkang kasya pa naman siya.
"Wait! Hold please!" She said. Saka naman siya pumasok sa loob ng elevator.
"Thanks." She muttered as she held her bag ang her coffee cup. Napaigik siya nang kamuntikan na malaglag ang to go cup niya. Mabuti na lamang at may nakasalo.
"Thank y--" She stopped. It was the guy from the coffee shop!
Napasimangot siya.
"Ingat miss." Nakangiti na sabi ng lalaki. "Mahirap na ang ganda pa naman ng balat m--" at saka ito natigilan habang nakatingin sa kanya.
She didn't bother and just looked away.
Hindi na niya ito kinausap pero matagal na nakatingin sa kanya ang lalaki.
Baka natameme sa ganda niya. Napakalandi talaga. Kani-kanina lang may ibang kinakalantari eh.
Sakto naman ay bumukas na ang elevator sa floor niya kaya agad agad siyang lumabas.
"Bes!"
"Oof!"
Muntik na madapa sa suot na heels si Julie nang hilain siya papasok sa isang office room.
She steadied herself on her feet though and was able to straighten up.
Looking up, she couldn't help but shriek.
"BES!"
"BES!"
"Para tayong tanga!" Tawa ni Julie pero mabilis na yumakap sa taong nasa harap niya.
"Gaga ka sabi ko agahan mo!"
Tumawa si Julie habang bahagayang lumalayo sa kaibigan.
Frencheska Farr, or Maqui as she was called is Julie's best friend from college.
Junior na ito nang pumasok siyang freshman pero naging close sila dahil sa iisang dorm sila.
At heto ngayon, ito nga ang nagpasok sa kanya sa Just Eats.
"Maaga nga ako! Kainis lang kasi merong singitera don sa coffee shop kanina. At ito namang lalaking itong malandi...pinasingit!"
Maqui rolled her eyes at that. "Hay nako. Dami talaga malanding lalaki. Anyway tara na! Deretso muna tayo sa HR!"
Sabay na silang lumabas at siyempre napapatingin din ng ibang tao sa kanila dahil bago lang ang muhka niya.
Dinala siya ni Maqui papunta sa pinaka opisina ng HR.
"Knock knock!" Maqui said as she knocked on the door and opened it.
Bumungad sa kanila ang head ng HR na si Ms. Celine.
"Hello Julie Anne." Nakangiti na sabi nito. "Just in time. I like that. You should never be late." At saka ito tumayo. "Since magkakilala naman kayo ni Maq sa kanya kita ipauubaya okay? You have your cubicle of course and you'll mostly handle the website so katrabaho mo ang mga graphic designer saka IT natin."
"Ako bahala sayo bes." Ani Maq.
And Julie smiled back at Miss Celine. "Thank you po mam."
"Good luck Julie. And welcome to Just Eats family." Sabi pa sa kanya ni Ms. Celine.
Lumabas na silang dalawa ni Maqui sa kwarto nito at muli ay tinahak ang pinaka office floor.
"Mag eenjoy ka dito bes. Puro kabataan na din ang nagt-trabaho eh." Sabi pa ni Maqui. Nasa bandang HR department pa rin sila kaya naman ang ibang empleyado under non ay nakikita nila.
"Bes ito si Bea under ng HR. Bea si Julie magiging bagong advertising editor." Nakangiti na sabi ni Maqui sa isang babaeng nakaupo sa desk malapit sa office ni Ms. Celine.
"Hi Julie! Kay Maq ka pala na endorse? Nako goodluck na lang."
"Grabe ka sa akin Binene!" Sabi pa ni Maqui.
At natatawang hinarap ni Julie si Bea. "Sanay na ako pero salamat."
"Nako grabe talaga sila sa akin o!" Himutok ni Maqui bago hilain na si Julie palayo.
"Saan na tayo dederetso?" Julie asked as Maqui kept pulling her forward.
"Doon muna tayo sa magiging boss natin. Yung VP for Advertising. Ako na bahala. Mabait naman yun."
Kilala naman ni Julie kung sino ang boss niya. Dahil nga naman nagresearch siya. Out of the country kasi ito nung nag interview siya.
"Hi friends! Nasa loob na si Mam Carmina?"
Napatingin ang ibang tao sa loob ng close knit na opisina na iyon. Parang mga hindi narinig nito ang sinasabi ni Maqui dahil lahat nakatingin pa kay Julie Anne.
"Hoy! Mga laway! Alam ko maganda best friend ko pero mas maganda ako!"
"Asa ka pa Maq." Sabi ng isang lalaki na natatawa tawa.
Sinimangutan ni Maqui ang lalaki. "May araw ka din sa akin Iñigo hintayin mo lang. Sisiraan kita kay Maris."
"Maq naman!"
Pero hindi na pinansin ni Maqui ito at hinila ulit si Julie sa dulong kwarto.
Sa labas pa lang ay nakita na ni Julie ang pangalan sa may pintuan.
Carmina Legaspi, VP for Advertising.
Nagkaharap ang mag best friend at si Julie na ang unang kumatok.
"Yes?" Narinig nilang tawag sa loob.
Pumasok na si Julie at sumunod naman si Maqui.
"Mam Carmina si Julie po, bagong writer and editor natin." Pakilala ni Maqui.
Nag-angat ng tingin ang babaeng nasa may desk at ngumiti kay Julie Anne.
"Hello Julie. Nice to finally meet you." Saka ito tumayo at nakipagkamay sa kanya.
Medyo bata pa ang itsura nito at muhkang mabait naman.
"Sa first day mo ay mag observe ka lang muna. And meet your work mates. Saka na kita bibigyan ng project." Derederetso na sabi nito.
Julie nodded her head at that while Maqui stood quietly to the side.
"Thank you po mam! Susunod po ako kay Maqui."
"Nako goodluck na lang."
"Mam naman!"
Tumatawa si Mam Carmina habang palabas na si Julie at Maqui sa kwarto.
Dinala siya ni Maqui sa isang desk na may katapat pang isa pero share ng cubicle.
"Asan na kaya yun?" Bulong ni Maqui at tila may hinahanap habang lumilinga.
Nagtatakang tiningnan ni Julie ito. "Ang alin?"
"Yung ka-share mo dito sa cubicle...hay nako baka...ay ayan!"
Luminga siya at nakita ang isang pigurang palapit sa kanila.
Napasimangot ulit si Julie habang nakatingin sa lalaki. It was the same guy at the coffee shop and the elevator.
"Ikaw?" She said.
"Magkakilala kayo?" Maqui asked.
Julie rolled her eyes. "Siya yung nagpasingit kanina--"
"Julie...Julie Anne San Jose." Sabi bigla ng lalaki.
Mas lalong kinilabutan si Julie nang banggitin ng lalaki ang buong pangalan niya.
She looked at him and squinted her eyes hanggang sa nakaramdam nanaman siya ng kilabot. Was this...she didn't recognize him at first! But now looking closer...the glasses were gone, he grew taller and a lot more muscular but that face...
"Pak...ako ito." The guy smiled cheekily at her.
Si Maqui ay nalilitong nakatingin pa din sa kanila. "Anong Pak? Pak Ganern? Magkakilala kayo?"
"E-Elmo? Elmo Magalona?" Julie asked.
And the guy nodded his head. "Sabi ko na ikaw yun eh! Hi Pak!"
"TANGINA ANONG PAK BA YUN?!"
Pero tameme pa rin si Julie sa lahat ng pangyayari.
Saka naman napaikot na lang ang mata ni Maqui dahil wala naman sumasagot sa kanya. "Hay nako. Muhkang magkakilala nga kayo, o siya, kayo magkapartner dyan sa cubicle na yan."
At parang mas lalong gustong mawala ni Julie sa eksena.
Pero si Elmo ay nakangiti pa rin sa kanya. "Tangina ang ganda mo."
Pak talaga.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Ops! Ano na kaya ang mangyayari sa mag Pak? Nagkita na sila muli! Haha! Kapag marami boto...may update ulit bukas hehe!
Mwahugz!
-BundokPuno