"Hoy babae." Nagangat ng tingin si Julie sa boses at nakita si Maqui na nakatingin ngayon sa kanya. Wala sila sa office kundi nasa isang outlet dahil bagong bukas ang isa sa restaurants ng Just Eats. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain kasama si Maris dahil silang dalawa ang nauna na kumuha mula sa buffet table. Kaya naman napatingin na din si Maris sa eksena. Halatang curious na curious ito sa mga pangyayari. "Bakit?" Julie asked as she put her utensils down. Naningkit ang mga mata ni Maqui habang nakatingin pa rin sa kanya. "Magkasama kayo ni Magalona di lang nung pasko! Pati nung bagong taon!" "Ay oo nga! Itatanong ko pa lang dapat yun e!" Ani rin ni Maris na tila ba ngayon lang naalala ang lahat ng iyon. Ok here it goes. Julie looked at her two friends and acted as if it was not

