"Brittany!" Awtomatikong napatayo si Steffano nang makitang nagmartsa ako palabas. Dumiretso ako sa isang sasakyan na nakapark at sinipa ang gulong nito. "Hoy, ano yan? Nagkita na ba kayo ni Sir? Ano'ng sabi?" "Basag daw itlog niya kaya wala s'ya sa mood," sagot ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa sasakyan nya. Hindi naman s'ya magkandaugaga sa paghabol sa akin habang panay ang sulyap sa kanyang phone. "Sandali lang, aalis na agad tayo?" "Ano pa ba ang gagawin natin dito? Bawal ngang istorbohin si Sir!" "Bakit daw?" "Itlog mo kaya basagin ko, tingnan natin kung nasa mood ka pa no'n." "Puro ka naman kalokohan, eh!" Sumakay na ako sa sasakyan niya. Nang hindi pa rin siya pumasok ay inis ko na siyang binalingan. "Hoy! Hatid mo na ako paalis sa impyernong 'to!" Hindi n

