"Magbanlaw ka na muna. Kukuha lang ako ng maisusuot mo." Ibinaba ako ni Sir Rizlan sa harap ng pinto ng banyo sa loob nitong malaking silid. Hindi ako sigurado kung kaninong kwarto ito pero basi sa laki at gara, mukhang ito ang master's bedroom. Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay nalula ulit ako. Grabe! Halos buong hotel room ko na ang sukat nito, ah. May sariling bathtub sa gilid malapit sa bintana, samantalang sa sulok naman ay naroon ang shower at toilet bowl na may salamin na dibisiyon. At yung bango ng paligid, hindi rin papakabog, amoy luxury scent. "Kaninong kwarto 'to?" "You're in my room, Brittany." Seryoso? Dinala niya talaga ako sa room niya? Pwede naman ako roon sa guestroom pero bakit dito? Biglang sumipa ang puso ko, nagde-delusion na naman. Nilingon ko si Sir sa likod

