Chapter 5

2906 Words
Pagpasok sa unit niya, kita kaagad ang pinto ng bathroom. Magkatapat ang kitchen at living room. Natatanaw naman ang double bed malapit sa sliding door papunta sa balcony. Black and white ang dominating color sa mga furniture niya. Kompleto na rin ‘yon kahit maliit ang space. And I was surprised the we're both minimalist and organized. Isa 'yon sa mga inoobserbahan ko sa isang tao para malaman ang ugali. Umupo ako sa settee at nagulat ako nang bigla na lang umakyat lap ko ang isang kuting. Tumingala yung kuting sa 'kin na parang nagpapa-cute. Nangungusap yung mata niya pagkatapos ay malambing humilig sa tiyan ko. I could’nt help but to smile. My heart melts. I really like cats. Bata pa ako mahilig na ‘ko mag-uwi ng mga kuting na nakikita ko sa lansangan. At mahigpit ang land lady ng building namin. Mahigpit na pinagbabawal ang pag-aalaga ng kahit anong hayop. Hinahaplos-haplos ko ang ulo ng kuting nang marinig kong magsalita si Levi. "Bihira 'yan maging malambing sa ibang tao..." I looked up to him. "Di ba bawal ang pet dito sa apartment sabi ni Mrs. Toralba?" Nagtatakang sabi ko. Si Mrs. Toralba ay yung masungit na Land lady nitong building. "Kaya nga.. wag kang maingay," he said then winked at me. "It's our little secret." Iniwanan niya ako at naglakad papunta sa nagsisilbing bedroom na nilagyan lang ng divider na shelf kung saan naka-display ang iba't ibang trophy. I glanced at his direction while caressing the kitten on my lap. Lihim ko siyang pinanood na magsuot ng pang-itaas na damit. Nang lumingon siya sa direksyon ko, mabilis akong nagbaba ng tingin. Naramdaman kong tumabi siya sa 'kin sa settee. Hindi ako nag-angat ng tingin. Nanatili ang atensyon ko sa paghaplos sa pusa. But I could feel he's staring at me. Was he staring at me? Or nagiging assuming lang ako? "What's her name?" tanong ko sa kaniya habang patuloy ako sa pag-pet sa pusa. Napapapikit na nga siya. "Hmm.. Wala pa akong naiisip..." Bumaling ako sa kaniya. "What do you mean? "Nakita ko lang kasi 'yan last week sa kanto. Eh, inaaway nyung mga gangster na pusa kaya inuwi ko na lang dito." Bumaba ang tingin niya sa pusa bago bumalik sa mukha ko. "Ano gusto mong ipangalan sa kaniya?" “Bakit ako?” I asked softly. He shrugged. "Di ba mahilig sa ganun ang mga babae... saka wala akong maisip. Baka lang may idea ka..." Bumaba ulit ang tingin ko sa pusang nasa kandungan ko. Ang himbing na ng tulog niya doon. nakatakip pa yung isang paa sa mata na parang nasisilaw sa ilaw. Hindi ko napigilan mapangiti at haplusin ang malambot at puting-puti niyang balahibo. It reminded me of a cotton candy. Oh, right! That's it! Lumingon ako kay Levi, nangingiti. "I know what we will call her.." He moved a little closer to me. "What?" "Cotton... Kasi tingnan mo yung fur niya parang cotton candy!" I said, picking up Cotton, hugging her tightly. "And she's so fluffy!" Ilang sandaling napatitig siya sa mukha ko na parang may ginawa akong nakakagulat. Nailang naman ako sa paraan ng titig niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba ganito kami palagi? One moment, we were talking like we're friends, then magkakaroon bigla ng katahimikan at magiging awkward uli. "Sige, Cotton.." narinig kong sinabi niya. Bumalot ulit ang katahimik. Maririnig lang ang tunog ng buga ng aircon. Ang muffled sounds ng mga sasakyan sa labas at mahinang music na nagpplay sa bluetooth speaker na nakapatong sa shelf. Nakayuko pa rin ako kay Cotton. Nagtatalo pa rin ang isip ko kung oopen-up ko ba yung tungkol sa nangyari nong huling beses kami lumabas pero naunahan niya akong magsalita. "Ah, anyway… Jane, salamat nga pala sa food.” I looked at him. "Wala 'yon..." Another moment of silence. "Jane.." he said afterwards. "Yes?" "About last time.." he sighed. "I should not acted that way...” Levi scratched his head. “Kapag kasi ako ang nagyaya, automatic na ako ang nagbabayad at syempre may pera naman ako. Hindi ko ugaling pagbayarin mga babae sa date." Date? Date pala 'yon? Akala ko para lang makabayad siya doon sa favor na hiningi niya sa 'kin? Marahan akong tumango. "I understand. Hindi ko rin naman meant na tapakan yung ego mo... I offered kasi may pera rin naman akong pambayad at wala akong masamang ibig sabihin doon." "I know.. Mali ko rin talaga, eh." He sighed again. "Pasensya ka na, ah?" "It's okay. Pasensya na rin. Nagkaroon pa ng misunderstanding between us..” “Wala kang kasalanan. It’s my fault...” Tipid lang akong ngumiti at tumingala sa orasan na nakasabit sa pader. 8PM na pala. Baka masyado na akong nakakaabala sa kaniya. now, that everything is okay, hindi ko iisipin na may inis siya sakin kapag magkakasalubong kami sa daan. We could go back to normal. Tumayo na ako at inilapag si Cotton sa settee. I patted her head before I looked up to Levi. "I gotta go. Yung bowl ko pala?" Kinuha niya 'yon sa lababo at binigay sa 'kin. Hinatid niya ako sa pintuan. I was walking going to my unit when I heard him called my name. Paglingon ko nasa likod ko na pala siya. "Bakit?" I asked, looking up to him. "May.. gagawin ka ba bukas?" Kumunot ang noo ko. Saturday bukas. Wala naman akong agenda kundi magtago sa unit ko para manood ng series. Kung may magyaya sa tatlo kong kaibigan para kumain sa labas, hindi ko naman rin tatanggihan. Why he's asking anyway? "Wala naman... bakit?" "Kung hindi ka busy, yayain sana ulit kitang lumabas kung okay lang?" He said, looking away, pushing his tongue on the inside of his cheek. Is he asking me on date for real? I don't know what's got into me. Natagpuan ko na lang sarili ko na tumatango at sumasang-ayon sa pagyaya niya. "Sige..." "Really?" His face lit up. "I'll pick you up around 7PM?" "Okay.." I nodded before I went inside my unit. . . “So, ano na? Anong napag-usapan niyo?” Kausap ko si Genesis sa phone ngayon. Kaagad siyang tumawag sa 'kin pagkatapos kong mabanggit na nag-usap kami ni Levi kagabi. “Nothing… he actually apologized. Hindi daw dapat ganoon ang ikinilos niya. And he asked me to go out tonight.” Inipit ko sa pagitan ng aking tainga at balikat ang cellphone saka binuksan ang cabinet ar isa-isang sinipat ang mga naka-hanger na damit doon. Kanina ko pa iniisip anong isusuot ko. Clueless naman ako kung saan ba kami pupunta. But, based on my experience sa mga past na naka-date ko, sa malls lang kami kumakain then arcade. Hindi lang ako sure kung gano’n rin si Levi. Nasabi Genesis sa ‘kin na nakilala niya si Levi last year sa isang event. And knowing sa mga event at parties na pinupuntahan ni Gene, pang-mayayaman ‘yon. Kaya ‘di malayong RK rin si Levi. “What!!!” Bumalik ang atensyon ko kay Genesis sa lakas ng tili niya. Nailayo ko pa ang cellphone sa tainga ko. Akala mo may sunog kung makatili. “Gene, calm down.” naiiling kong sinabi. “It's just a friendly date.” “Friendly date my ass! Pangalawa na 'yan, 'no!” “Yung una para sa favor na hiningi niya sa ‘kin, remember?” Kahit ang totoo nadulas naman talaga si Levi na date niyang kino-consider ‘yon. “Duh… palusot niya lang ‘yon. Malakas ang kutob ko… crush ka niyan. Tingin nang tingin sa ‘yo nung party ni Toph, eh!” I rolled my eyes, getting the black mini dress. Sleeveless at above the knee ang haba niyon na may slit na two inches sa side. It was a gift from Genesis. Isang beses ko pa lang 'yon naisuot dahil hindi naman ako mahilig sa mga dress lalo na kapag fitted. Hindi naman kasi ako curvy. I have a slim body type. I stand 5’5 with a shoulder length straight black hair and fair complexion. It was the safest clothes to wear from my drawer. Pwede kasi siyang semi formal. Papatungan ko na lang ng cardigan or jacket. Para di masyadong revealing. “You're imagining things, Gene.” “Imagining? OMG! Hindi ka kasi aware sa paligid mo, gaga! Kitang-kita ng dalawang mata ko pa ‘no ka niya titigan!” “Baka nagtataka, dahil ako lang ang plain na itsura at boring na personality sa ‘ting magkakaibigan.” “What?! Kung boring at plain ka, malamang di ka niya niyaya makipag-date! You’re beautiful, Jane. We all are! Stop putting yourself down.” “Gotta hung up now, Gene.” Tumingala ako sa orasan. 6PM na pala. “I need to prepare.” “You need help? I can go there. Dalhin ko mga dress ko rito.” “Hindi na. May damit na akong isusuot. But thank you sa offer. Bye.” Hindi ko na hinintay ang sagot ni Genesis. Ramdam ko kasing kukulitin lang niya ako. Mas excited pa siya sa 'kin, eh. Napapailing na inilatag ko sa kama ang dress na napili kong isuot. Kinuha ko rin ang nakahanger na denim jacket at cardigan. Naglipat-lipat ang tingin ko sa mga damit, hinahaplos-haplos ang kamay sa chin ko. Then I decided na yung denim na lang ang gamitin. Para if ever na mag-malling lang kami, akma yung suot ko. Semi formal. I took a bath for 30 minutes. Paglabas ko ng restroom, pinatuyo ko muna ang hair ko ng blower, since straight at sabi nila shiny daw ang buhok ko, hinayaan ko na lang ‘yon na nakalugay at nagbihis na ako. Exactly 7PM narinig ko nang may kumakatok sa pintuan. I finished wearing my black stud earings and black choker terno sa damit ko— dinampot ko na ang baguette bag ko pati ang denim jacket saka binuksan ang pinto. Pumihit kaagad paharap si Levi at sandaling napatitig na naman sa ‘kin. I noticed his also wearing a black long sleeves na tinupi ang sleeves hanggang siko at dark denim jeans. Black leather loafers naman ang suot niyang shoes. Maayos na naka-wax ang hair niya. He also wore a daniel wellington wrist watch to complete his outfit. “Hi,” he greeted me, smiling. “Hello…” “Are you done?” Tumango ako at lumabas ng unit para i-lock ang pinto. Side by side, walang nagsasalita, naglakad kami pamuntang elevator. Pagsakay namin doon, imbes sa ground ang pindutin na button, he pressed the basement button. Hindi na ako nagtanong. Paglabas namin ng elevator, naglakad kami hanggang sa huminto sa tapat ng isang pulang BMW. Hindi ako familiar sa mga sasakyan kaya di ko alam anong model ‘yon. But it looks expensive. Sabi na nga ba, mayaman siya, eh. Binuksan niya ang shotgun seat kung saan ako naupo. Pumwesto naman siya sa likod ng manibela at binuksan ang ignition. “Where are we going?” Tanong ko habang lumalabas ang sasakyan namin sa parking lot. “Secret,” nakangiting sagot niya. Ilang sandaling napatitig ako sa kaniya. Di ko Ini-expect na ang katulad ni Levi na mukhang hinahabol ng mga babae ay ma-effort pagdating sa ganitong date. Ganito rin kaya siya sa ibang mga babaeng nakikilala? Of course, Jane! What made you think that you’re special? Na ikaw lang babaeng niyaya niyang mag-date? Isang oras kami nag-biyahe bago nakarating sa destination namin. Kumunot ang noo ko at sumilip sa labas ng bintana nang pumasok ang sasakyan namin sa isang malawak na parking space at huminto sa harapan ng malaking movie screen. Mabilis akong napalingon kay Levi na ngting-ngiti sa ‘kin. “Ayaw mo dito? Pwede tayo lumipat sa ibang lugar—“ “What? Of course not!” Mabilis kong putol sa sinasabi niya. I’ve never experience any drive in theater. At hindi ko alam na meron na pala dito sa Pilipinas! I’m a fan of old movies. At noong panahon ng 60’s to 70’s, drive in theater were a thing for couples. Marahan siyang tumawa at may kinuha sa back seat. “Para mas romantic ang date natin.” Ipinatong niya ang pop corn at drinks sa gitna namin sabay kumindat. Napairap ako at pilit na tinago ang ngiti sa labi ko. Romantic indeed… Nag-dim ang mga ilaw sa lamp post ng parking lot nang magsimula na ang movie. I leaned comfortably on my seat and focused on the movie. Pero nadidistract pa rin ako lalo na kapag nagsasabay kaming kumuha ng pop corn then biglang mahahawakan niya ang kamay ko or vise versa. Ipinirmi ko na lang kamay ko sa gilid at nag-focused sa palabas. Isa ‘yong old adaptation film, tungkol sa dalawang stranger na nagkakilala sa train and of course they fell inlove but eventually, did not end up together. Hindi pa kami umuwi after manood ng movie. Nagyaya si Levi na magpunta sa sea side na di kalayuan sa drive in theater. We parked and walked around the place. Medyo maraming tao dahil weekends. Tabi-tabi ang kainan na malalakas ang music pang-hatak sa mga costumer. There’s live band singing too. May mga rides rin na na-eenjoy hindi lang ng mga bata pati adults. Napadaan kami sa giant Ferris Wheel at huminto doon. “Gusto mo sumakay sa Ferris Wheel?” Tumingala ako doon saka binalik ang tingin sa kaniya. “Oo, but on one condition.” “Ano ‘yon?” “Libre ko na ‘to. You paid for our food and theater.” Napakamot siya sa batok. “Sige na nga. Baka mamaya hindi ka na sumama kapag niyaya kitang lumabas uli.” Then he said pushing his tongue on the inside of cheek, looking away. Ulit? Meaning… masusundan pa ito? After sumakay sa Ferris Wheel, naglakad-lakad ulit kami. I was shooking my head when he insisted to get me a stuff toy sa nadaanan naming booth. Nakailang try siya, pero walang tinatamaan. “Ako nga,” sabi ko at kinuha sa kaniya ang toy gun. Itinutok ko ‘yon sa pinakamalaking teddy bear na kulay pink sabay pinindot ang gatilyo. Tumaob ang teddy bear. “Wow, Ma’am! Ang galing mo! Daig mo pa boyfriend mo, eh!” Humahangang sabi nung babaeng staff. Kinuha niya yung stuff toy na kasing laki niya saka inabot kay Levi. “Nice, asintado ka pala, eh!” Amused na sabi ni Levi habang binabaybay ulit namin yung pathwalk kung sana natatanaw ang dagat. “Naglalaro ako ng counter strike, eh.” I said, proudly. “Totoo nga?” Di makapaniwalang tanong niya, nilagay pa sa kabilang gilid yung dalang stuff at tinitigan ako. I laughed at him. “Nung highschool lang. Ngayon hindi na.” Nanguna akong maglakad. “Tara upo muna tayo. Sumasakit na yung paa ko.” Naupo kami sa mga benches sa part na kaunti lang tao. Inunat ko kaagad ang mga binti ko at sumandal sa sandalan. Nasa tabi ko yung making stuff toy. “Wait lang, ah.” Nasundan ko ng tingin si Levi nang umalis siya sa tabi ko. Pagbalik niya may dala nang cotton candy at tubig. “Thanks!” Kinuha ko ang inabot niyang isang stick ng cotton candy. Ang colorful niyon at hugis flower. Then I remembered the song, inspired by it. “There’s this song cotton candy.. do you know that song?” Tanong ko kay Levi. He looked at me. “Oo. Bakit?” “Nothing. Naalala ko lang, in an interview tha singer/song writer asked, bakit daw Cotton Candy ang title…” Pumwesto patagilid si Levi paharap sa ‘kin, holding the cotton candy on his left hand. Nakapatong naman yung kanan sa sandalan ng inuupuan namin bench. “Bakit daw?” “Kasi ang cotton candy daw ay parang love, it melts quickly then sa una lang matamis…” “Hopeless romantic ka ‘no?” Umangat ang sulok ng labi niya. Pumihit rin ako paharap sa kaniya at nagkibit ng balikat. “You think so?” “Oo. Kasi… kung hopeless romantic ka, Don Romantico naman ako. See bagay tayo.” Tinitigan ko siya ng ilang sandali bago ako tumawa. ‘Yon na ata ang pinaka-korning punchline na narinig ko. “Saan mo nakuha yang Tito joke na ‘yan?” I continued laughing. “Uy, anong Tito joke? Pinag-isipan ko ‘yon ‘no! Grabe siya sa ‘kin. Tumatawang tumayo na ‘ko at nilingon siya. He looked cute though, parang bata lang na nagtampo. “Halika na nga, Don Romantico. Gabi na po, oh. Hinihintay ka na ni Cotton.” Tumayo siya at sumunod sa ‘kin. Naramdaman ko na lang nang umakbay ang braso niya sa balikat. I pretended that I did not notice until we reached the car. Hinatid niya ako sa tapat ng unit ko. We stopped there, staring at each other. “Pasok na ako sa loob. Thank you sa movie night…” basag ko sa katahimikan. “Thank you rin. I had so much fun.” Inabot niya sa ‘kin yung teddy bear. “Pasok na rin ako sa unit ko.” He leaned a little closer. And before I knew it. Nahalikan na niya ako sa pisngi saka tumalikod at mabilis na pumasok sa unit niya. Pagpasok ko sa unit ko. Napaupo ako sa settee at napahawak sa ‘king pisngi. Well… a kissed wouldn’t hurt, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD