Nakita ko si Levi na nakasandal sa may pader sa tapat ng apartment ko. Nakakrus ang braso niya sa dibdib. Nakayuko sa paa at tinatapik-tapik pa 'yon sa sahig, halatang malalim ang iniisip. Kanina habang naglalakad, inisip ko na ang mga sasabihin sa kaniya. Hindi pwedeng paulit-ulit na lang namin pinag-tatalunan ang mga bagay na wala namang basehan. Paano mag-go-grow yung relasyon namin? At paano mapapanatag yung loob ko? Yung loob niya? Kung palagi na lang nagiging issue ang ibang tao? Umangat ang tingin ni Levi sa 'kin, paghinto ko sa harapan niya. Parang natauhan sa lalim ng iniisip. "You want us to talk here... or sa loob ng unit?" Malumanay kong tanong. Umayos siya ng tayo, pinamulsa ang mga kamay. "Sa loob na lang..." Sumunod siya sa 'kin pagpasok ko sa loob ng unit. Hinaplos

