I couldn't utter a word as I felt a sharp pain in my chest, remembering the last time he asked me to dance, the night he proposed to me.. Marahan akong umiiling-iling upang pawiin ang gabing 'yon sa 'king isipin. "Why are you doing this..." Humakbang siya na tila walang naririnig. Napasinghap na lang ako nang ipulupot niya ang mga bisig sa beywang ko. Napako ako sa aking kinatatayuan nang hilain niya ako palapit sa kaniyang katawan. I was trapped in his arms. My safe haven… “Lev…” Pabulong kong usal. Gusto kong kumawala sa yakap niya, pero parang naglaho ang lahat ng lakas ko. Gumuho ang depensa ko. Nabuwag ang pader na nilagay ko. “A dance wouldn’t hurt, Jane…” He said painfully. Mariin akong napakagat sa aking ibabang labi. Just for tonight… kahit ngayon lang.. itong pagkakata

