“May naipon na bang funds doon sa ginawa mong go fund me?” “Meron naman pero maliit lang.. hindi pa nga umabot sa two thousand pesos,” nakatulala sa kawalan na sagot ko kay Genesis. Lunch break at nandito kami ngayon sa canteen. Wala si Levi. Um-absent na naman at naghahagilap ng perang ipambabayad sa ospital. Ang sabi ng doctor na nakausap niya noong dumalaw kami kay Zariya, dapat mabayaran na ang bills sa lalong madaling panahon. Inihinto na kasi ang pagbibigay ng mga gamot sa bata, para hindi na madagdagan pa lumulobong bayarin sa ospital. At kung sakaling mabayaran ang bills at mailipat sa pampublikong ospital si Zariya baka raw maaring maagapan pa ang sakit ng bata. Ang pag-asang ‘yon ang kinapitan ni Levi. Kinapalan na niya ang mukha para humingi ng tulong sa mga kamag-anak

