Nagising ako na parang malakas na hinampas ang ulo ko sa pader sa sobrang sakit niyon. Hindi ko na malaman kung sentido ang sumasakit o buong katawan ko. Nang subukan kong bumangon, umikot ang paningin ko kaya napabalik ako ng higa sa kama, napatulala sa kisame at hinilot-hilot ang sentido ko para maibsan ang sakit niyon. But damn, as I stared into the ceiling, naalala ko lang rin ang mga nangyari kagabi. Ang mga kagagahang ginawa ko. Sana tulad na lang ko ni Friday na kapag nalalasing nag-tototal black out na walang maalala! And what happened last night were still vivid in my mind.. his touched… his kissed… the way he made me feel… Napatampal na lang ako sa aking noo para alisin ‘yon sa isipan ko. Nakakahiya! Bakit ba kasi hindi ako nag-ingat? Dapat nakinig ako sa mga pag-saway ni

