"Ituloy mo lang yung mga vitamins na binigay ko last check up. Nahihilo ka pa ba?" Umangat ang tingin ni Dra. Tamayo mula sa sinusulatang papel. Umiling ako. "May mga times po na nahihilo pa rin, Dra. Pero hindi na tulad ng dati." "Okay sige. Dagdagan natin ang folic acid na iniinom mo. Pwede mo na gawing twice a day. Then... Hindi pala ako nakapag-reseta ng gatas last time. Inilagay ko na rin rito." Pre-natal check up today. I'm on my 12th week and everything seems fine. Hindi na ako gaanong nahihilo at nabawasan na ang morning sickness ko. I don't know if it's because papatapos na ang first trimester o dahil sa mga vitamins na ibinigay ni Dra Nabasa ko kasi sa internet ang dahilan kung nahihilo ang mga babae kapag nagbubuntis ay dahil bumababa ang dugo nila. And taking folic aci

