Sa samgyupsal malapit sa Arena kami nag-dine in. Dahil lunch time na, pagpasok namin ay punuan ang tao. Halos puro mga estudyante galing sa mga universities na naglaban sa tournament ang nandoon.
Lumibot ang tingin ni Levi na naghahanap ng bakanteng pwesto. Then he pointed at the corner near the glass wall. "Ayon, doon tayo tara."
Pinauna niyang lumakad si Genesis. Pagkatapos sumabay at umakbay siya sa 'kin. Kitang-kita ko ang mata ng mga babaeng estudyante na sinusundan ng tingin si Levi hanggang sa makaupo kami. Yung iba, hindi pa rin inaalis yung tingin nila habang nagbubulungan, hinahawi pa yung buhok at iniipit sa likod ng tainga mga kinikilig.
Napapailing na bumuntong hininga naman ako at marahang ginalaw ang balikat ko para alisin ang braso niya roon. He looked at me. Magtatanong sana pero kinausap siya bigla ni Genesis.
"Unli pork and beef ba sa inyo?"
"Oo, bawal ata iba-iba. Kapag ano order ng isa, 'yon na dapat lahat." Tumango si Levi para tawagin yung staff. Sinabi niya ang order namin.
"Nasaan si Vi and Friday?" Tanong ko pag-alis nung staff.
"Ayon, busy sa mga jowa nila," sagot ni Genesis.
"Oh... nakita ko nga si Goldilocks sa mall last month ata 'yon. May kasamang matangkad na gwapings," nakangising singit ni Levi. Yes, he started calling Friday, goldilocks, dahil sa kulot niyang buhok. "Varsity 'yon 'no?"
"Oo. Team captain ng Beda."
Patango-tangong inayos ni Levi ang mga sinerve na side dishes at tatlong uri ng meat sa table namin. "Naku, babaero 'yon. Famous ata, eh."
Nagsalita ang hindi famous...
The side of my lips rose up. "So, kapag famous babaero kaagad? Paano 'yon famous ka rin, eh."
Tumawa si Genesis. "Ayan daldal mo kasi!"
Napapakamot naman sa batok si Levi. "Famous pa nga... baka Romantico pwede pa."
I rolled my eyes. Hindi ko talaga kinakaya yung romantico na 'yon.
Habang kumakain kami, maasikaso si Levi. Siya ang naglalagay at nagluluto ng meat sa grill inililipat niya yung mga naluto na sa isang plate para doon na lang kami kukuha ni Genesis pero may times, siya pa naglalagay ng food sa plate ko. At kahit anong pilit namin ni Genesis, siya pa rin ang nagbayad ng bill namin.
After kumain, nagyaya na umuwi si Genesis. Pero kailangan ko pang pumunta sa mall na nasa tabi lang ng Arena para bilhin yung mga binilin ni Mama sa 'kin. Then after that i-me-meet ko naman si Tita Gina para ibigay sa kaniya yung mga item.
"Mauna na kayo umuwi," I told them while we're walking going to the parking lot. "I-me-meet ko pa kasi yung kaibigan ni Mama."
"Samahan na lang kita," Levi answered.
"Mas mabuti pa," sang-ayon ni Genesis.
"Hindi na, sumabay ka na kay Genesis." Baling ko kay Levi.
Genesis shooked her head. "Hey, it's okay. Mas okay na yan na may kasabay ka pauwi mag-commute. Kung wala lang akong gagawin sasamahan ko kayo, eh."
"Are you sure?" Nag-aalangan na tanong ko sa kaniya.
She nodded. "Oo. Pa'no gotta go! Ingat kayo!" Kumaway pa siya sa 'min bago naglakad papunta sa kotse niya.
Dumiretso kami ni Levi sa grocery kung saan suki si Mama dati nung mga tea. Iba't ibang uri ang kinuha ko nun. Nagtataka pa nga si Levi na halos lahat ng flavor kinuha ko.
"Para kanina 'yan?" Nagtatakang tanong niya habang nagbabayad kami sa cashier.
"Sa Mama ko." Kinuha ko ang sukli pati yung dalawang malaking paper bag pero kinuha 'yon sa 'kin ni Levi at siya ang nagbitbit. Hindi na ako tumanggi. Pagod rin kasi ang katawan ko laban kanina. May pasa-pasa pa nga ako sa braso at hita, kaka-dive kasi ako ang libero sa team namin.
"Bakit ipapadala mo? Nasaan siya?"
Nilingon ko siya bago kinuha ang phone sa bag ko. "Nasa ibang bansa. Babalik na kasi doon yung kasama niya." Hindi na ako nagchat kay Tita Gina, after ko mabasa chat niya. "Tara na, nandoon na siya sa meeting place namin."
"Okay lang bang susuma ako?" Tanong ni Levi paghinto namin sa harapan ng starbucks.
Imposibleng di sabihin ni Tita Gina na may kasama akong makipag-meet, loyalista pa naman 'yon ni Mama. Pero wala naman akong nililihim, hindi ko naman boyfriend si Levi so, bakit ko siya itatago, right?
"Okay lang..." I told him and grabbed his arm then went inside the cafe.
Lumibot ang paningin ko at huminto sa sulok ng cafe. Kumunot ang noo dahil imbes na si Tita Gina, si Jerome ang nakita kong nagkakape doon.
"Nakita mo na yung ka-meet up natin?" Bulong ni Levi sa tainga ko.
Sumunod siya sa 'kin ng maglakad at huminto ako sa table malapit sa glass wall. Jerome immediately looked up to me and flashes a timid smile. Pero unti-unti 'yon naglaho nang mapabaling kay Levi na nakatayo sa tabi ko.
"Hi." Bati niya sa 'kin.
"Hello," naupo ako sa harapan niya at sinenyasan si Levi na maupo sa tabi ko. "Nasaan si Tita Gina? Kanina ka pa dito?"
"Nagpapaparlor kaya ako na lang inutusan niya para i-meet ka." Bahagya siyang sumulyap kay Levi "Balak ka sana yayain ni Mama mag-dinner kaya lang may kasama ka pala..."
Kunot noong napalingon ako kay Levi nang maramdaman kong akbayan niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan ulit si Jeroma para ibigay yung dalawang paper bag.
"Ito pala yung pinapadala ni Mama kay Tita Gina. Hindi ko na nabalot kasi kagabi lang ako nasabihan ni Mama."
Kinuha 'yon ni Jerome. Nahawakan pa niya yung kamay kong nakahawak doon sa paper bag.
"Ehem!" Levi clear his throat. His hand around my shoulder tightened.
"Sorry," hinging paumanhin ni Jerome at biglang binitiwan ang kamay ko.
I was literally don't know what to react. Bakit ba kasi parang may tension sa kanilang dalawa?
Umalis na kami after ko magpaalam kay Jerome. Mabuti may mga van sa terminal kaya di na kami nahirapan mag-abang ng bus. Mag-aalas singko pa naman, padami na ng padami yung mga pasahero.
I was really tired. Mula sa ilang linggong trainings, sa laban kanina at sa pagkatalo namin. Gusto ko na magpahinga na lang. at matulog maghapon para makabawi.
Napapapikit na ako nang maramdaman kong akbayan ako ni Levi. Inihilig niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib.
"Dito ka nga.. baka mauntog ka pa diyan." Naiiling na sabi niya.
I looked up to him. "Thanks."
Bumaba ang tingin niya sa 'kin. "Sino yung lalaking ka-meet up mo kanina?"
"Anak ng kaibigan ni Mama 'yon. Si Jerome. Kababata ko sa Balayan."
Bumaba ang kamay niyang nasa balikat ko payakap sa 'king beywang ko. Hindi ako kumilos or nag-react. Just he always do na akbayan ako, it feels so natural.
I've had boyfriends before, pero hindi ko naramdaman yung ganitong comfort sa kanila.
Umangat ang sulok ng labi niya. "Kababata... may crush yun sa 'yo, eh. Saka bakit di mo ako pinakilala..."
"Crush?" My brow furrowed. Although sinabi naman talaga yon ni Tita Gina. Pero mga bata pa kami nun. "Pinakilalang ano?"
"Manliligaw..." Diretsong sagot niya.
Natigilan ako. Manliligaw?
Hindi na ako nakapagsalita dahil napuno na ang van na sinasakyan namin. Parang nahiya na rin naman siya at di ulit mag-open ng pag-uusapan. But his hand remained on my waist. At nanatili naman akong nakahilig sa dibdib niya hanggang sa di ko namamalayan nakatulog na pala ako.
Ginising lang ako ni Levi nung pababa na kami ng van.
"Thanks sa pagsama sa 'kin, ah..." sabi ko nang huminto kami sa harapan ng unit ko.
Tumango siya at inipit sa likod ng tainga ang mga hibla ng buhok na kumawala sa mukha ko. "Sige na, pahinga ka na..." Then he smiled at me.
Pahakbang na siya nang higitin ko ang braso niya kaya napapihit siya paharap sa 'kin.
I tiptoed and onto his shoulder, kissing his cheek. Pagkatapos walang sali-salita na pumasok ako sa loob ng unit ko, leaving him there his lip parted.
Napasandal ako sa nakasaradong pinto at wala sa sariling napailing habang nangingiti mag-isa.
Anong masama kung minsan gumawa ako ng bagay na 'di pinag-iisipan ang mangyayari at reaction ng tao? And somehow... it felt so good...
Just like I planned, the next day maghapon akong nagtulog. Gumigising lang ako kapag kakain tapos babalik ulit sa tulog. Hindi ako nag-checheck ng phone kaya bandang 7PM ng gabi, nagising ako sa mga pagkatok sa pinto.
Patamad kong nilabas ang kamay ko sa comforter na nakabalot sa ulo ko hanggang katawan. Kinapa ko ang lamp saka sinwitch 'yon.
Tumingin ako sa labas ng salamin na balcony pagbangon ko ng kama. Madilim na sa labas. Tumayo na ako at tinungo ang pinto na patuloy na kumakatok yung nasa labas.
Pagbukas ko nun, bumungad sa 'kin si Levi. Kumunot ang noo ng makita ang pag-alala sa mukha niya.
"What's wrong—"
"Kanina pa akong umaga nag-cha-chat sayo." Putol niya sa sinasabi ko. "Tapos tinatawagan rin kita. Bakit di ka sumasagot? Pati sina Genesis di mo raw nirereply-an."
I have my phone with me. Pagka-check ko, ang dami nga messages at missed calls! Bumaling ang tingin ko kay Levi na seryoso. Sa sobrang seryoso parang medyo galit na siya.
"Nag-alala ako sa 'yo!" He blurted out.
I bit my lower lip and sighed. "Hindi ko na namalayan yung oras. Nagtulog lang naman ako maghapon." Tumingala ako sa kaniya. "Sorry..."
He stared at me for a moment and sighed. "Sa susunod magsasabi ka, akala namin ano nangyari sa 'yo. Sige na, reply-an mo na muna mga kaibigan. Tapos labas tayo para makakain kana. Dinner time na, oh..." napailing siya.
I nodded and left the door open. Nilingon ko siya nang di siya sumunod papasok. "Pasok ka muna. Magbibihis lang ako."
Saka lang siya pumasok at naupo sa settee. Kumuha naman ako ng damit at nagpalit sa loob ng bathroom. I choose to wear a comfy shorts na natakpan ng oversize na swearshirt.
Nag-reply muna ako kina Genesis na inulan ang chatroom namin bago ako lumabas ng bathroom.
Jane: I'm fine. Don't worry about me. Alam niyo naman after ng preparation at game, nag-hi-hibernate talaga ako.
Genesis: We know.. kundi lang makulit ang jowa mo.
Jowa? Sino si Levi?
Mabilis akong tumipa ng reply ko.
Jane: We're just friends. Anyway, gtg. Hindi pa ako nagdidinner. Chat you later.
Genesis: Okay! Happy eating!
Lumabas na ako ng bathroom at naabutan si Levi na, iniikot ang tingin sa paligid. Nakatukod ang siko niya sa armrest ng settee habang nilalaro ng daliri ang labi.
"Hey, let's go?"
Lumingon siya sa 'kin at tumayo. Lumabas kami ng unit at sabay na naglakad patungo sa elevator.
"Saan mo gusto kumain?"
Last week pa ako nag-ca-crave sa pizza. Umorder ako kaninang tanghali, pero dahil sa antok, para wala akong appetite kanina. Nanigas na nga lang ref. yung natira.
"Domino's na lang?"
"Tara!" Sabi niya sabay inakbayan ako at hinigit papalapit.
Pagpasok namin sa Domino's bigla akong nagsisi sa desisyon ko. Punuan kasi at puro mga estudyante pa ng Perps. At syempre kilala si Levi sa Perps, lahat biglang napalingon sa kaniya. Pansin ko ang pagkunot ng noo at pagtaas ng kilay ng ibang sa paglipat ng tingin sa 'kin. Jelousy and curiosity was written all over their faces. Na bakit sa itsura kong 'to kasama ako ni Levi at nakaabay pa sa 'kin.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya kaya pasimple akong lumayo sa kaniya dahilan bakit bigla siya napalingon sa 'kin.
Nag-iwas ako ng tingin. "Hanap muna ako ng pwesto natin..." sabi ko sabay tinalikuran siya.
Nakakita ako ng dalawang estudyanteng tumayo at umalis sa table malapit sa glass wall. Umupo ako doon at kinuha ang phone sa bulsa ng sweatshirt ko.
I could still feel, some eyes were staring at me. Kaya nag-pretend akong nag-scroll sa phone ko.
Levi: May problema ba? Gusto mo lipat tayo sa iba?
Umangat ang tingin ko kay Levi na nakapila sa cashier. Tipid siyang ngumiti sa ‘kin. I don’t know… napansin niya sigurong naging uncomfortable ako.
Tumipa ako ng reply ko.
Jane: It’s okay. Nandito na tayo.
I looked up to him and smile too. Nang bigla na lang mula sa entrance, lumapit kay Levi ang isang babae.
“Lev!”
Napalingon siya doon at halatang nagulat. “Cayla…”
Ah… ito pala yung Cayla na pinag-uusapan ng mga ka-team mates ko. Pinagmasdan ko siya…
Mas maikli kaysa sa normal na dapat na haba ng uniform ang suot niya. Her breast was huge than an average filipina kahit ang payat-payat niya. Her hair was in ombre. Thick eyes lashes, plump lips and perfect contour.
She still looks pretty though. Nasobrahan lang sa make up at filler sa labi. Mas maganda pa rin siya kumpara sa ‘kin.
“Wala ka last week kina Marion?” Umabrisyete si Cayla sa braso ni Levi. “Hinahanap kita, eh.”
“May pinagkakaabalahan ako.” Lumingon siy Levi sa ‘kin sabay maingat na inalis yung kamay ni Cayla sa braso niya. “Musta na pala? Long time no see.”
Iniyakap naman ni Cayla ang mga braso sa leeg ni Levi. “Ito, miss ko na mga session natin…“ pagkatapos ay may ibinulong kay Levi sabay bumungisngis.
Napansin ko ang pagsasalubong ng kilay ni Levi at pag-galaw ng muscles sa jaw habang sinasaway ng tingin si Cayla.
My brow furrowed. Ano kayang session ‘yon?
Bakit parang ayaw niyang pag-usapan ang session na yon out hear in the public?