“Magpapakabait kay Teacher, ha?” Inipit ko sa likod ng tainga ni Laura ang mga buhok na sumabog sa mukha niya. Sa sasakyan pa lang kasi ang likot-likot na. Hinipo ko pa ang likuran niya na nilagyan ko ng malinis na bimpo bago ako yumuko para halikan siya sa pisngi at yakapin. “Susunduin ko kayo ni Yaya later. Kiss mo na si Mommy. Aalis na ako.” Tumingkayad siya at iniyakap ang maliliit na braso sa leeg ko saka matunog na hinalikan ang aking sa pisngi. “Kay, Mommy… I love you too.” Bumitiw rin siya kaagad sa akin at hila-hila ang Lighting Mcqueen trolly bag na pumasok sa loob ng classroom. Kaagad namang sumalubong ang teacher at tinulungang maupo sa pwesto niya si Laura. “Sige po, Mommy, pwede niyo nang iwan si Laura,” nginitian ako ni Teacher Girselle na in-assist ang isa pang bagong d

