"Yaya, kumuha ka nga muna roon ng extra towel sa loob." Hindi pa kami nakakaalis pawis na kaagad ang likod ni Laura. Binuksan ko ang back pack niyang hawak-hawak ko at kinuha roon ang malinis na towel para ilagay sa likod niya. "Inilagay ko na kanina yung snacks at water jug niya rito. Yung notebook naiwan pala diyan sa ibabaw ng kabinet. Kunin mo na rin." "Ano pa, teh? Para isahan na lang kukunin. Kaloka!" Sigaw ni Yaya Karen mula sa loob ng bahay. Napakunot ang noo ko. Reklamadora talaga itong si Karen. Hindi ko na lang pinapansin. Wala akong choice dahil ang hirap humanap ng kasambahay na mapagkakatiwalaan. Malayong pinsan ko kasi siya kaya kahit paano, napapalagay ang loob ko kapag siya ang nagbabantay kay Laura. "'Yon lang." Itinali ko ang buhok ni Laura at inayos ang suot niya

