Since I couldn't decide who's we're going to have lunch with— Genesis suggested na magsama-sama na lang kaming apat. Though, it felt awkward, wala naman kaming mapagpilian. Hindi naman pwedeng iwanan yung isa. Kawawa naman. Bakit ba kasi sabay pa silang sumulpot? At sabay pang nagyaya kumain? Naghanap kami ng makakainan. Dahil lunch time, jampacked yung mga nadaanan at kakainan sana naming fast food chain. Napadapad tuloy kami dito sa harapan ng isang japanese restaurant. Konti lang ang tao at mukhang maganda ang ambiance. Medyo mahal nga lang ang food nila. Nilingon ni Genesis si Jerome at Levi sa likuran namin na naglalakad papalapit. Huminto sila sa harapan namin. "Guys, dito na lang tayo okay lang sa 'inyo?" Nagkibit ng balikat si Jerome. "Okay lang sa 'kin. Ayaw niyo sa buf

