"What the hell is this?" Tinulak ni Trick ang pinto at pumasok ng VIP room. Kunot ang noong inilibot niya ang paningin sa loob. Nagkalat ang mga lobo, confetti at may banner pa na nakakabit sa pader. "Sinong may pasimuno nito?" Nagtulakan at nagtuturuan naman ang mga kasama ko kung sinong magsasalita bago sabay-sabay na tinuro si Mandy na nagtatago sa likod ko. "Explain, Ms. Asuncion," nakakrus ang mga braso sa dibdib na utos ni Trick. "Ah... eh.. anniversary surprise party po, Sir," sagot ni Mandy na ninerbiyos na tumawa sabay napakamot sa ulo. "Anniversary party? Kailan pa ako nagpaparty kapag anniversary, Ms. Asunsion?" Pigil na pigil ang inis ni Trick. Panigurado sa lunes, masasabon kaming lahat nito. Nagsinungaling pa kasi si Mandy at damay ako syempre kasi pumayag ako. Napa

