"Daddy!" Itinaas kaagad ni Laura ang maliliit na braso. Kinarga naman ni Levi si Laura at kunot ang noong bumaling sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Natakot kaagad siya. "Tara na nga sa loob." Napapabuntong hiningang inakbayan na niya ako at isinama sa paglalakad. Hindi niya inaalis ang pagkakaakbay sa akin kahit iginagalaw ko na ang balikat ko,l para alisin niya 'yon hanggang sa sumakay at bumaba kami sa 30th floor ng building. Huminto kami sa pang-apat na pitong nadaanan namin. He opened the door and went inside the unit. Sumunod naman ako. At kahit naiinis ako, hindi ko pa rin mapigilang magandahan sa loob ng unit. Mas malawak rito kumpara sa condo ni Genesis. Malamig sa mata at very minimalistic ang gray na pintura ng mga pader at puti naman ang kisame. Cheery wood naman ang fl

