"Uy, pre, yung crush mo, oh." Natigilan ako sa pag-scroll sa cellphone nang sikuhin ako ng kaklase ko. Pag-angat ko sa 'king tingin, papasalubong sa 'min ang grupo ng mga babae. Lima silang nakasuot ng volleyball varsity uniform pero ang mga mata ko nakatutok lang isang babae. Diretso ang tingin niya na tila walang pakialam sa paligid, pero may kung ano sa ningning ng mga mata niya ang palagi na ay nakakakuha sa 'king atensyon. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya nang dumaan siya sa gilid ko. Nagkatapat ang balikat namin, bahagya pang nagkabungguan. Kaya napalingon siya sa 'kin. I was about to smile but she averted her gaze like I didn’t exist. Napalingon na lang ako sa likuran ko para habulin siya ng tingin nang balewala niya akong lampasan. Wala sa sariling napangiti

