"Usap-usapan na rito ang nangyari kanina. What was that? Totoo ba 'yon?" tanong ni Cheska sa kabilang linya. She called me while I was still here in his house. Inasikaso ako ng mga kasambahay at pinipilit nila akong kumain kahit hindi ako gutom. Mabuti at wala rito si Ashton dahil ayoko siyang makita. "Uhm..."I heaved a sigh before I answer her question. "Yes." Napasandal ako sa sofa matapos kong sabihin iyon. Do I need to tell her na ikakasal na kami ni Ashton? Hindi niya kilala si Ashton. Hindi niya kilala ang tanging lalaki na naging karelasyon ko. I also didn't tell her kasi ayoko na rin pag-usapan pa. She gasped. "T-Talaga, Kat? Bigatin 'yon! May-ari iyon ng mall na pinagtrabahuan natin. Akala ko ba wala kang jowa? Hindi ka man lang nagkwento." I could imagine her pouting l

