Chapter 18: Love sick

1671 Words
Pagkatapos ng lesson namin nauna na si Joan, may dala kasi syang bike samantalang ako sasakay pa ng jeep. Hindi parin mawala sa isip ko yung nakita ko. Bagay na bagay silang dalawa, parang ginawa sila para sa isa't isa. "Pau, nagugutom nako." Sabi ni Rad. "Meron dyan hotdog, ayan nalang kainin nyo." Sabi ko sa mahinang boses. "Pau! Hindi kaba nagluto!?" Sigaw ni Dave. "Meron dyan." Sabi ko sa malungkot paring boses sabay naglakad nako papaalis ng kusina. "Okay kalang ba?" Tanong ni Dave. Tumango ako ng dahan dahan. Napalingon ako sa pintuan sa salas ng marinig kong bumukas ito. "Oh andyan na ata si Zeus." Sabi ni Dave. Bigla naman akong nataranta at napatakbo sa taas ng kwarto ko. "Anong nangyari dun?" Narinig ko pang sabi ni Zeus. Pagkatapos nun hindi nako lumabas ng kwarto at pinilit kong makatulog kahit pa hindi ako makatulog, ilang oras lang ata ang tulog ko at maaga akong pumasok ng school pero bago naman ako umalis nag iwan naman ako ng breakfast nila. Huminga ako ng malalim at nilapat ko ang ulo ko sa table ng bench. "Hala, ano bang nagyayari sayo?" Tanong ni Joan. "Hindi ko rin alam..." sabi ko sa mahinang boses pero hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko, normal lang ba tong nararamdaman ko? "Nga pala kamusta na si Radcliff?" "Okay naman sya...." "Okay kalang ba?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Joan. "Oh my god!" "Oh bakit!?" Sabi ko at napatingin sakanya, gulat na gulat sya pero bumalik lang ulit ako sa pagkakahiga ng ulo ko sa table, wala kasi ako sa mood para makipag usap sakanya. "Pau... tama ba'tong nakikita ko?" "Nakikita ang alin?" Sabi ko. "Love sick ka?" Napabangon ako at napatingin ulit kay Joan. "Love sick ka dyan? Ba't naman ako malo-love sick! Hahaha!" Umiling si Joan na para bang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. "Kahapon naman okay ka eh, bago ngayon para kang lantang gulay dyan. Tignan mo sarili mo.. hmmmm.. may kinalaman ba'to sa tsismis na nasagap ko kahapon?" "Ano bang sinasabi mo dyan. Masakit lang ulo ko! Kulang kasi ako sa tulog." Paliwanag ko. "Ah talaga ba? Tinatamad kaba?" Sabi nya. "Oo." Ano bang tanong yan!? "Mabigat yung pakiramdam mo?" "Oo." "Parang wala kang ganang kumain!?" "Oo." "Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa dibdib mo? At parang nahihirapan kang huminga?" "Oo----ha! Anong sinasabi mo!" "Love sick nga! Wag mo nang ikaila, sabi ko na nga ba eh! Wait don't tell me????!!" "Haaaa? Ano!? Wala!!!??" Bigla akong nagpanic ng makita ko ang itsura ni Joan. "Ano ba kasing nangyari kahapon?" Huminga ako ng malamin at kinwento ko kay Joan yung nakita ko kahapon. "Wait nga lang, wait lang hindi maprocess ng utak ko. So totoo nga yung tansya ko?! may gusto kana kay Zeus eh! Kailan pa!?" "Anong gus-- kay Zeus?! Ako!? May gusto ako kay Zeus?! Hahaha pinapatawa mo naman ako! pano ako magkakagusto dun eh wala ngang pakilam sakin yun! Walang expression, hindi marunong magsalita, tahimik. Basta marami pa!" "Pero gusto mo sya!?" "Oo---haaaa!!!? Hindi ha!!! Tumigil kana nga!" Sabi ko sabay balik ulit sa pagkakahiga. "Oh Zeus!" Sigaw ni Joan. "Nice try Jo! Hindi mo'ko maloloko." Pagkasabi ko nun agad akong siniko ni Joan kaya naman agad akong napabangon at napatingin sakanya. "Araaay! Ano bang problema mo! Oo na! Oo na! May gusto nako kay Zeus! Ayan ha sinabi ko na! pwede na ba akong matulog? Masakit talaga ulo ko." Sigaw ko kay Joan para matapos narin pangungulit nya at tigilan na nya ako. Hindi sya sumagot sa sinabi ko at nakatingin lang sya sakin sabay tingin sa likuran ko. "Wow ang galing naman ng kaibigan ko! Panalo kana gorl (sabay palakpak) isasalin ko naba sayo ang korono? best actress ka eh! Ayan na ha!? Okay na? Ngayon pabayaan mo muna akong mag emote." Sabi ko ng aakma ko ng ihiga yung ulo ko agad tong hinawakan ni Joan at tinulak nya yung ulo ko para mapatingin ako sa gilid ko. Nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng makita ko ang mga lalaking nasa harapan ko. Isa isa ko silang tinignan si Radcliff, si Dave.... haaay..... buti wala si Zeus pero halos mahulog ako sa inuupuan ko ng biglang lumabas si Zeus sa likod ni Rad! Oh s**t! Wait narinig ba nila yung sinabi ko!? f**k! Umubo ako kunwari at nagpatay malisya. "Oh andyan pala kayo." Sabi ko. Naglakad silang tatlo sa harapan namin ni Joan nakita ko pa si Dave na hinawakan yung balikat ni Zeus at umupo sila sa harap namin. s**t hindi ako makatingin sakanila! Nakakahiya! Malamang narinig nila yung sinabi ko. Ginala ko yung mga mata ko para tignan kung bakit wala akong naririnig na sigawan. Usually kung nasaan sila andun lahat ng tao. "Okay, diba naghahanap kayo ng part time?" Sabi ni Dave pagkaupo nya na agad naman naming sinagot ng pagtango. "So ito na nga, may bagong bukas na resto dyan sa San Andres, soul street yung name and magpapart time kaming tatlo duon, so we just wondering kung gusto nyo ring sumamang mag part time?" Pagkarinig na pagkarinig naming dalawa ni Joan agad kaming napasigaw ng oo. Natawa naman si Rad at Dave sa sagot naming dalawa ni Joan sabay kasi kaming sumagot na kala mo kakanta kami sa chorus ng kanta. "So ayun lang naman pinunta namin, gusto lang namin malaman kung gusto nyo ring mag part time sayang kasi need pa kasi nila ng dalawa pang part timer dun.." Paliwanag ni Dave. "Aahhh.. ganun ba.. sige sige! Sama kaming dalawa!" Masayang sabi ni Joan. Palihim naman akong tumingin kay Zeus na ngayo'y nakatingin ng malayo. "Osige una na kami." Aya ni Dave. "Okay kalang ba Pau?" Napatingin ako kay Dave at sinagot ko lang sya ng pagtango at ngumiti lang sya sakin. Umalis narin agad silang tatlo bago pa kami dumugin ng mga estudyante duon. Pagkatapos namin magpahinga ni Joan agad din kaming bumalik sa room namin. Kahit pa masakit ulo ko at maraming iniisip medyo gumaan yung loob ko kasi meron na kaming part time, sana naman okay yung papasukan namin. Mabilis ang araw hindi ko namalayan na ngayon na kami magsisimula sa part time namin kung hindi pa pinaalala ni Radcliff sakin hindi ko pa maaalala na ngayong araw na pala yung pasok namin sa cafe sobrang inaantok pako pero kailangan kong bumangon na at mag ayos para sa ekonomiya. Sabay sabay kaming apat na pumunta sa soul street cafe at nadatnan namin sa loob si Joan habang nakaupo ng tahimik, agad naman kaming sinalubong at pinapasok pa ng tatlong lalaking regular employees duon para iseminar kami at itrain narin. Halos kalahating araw din yung seminar namin bago kami nag actual training. Natuwa naman ako kasi mabait si Sir Ken sakin at talagang matyaga nya kong tinuturuan. "Welcome po!" Pagbati ko, kinuha ko yung menu namin para ibigay sa tatlong estudyanteng pumasok sa shop, dalawang lalaki at isang babae. Tumayo lang ako sa gilid nila para hintayin kung ano yung oorderin nila. Nagulat din ako ng biglang tumakbo ang isa nilang kasama. "Jepoy! Saan ka pupunta!" Sigaw nung babaeng pangalan ata ay Camille. "Kaibigan mo ha! Kaya nga natin niyaya dito para mawala sa isip nya si Kristian eh haayyy nako." Wika ng kasama nilang beki. "Ano bayan! Kung bakit kasi bigla nalang nawala si Kristian, kahit sa school natin wala sya. Nagdududa nako dyan ha. Sobrang tahimik ni Kristian at dahil sa sobrang tahimik nya mapapaisip ka talaga kung anong problema? At kung ano bayung tinatago nya?! bakit bigla nalang syang naglaho na parang bula, hindi kaya may tinataguan sila?" Sabi nung babae. "Nako wish nalang natin na maka move forward na si Jepoy at kalimutan na nya si Kristian, andyan naman si Jerold para sakanya eh. Pag-uusap nila, pagkatapos tumakbo ng isa pa nilang kasamang lalaki. Hindi ko gustong makinig sa usapan nila ha pero wala akong choice eh kasi nakatayo ako sa gilid nila dahil hinihintay ko yung oorderin nila. Pagkatapos ko makuha yung order nila pumunta ako sa storage room para kunin yung isang bag ng coffee bean. Pag kakuha ko biglang nanlaki ang mga mata ko. Nataranta ako bigla ng makita ko si Zeus kaya naman naglakad ako papalabas ng storage room pero ng malapit nako sakanya bigla nyang sinandal ang mga kamay nya sa pader para harangan ako sa paglalakad. Napahinto ako pero hindi ako tumitingin sakanya. "May problema ba tayo?" Nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yun kay Zeus , kaya naman napatingin ako sakanya. Nakatingin lang sya ng diretsyo sa harapan nya. "Ha?" Sabi ko. Tumingin sya sakin kaya naman iniwas ko agad yung mga mata ko. "Tinatanong ko kung meron ba tayong problemang dalawa?" "Ha? Wa-wala, wala naman tayong problema ha." Sabi ko, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Feeling ko sasabog na. "Wala? Bakit iniiwasan mo'ko?" "Ini-ini-iniiwasan? Ha? Hindi! Hindi kita iniiwasan!? Ba-bakit naman kita iiwasan? Haha" sabi ko na kinakabahan parin sabay napatingin ako sakanya na ngayo'y nakatitig sakin. s**t yung puso ko! Yung puso ko. Tumango sya."hindi iniiwasan? Pero pag umuuwi ako sa bahay umaalis ka agad? Hindi iniiwasan? Sa twing lalapit ako sayo bigla kang nawawala? Ni hindi kana nga sumasabay samin sa pagpasok eh, hindi iniiwasan? O baka dahil to sa----" ohmygad! Ohmaygad! Baka sabihin nya yung sinabi ko na gusto ko sya? Teka? Pwede rin namang hindi nya narinig yun diba? Ahhhhhhhhh! Oh lupa! Kainin mo na ako. "Ha? A-anong sinasabi mo?" "Yung sinabi mo kay Joan, ano nga ulit yun?" Sabi nya sabay lapit pa ng mukha nya na talaga namang nagpatigas ng buo kong katawan, kailan pa sya naging ganito?!!! "Na-na-narinig mo yun?! Ha? A-ano... a-ano----" "Don't worry, alam ko naman na hindi ka seryoso nung sinabi mo yun kaya hindi mo kailangang umiwas sakin." Sabi nya sabay alis pero bago sya umalis kitang kita ko yung pag ngiti nya, ohmygad! Ano bang nangyayari? Ang bilis ng t***k ng puso ko na para bang gustong kumawala sa dibdib ko. AAAAAHHHHHHHH!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD