"oh uuwi na kayo?" Tanong ng boss namin ng makita nya kaming nag aayos ng gamit.
Usually kasi pag dating ng alas quatro di pa kami agad nag aayos ng gamit namin, Hinihintay pa namin yung iba para sabay sabay na kaming lalabas ng resto.
Since nandito naman na yung kapalitan namin nag ayos na agad kami ni Joan at para narin magawa namin yung binabalak naming pagsunod kila Zeus, wahahaha!
"Aalis na kayo, kokonti na naman yung customer nyan.." sabi ni boss. ang tinutukoy nya ata na aalis na is yung 3 annoying men.
Simula kasi ng nag simula kaming mag part time rito ilang beses ko narin naririnig sa boss namin na dumadami lang daw ang customer kapag nakaduty yung 3 annoying men. Well, di nako magtataka duon.
"Uy Pau, san ka pupunta!?" Sigaw ni Rad ng makita nya kaming dalawa ni Joan
Kung bakit kasi nakita pako ni Rad, itetext ko na nga lang sana sila, pag nakaalis nako at magdadahilan na may emergency kaya nauna nakong umalis sa kanila.
"Ow, Rad.. hahaha ano ahhh....." Nag iisip pako ng sasabihin ko kasi for some reason nahihirapan akong magsinungaling kay Rad kaya naman siniko ko ng palihim si Joan.
"Araay! Ay ano ahh.. ano kasi magpapasama ako kay Pau. Hehe." Ano ba naman yan! Parang hindi kapani-kapaniwala tong sinabi ni Joan. Pero andyan na eh.
"Ay oo, pasabi nalang dun sa dalawa na nauna na kami ha. Tara na Joan! Para makaabot pa tayo!" Yaya ko kay Joan at nagmadaling umalis.
Pagkalabas namin agad kaming tumakbo at nagtago sa likod ng puno para hintayin ang pag alis nila Zeus at Marry Ann. Kinakabahan ako sobrang bilis ng t***k ng puso ko, first time kong gawin to.
Buti nalang may baon kaming sombrero ni Joan, always ready! Hindi ko akalain na magagamit ko to sa ganitong bagay.
"Sure kaba na hindi tayo mapapansin nito."
"Oo sure ako basta wag mong ipakita yung mukha mo syempre! Itago mo dyan sa sombrero mo!" Sabi ni Joan sabay lumipat kami sa mga halaman kung saan ako nagtago kanina para makita namin ng maayos yung dalawa.
"Matagal pa ba sila?" Sabi ko.
"Oo nga, matagal paba? Sino hinihintay natin?"
"Si Zeus nga!" Pagalit kong sabi.
Nang bigla akong mapaisip bakit tatanungin ni Joan kung sino hinihintay namin eh idea naman nya to?!
napatingin ako kay Joan at hindi maipinta ang itsura nya na para bang natatakot na natatae. Sinundan ko yung tingin ng eyeballs nya at napaupo ako sa lupa ng makita ko si Dave na kasama na namin. Kailan pa sya nandito!!!?
"A-a-anong ginagawa mo rito?!" Nagulat kong sabi. Sinagot nya lang ako ng pagtaas ng balikat.
"Wa-wala kaming ginagawa hinahanap ko lang yung hikaw ay yung singsing ko na nawala kanina!?" Sabi ko.
"May singsing kaba?" Patay na! Kung bakit kasi--- at pano kami nasundan ni Dave dito!?
Ang bilis ng t***k ng puso ko mukang mission failed kami ha baka lumabas na si Zeus.
*Krrrrriiiing...
Agad kinuha ni Dave yung cellphone nya, tinignan nya muna yung screen nya ng ilang segundo bago nya to sagutin.
Sumilip ulit ako sa labas at nakikita ko si Zeus sa loob ng resto na nagpapaalam na kay Rad. Pagkatapos binalik ko na ang tingin ko sa lalaking seryosong seryoso yung mukha.
"Okay sige, papunta nako." Sabi nya sa napakaseryosong boses.
Tumayo sya sa pagkakaupo nya. "Okay kalang Dave?" Tanong ko.
"Uhm... Una nako sainyo." Sabi nya sa napakalamig na boses sabay mabilis na umalis. Tinitignan ko pa sya habang mabilis na naglalakad iniisip kung meron ba syang problema nang biglang---
"Pau! Andyan na si Zeus!" Napatingin agad ako sa kinakatayuan ni Zeus, nakita ko sya na hawak hawak yung cellphone nya, malamang kausap na nya si Mary Ann.
Wala si Mary Ann kaya naman sinundan nalang namin si Zeus at dito nya kami dinala sa isang resto. Nasa loob na siguro yung kabit nya at hinihintay na sya.
"Pau, dalian mo!" Bulong ni Joan sabay hila sakin at agad kaming umupo malapit sa inuupuan nila Zeus.
"Hi Ma'am, hi Sir. Good afternoon." Bati samin ng waiter ganun din sa kalapit naming table at inabot samin yung menu.
Kinuha agad naming dalawa at tinago ang mga mukha namin sa hawak hawak namin mga menu. Syempre tinitignan lang namin kung ano yung ginagawa ng dalawa.
Halos hindi sila nag uusap at nakatingin lang sa hawak hawak din nila na menu.
Hindi ko marinig masyado yung sinabi ni Mary Ann dahil sa background music ng resto. Hindi naman maingay ang tunog parang pangchill chill lang na parang hinehele ka sa duyan.
"Aray!" Napasigaw ako at napatingin sa taong sumipa ng paa ko, Si Joan. Tumingin din ako sa kalapit naming table at ng titingin na sakin si Zeus agad kong hinarang yung menu ko sa side ng mukha ko na nakikita nya.
"Bakit!?" Bulong ko pero inis na inis ako nyan dahil nabigla ako sa pag sipa ni Joan. Nakatago rin yung mukha nya sa menu.
Tinuro turo nya yung menu.
"Anong meron?!" Sabi ko. Tumingin ako kila Zeus at ng nasilip ko na hindi na sila nakatingin agad akong tumingin sa menu na hawak ko at sobrang nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko! Jusko! Ang mahal ng presyo nila!!!!
Tumingin ulit ako kay Joan at sumenyas na umalis na kami pero may tinuro sya ulit sa menu at agad ko namang tinignan sa hawak ko under beverages, 190 ang isang order! Magkano lang to sa tabi-tabi. Tumingin ako sa waiter na nakatingin samin na para bang naguguluhan pero sinagot nya kami ng ngiti.
"Ahhh kuya dalawa pong mango matcha" sabi ko sa mababang tono ng boses. Mahirap na baka mabosesan ako ni Zeus magkalapit pa naman yung table namin.
About sa business yung pinag uusapan nila, pero ang iba hindi ko na marinig basta parang sa stock market yung sinasabi ni ate girl at may investment din akong naririnig.
Nilapit ko pa ang ulo ko at nagconcentrate para boses lang ni Zeus ang marinig ko.
"Here's your order ma'am, sir." Sabi ng waiter at maayos na nilapag samin yung mga shakes. Sinagot ko lang ng ngiti.
Nakikinig parin kami sa usapan nila tungkol parin sa business.
Nagsimula narin silang kumain habang kami ni Joan iniinom yung shake na inorder namin.
"So kamusta na? I heard may bago ng nakatira sa kwarto ko ha?" Sabi ni Mary Ann. Kwarto nya? Saan?
Sinagot lang sya ng ngiti ni Zeus.
"Buti nakahanap na kayo ng kapalit ko sa bahay, babae ba?"
Nang marinig ko yun, nanlaki ang mga mata ko at nabigla kaya naman bigla akong naubo dahil nagtuloy tuloy yung ininom kong shake sa lalamunan ko.
Tumalikod agad ako habang umuubo ubo at tinago ang mukha baka kasi makita ako nitong dalawa.
"Nako okay kalang ba?" Napapikit ako ng biglang lumapit sakin si Mary Ann. "Ito oh" sabay abot nya ng tissue. Bakit kasi nag abot pa sya ng tissue meron naman kami.
Pagkatapos kong umubo, huminga ako ng malalim at nagpasalamat sakanya sa napakalalim na boses para hindi ako mahalata.
"Te-thank you."
"Sure ka okay kalang." Sabi ni Mary Ann.
"Oo okay lang sya. Thank you!" Sabi ni Joan na binabaan din ang boses at tumayo para himasin ang likod ko. Kaya naman bumalik na si Mary Ann sa upuan nya.
Dahan dahan akong sumilip sa dalawang sinusundan namin at nakita ko na nakatingin si Zeus samin buti nalang nakatago yung mukha ko at agad kong naiwas yung ulo ko.
Para hindi kami mahalata ni Joan niyaya ko nalang syang lumabas at hintayin nalang yung dalawa sa labas para sundan tutal malapit narin naman sila matapos at isa pa mga tungkol sa business palang yung pinag uusapan nilang dalawa.
Naghintay kami sa di kalayuan at tama nga ang naisip ko siguro mga 10mins palang simula ng lumabas kami, lumabas narin sila.
Para kaming mga holdupper sa ginagawa naming pagsunod sa kanilang dalawa! Hanggang ngayon hindi parin clear sakin kung bakit sila nagde-date ngayon! Magbabalikan naba sila? Ngayon naman papunta kaming park. OMG! Baka may gawin silang milagro.
"Jo, anong gagawin natin papunta tayong park!" Nag aalala kong sabi, maraming pwedeng mangyari sa dalawang nagmamahalan pag nasa park lalo na pag mga ganitong oras na, kalulubog lang ng araw at baka mamaya pumwesto sila sa dilim.
"Pau, kailangan na natin kumilos para mapaghiwalay silang dalawa! Kailangan gumawa na tayo ng hakbang." Minsan nakakatakot palang maging kaibigan tong si Joan.
Nagtago kami sa maraming halaman kung saan nakikita namin na naglalakad ang dalawa, nauna ng kaunti si Zeus at parang may hinahanap? Hindi kaya nag hahanap sya kung saan sila lulugar ng babae nya! Ahhhhhh! Ang sakit ng puso ko.
"Aray!" Sigaw ni Joan. agad akong napatingin sakanya at sumenyas na wag syang maingay.
"Teka nga. Oh s**t!" Sabi ni Joan at napalayo sa mga halaman.
"Bakit!?"
"Ma--may mga bubuyog!" Natatakot na sabi ni Joan. Agad naman akong napaatras din.
"Teka lang?! I have an idea!"
"Ano yun?" Tanong ko sakanya.
Sinagot ako ng ngiti ni Joan na para bang may demonyong sumapi sakanya.
"Do'nt tell me?" Tumango lang sya sa sinabi ko.
Dahan dahan lumapit si joan sa bahay ng mga bubuyog at binali ang sanga na pinagdidikitan nito, maliit palang ang bahay ng bubuyog kaya naman agad nya itong nakuha. Mabilis kaming lumapit sa dalawang taong kanina pa naming sinusundan.
"Sigurado kaba dyan? Baka naman masaktan sila.?" Sabi ko.
"Hindi yan. Itatapon lang natin malapit sakanila at sure ako bigla yan maghihiwalay at lilipat ng lugar WAHAHAHAHA!" feeling ko talaga may sumanib kay Joan ngayon hahaha.
Nakasunod lang kaming dalawa kina Zeus at hinihintay na umupo sila sa bench pero hanggang ngayon naglalakad parin silang dalawa na kala mo na nasa drama series sila. Nauuna parin ng konti si Zeus parang naghihintay lang silang dalawa na may unang magsalita.
Wala pang sampong segundo na hawak ni Joan ang tangkay ng halaman na may bahay ng bubuyog ng bigla nya tong mabitawan dahil kinagat kagat sya.
Napasigaw kaming dalawa dahil pati ako pinagkakagat na ng mga bubuyog halos habulin din kaming dalawa ng mga ito kaya naman wala kaming nagawa kundi sumigaw sigaw habang tumatakbo.
Hindi ko na napansin kung narinig ba kami ng mga taong sinusundan namin o hindi basta ang mahalaga makaalis kami agad para hindi kami kagatin ng mga bubuyog.
Nang napansin namin na hindi na kami hinahabol ng mga bubuyog agad kaming bumalik pero sa iba kami dumaan sobrang kati ng mga kagat nila at ang iba mahapdi na. Nakarami sila samin ni Joan.
Pagbalik namin nakahinto na ang dalawa at nakatayo sa gilid habang pinagmamadas ang tanawin. Pumwesto kami sa mga halaman at nagtago habang tinitignan sila.
Sobrang sakit ng kagat ng mga bubuyog samin bwisit kasi tong mga paandar ni Joan! Malamang mag mamagaan tong mga kagat samin! Ang kati pa!
"Uy dun nga kayo, teritoryo ko to!" Nagulat kaming dalawa ni Joan ng may biglang nagsalita sa tinataguan naming halaman isang taong grasa.
"Kaya naman pala ang baho rito eh." Sabi ni Joan.
"Mabaho? Dun nga kayo! Mamaya makita kayo ng gf ko dito eh."
"Ha?! Hello kuya----" tinakpan ko agad yung bibig ni Joan. "Sorry po, sige po aalis na kami." Sabi ko sabay hila kay joan sa malayong lugar kung saan nakapwesto yung taong graso pero minake sure ko parin na nakikita parin namin yung dalawa.
"Bakit mo ko pinigilan? Tatamaan talaga sakin yun eh, pag aari nya ba yun?"
"Ano kaba pati ba naman taong grasa papatulan mo?" Sabi ko.
"Eh parang nag aasar pa eh parang sinosorry tayo eh na siya may gf? Ahh"
"Ssssh! Wag kanang maingay, aray! Ang sakit ng kagat sakin."
Sumilip ulit kaming dalawa at parehas silang nakatalikod at nakatingin ng malayo, mukang seryoso na pinag uusapan nila pero hindi namin naririnig.
Humarap kay Zeus si Mary Ann at nakatitig lang to sa matangkad na lalaki at bigla nyang niyakap.
Halos mapaatras naman ako sa nakita ko at nakaramdam ng kirot sa puso. Napaisip ako bigla, bakit ko ba'to ginagawa?
Nakatingin parin ako sakanilang dalawa bumitaw sa pagkakayakap si Mary Ann pero magkatitigan parin silang dalawa hanggang akma nyang hahalikan si Zeus, napatalikod agad ako at napaupo sa lupa.
Agad naman akong niyakap ni Joan.
Hindi ko kaya....
Hindi ko kayang makita na magkahalikan sila.
Biglang sumikip yung dibdib ko na para bang hindi makahinga at parang may gumuguhit sa puso ko na parang tinutusok tusok ng karayom.
"Pau...." Sabi ni Joan habang hinahawak hawakan ang likod ko.
Tumingin ako kay Joan at hindi ko alam bakit biglang tumulo ang mga luha ko sa mga mata.
"Pau. Tara na."