Chapter 13: try out

1565 Words
Kinabukasan halos lantang gulay akong pumasok ng maalala kong hindi ko pala nakuha yung number ni Archee dahil sa pagmamadali kong makauwi sa bahay para mahuli yung tatlo pero BBQ lang pala ang makakapigil sa inis ko sakanila. Sobrang napuyat din ako dahil sa ka-kaluto at kaka-kain ng BBQ, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ako lang ang mukang haggard saming apat! Yung tatlo ang fresh parin nilang tignan, Kakainis! "Huy kumain kana!" Sabi sakin ni Joan. "Wala akong gana mas gusto ko pang matulog nalang." Sagot ko habang nakahiga ang ulo sa lamesa. Buti nalang malapit na ang foundation day kaya naman halos wala na kaming klase ngayon, yung ibang prof. Pumapasok sa klase pero hindi na nagtuturo. "Bilisan mo dyan! After natin dito punta tayo sa gymnasium!" Masayang sabi ni Joan. "Ha? Ano na namang gagawin natin dun?" "Duh!? Babae kaba o lalaki? Malamang manonood tayo ng mga lalaking mag ta-try out para sa basketball tournament! Naalala mo yung nakita natin before? Yung maraming umpukan na lalaking estudyante?" Ng sabihin yun ni Joan bigla kong inalala yung sinasabi nya, ahhh oo, naalala ko na! ayun nga pala yung nakita ko rin si Radcliff. Pagkatapos naming kumain agad na nag aya si Joan sa gymnasium kahit pa asar na asar na sya sakin dahil sobrang tagal kong kumain. Nasa labas palang kami marami na ang pumapasok sa loob halos lahat babae at beki. Dyusko! Nakakahiya pag may nakakita sakin dito, kilala pa naman ako sa pagiging dalagang pilipina ko. Joke lang! Umupo kami sa bandang pintuan dahil nga medyo puno narin ang loob ng gymnasium specially sa gitna at harap kaya yung sa mga gilid nalang ang may available seat. Halos mabingi ako sa sigawan nila to think na try out palang to ha. Pero yung tilian nila hindi yung tulad sa 3 handsome prince na may halong kalibugan haha dito pure cheer lang. "Huy diba si Radcliff yun?" Bulong ni Joan. Agad naman akong tumingin sa tinuturo ng nguso nya sa gilid ng entrance. Sa pag siyasat ko napagtanto ko nga na si Radcliff yun, anong ginagawa nya dito? Bakit parang nagtatago sya at nakasilip? Oh knows! Hindi kaya kabandera ko rin si Rad?! At talagang napansin pa ni Joan si Radcliff ha sa kabila ng halos hindi na makita mula sa inuupuan namin si Radcliff! Kung yung mga kasama nga namin dito kahit ako hindi sya napansin eh bago itong si Joan. Haha iba ka talaga friend. Tumayo ako bigla."huy! San ka pupunta!?" Sabi ni Joan. "Wait lang." Bumaba ako at lumapit sa entrance pero nagulat si Radcliff ng makita nya ko sa harapan nya at agad na naglakad. "Rad?" Sabi ko na agad naman nagpatigil sakanya."a-anong ginagawa mo rito?" "Ahhh.... ahhh... wa-wala, wala." Natataranta nyang sabi kaya naman nilapitan ko sya at tumayo sa harap nya. "Don't tell me?" Sabi ko sabay tumingin sakanya ng parang may something pero basically sinasabi ko kung kabandera ko sya. "Ahh?" "Okay lang yan, di naman magbabago tingin ko sayo." Sabi ko sabay ngiti. Pero sa totoo lang alam ko namang hindi ko katulad si Rad dahil hindi ko naman sya naamoy, inaasar ko lang sya. Syempre alam ko naman na marami rin talagang lalaking nanonood ng basketball ang gusto ko lang malaman is bakit kailangan nya pang magtago sa gilid, oo give na, na baka magkagulo sa loob pag nakita sya pero nacucurious lang ako kung bakit andito sya at bakit nakita ko rin sya sa bulliten board ng basketball. "Ha? Hindi, hindi. Mali iniisip mo." Sabi nya na sobrang kinakabahan. "O ano nga? Bakit andyan ka lang sa labas? Sabi ko. "Oh Rad! Mag ta-try out ka naba?" Biglang singit ng isang lalaki sa usapan namin kaya naman napatingin ako sa likuran ko. "Ha? Hindi, hindi. Napadaan lang ako." Mabilis na sagot ni Rad. "Ay sayang naman! Ang galing mo pa naman mag basketball, sayang kung hindi ka sasali. Minsan lang to." "Wait! Rad? Wait, wait? Ibig sabihin magaling magbasketball si Rad?" Gulat na gulat na sabi ko. "Hindi mo alam?! Diba ikaw yung kasama nila sa bahay? Ahmm... Paulo no?. Sobrang lakas kaya mag basketball nito, shooter yan!" Sabi ng lalaki, teka di ko naman sya kilala ha? Pano nya ko nakilala? Iba talaga ang impact pag kasama mo ang 3 handsome prince. "Oh pano? Basta pag gusto mo mag try out punta kalang sa gym, may oras pa naman oh try mo lang." Sabi ng lalaki na sinagot naman ng ngiti ni Rad. Nang maglakad ang lalaki papasok ng gym naglakad narin si Radcliff palayo ng gym kaya naman hinabol ko sya. "Uy, Rad! San ka pupunta?! Hindi mo ba susubukan mag try out?" Sigaw ko. Huminto sya sa paglalakad at tumingin sakin. "Tara na! Try mo lang wala namang mawawala." Dagdag ko pa. "Pano pag hindi ako natanggap?" "Ano ka ba, Matatanggap ka nyan! Hindi mo ba narinig yung sinabi nya kanina? Na magaling ka? Ta-try mo lang naman, Kung hindi ka matatanggap edi try ulit natin next year!" Sabi ko sabay ngiti sakanya. Hindi ko alam kung anong exactly yung sinabi ko pero napapayag ko rin si Radcliff. Sabay kaming pumasok sa loob ng gym ni Rad at agad nyang kinausap yung lalaking nakasalubong namin kanina. Halata ang pagkagulat nito pero nataranta rin sya para ibigay ang papel kay Radcliff. Nagtilian naman yung mga estudyanteng nanonood ng try out ng makita nila si Radcliff. Kinwento ko narin kay Joan kung anong nangyari sa labas kung bakit biglang sali si Rad sa try out. Grabe ang gagaling nila. Sobrang na-amazed talaga ako sakanila pag nashu-shoot nila yung bola sa ring. Lalong lalo na kay Radcliff halos mabingi na nga ako sa tiliian ng mga tao dito pag tumitira si Rad. Pagkatapos ng try out naiwan pa ang mga manlalaro para sabihin kung pasok ba sila o hindi nag isa-isahan naring umalis ang mga estudyante sa loob dahil pumasok na sa isang room ang mga nagtry out para sabihin kung pasok ba sila sa team. Lumabas narin kami ni Joan para hintayin sa labas si Rad pero ilang minuto palang ang lumipas simula ng lumabas kami nagpaalam na sakin si Joan para umalis, magkikita kasi sila ng mama nya kaya ako nalang ang naiwan sa labas para maghintay kay Rad. Lumipas pa ang ilang minuto at paisa isa ng lumalabas ang mga nagtry out kanina. Pagkalabas ni Rad kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung pasok ba sya sa team. Pero parang napunit yung puso ko ng lumabas sya na malungkot ang mukha. Mukang hindi ata sya natanggap. Lumapit ako sa kanya para yakapin sya pero hindi pako nakakalapit ng bigla syang ngumiti. "Pasok ako!" "Ha? Di nga? Nakapasok ka!!!!?" Yung lungkot na nararamdaman ko napalitan ng saya at napayakap naman ako sakanya ng mahigpit. Pero deep down sa puso ko alam ko naman na na makakapasok sya dahil sa galing nya. "Ohmygad! Ang galing mo talaga Rad! Nakapasok ka! Im so proud!" "Thank you kasi in-encourage mo kong sumali. Kung hindi dahil sayo hindi ako makakapasok sa team." "Ano kaba dahil yun sa galing mo kaya ka nakapasok! Ohmygad kasama kana sa team!" "Oh basta Pau ha, i-cheer mo ko sa game ko ha!" Masayang sabi ni Rad. "Oo naman no! Kahit hindi mo sabihin ichi-cheer kita papalagpasin ko bang mapanood ang number one basketball player na ka-kilala ko?! Ako ata ang number one fan mo!" Sabi ko. "Ha? Eh wala ka naman talagang kilalang ibang basketball player eh!" Sabi ni Rad. "Heh?? Ahmm.. di na mahalaga yun, ang mahalaga kasali ka sa laro para sa foundation day! Wahahaha! Tara na umuwi na tayo at magluluto ako ng masarap na pagkain dahil nakapasok ka sa team!" Sabi ko at agad na naglakad para hindi na magtanong pa si Rad sakin tungkol sa mga basketball player. *** "Wow! Ang dami namang pagkain?" Napatingin kaming dalawa ni Rad sa may ari ng boses, si Dave. "Nag abala pa kayong maghanda. Thank you, thank you. Pero hindi nyo naman na kailangan gawin to." Dagdag pa ni Dave sabay upo sa lamesa. "Anong sinasabi mo?" Sabi ko kay Dave. "Eh diba kaya kayo naghanda dahil nakapasok ako sa swimming team?" Nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng marinig ko na nakapasok din si Dave. "Ha!? Talaga!? Ohmygad congrats!" "Wait hindi nyo alam?" Umiling kaming dalawa ni Rad. "Pambihira naman! Kala ko alam nyo na, eh bakit ang sasarap ng pagkain ngayon?!" "Uy lagi naman masarap yung luto ko ha!" "I mean bakit ang dami nating food kala ko nagcecelebrate tayo sa pag pasok ko sa swimming team?!" "Aaaahh.. nakapasok din kasi si Rad sa basketball team kaya nagcecelebrate tayo at since na nakapasok karin sa swimming team kasama kana sa celebration." Paliwanag ko kay Dave sabay ngiti. "Ay nga pala kasama rin sa celebration si Zeus." "Ha bakit? Sumali rin sya sa sports?" Tanong ko sa kumakain ng si Dave. "Representative sya ng department para sa king of the night! Actually sinasali rin ako duon pero alam ko naman na pag kasali ako matatalo ko lang si Zeus kaya nag back out nalang ako at sumali sa swimming hahahaha!" Sabi ni Dave. Napatingin naman kami sa paparating na lalaki si Zeus na agad namang naramdaman ni Dave kaya umubo nalang sya kunwari. "Anong sinasabi mo?" Sabi ni Zeus sabay upo sa lamesa. "Ah wala, wala!" Nagkatinginan naman kami ni Rad at napatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD