Chapter 17: the mystery girl

1876 Words
Pag gising ko ngayong umaga ang bigat ng pakiramdam ko. Sobra parin akong nalulungkot sa pag alis ni Radcliff dito sa bahay, malamang may konting pagkainis sakin sina Dave at Zeus dahil ako yung dahilan kung bakit umalis si Rad dito sa bahay kung hindi sakin, siguro andito pa sya at masaya parin silang magkakasama. Pagkababa ko sa kusina nakita ko si Dave na galing sa CR. "Good morning." Sabi ko pero sinagot nya lang ako ng pag tango ramdam parin ang pagkawala ni Rad ngayon. "Ah Dave, may gusto ba kayong kainin para sa breakfast?" Sabi ko para makausap ko si Dave. "Kahit ano nalang Pau..." sabi nya at bumalik na sya sa taas. Habang kumakain kami bakas mo sa dalawa na wala silang ganang kumain kahit si Dave parang wala sa sarili, hindi sya yung madaldal ngayon at laging nakangiti hindi rin kami nag uusap tatlo feeling ko tuloy ako yung sinisisi nila kung bakit hindi na namin kasama ngayon si Rad, pero alam ko naman na hindi nila ako sinisisi, pakiramdam ko lang naman yun. Pagkatapos namin kumain umakyat na silang dalawa sa kwarto nila habang ako inaayos yung pinagkainan namin, malungkot ako dahil di na namin kasama si Rad kaya naman naisipan kong pumunta sa grocery para bumili ng ice cream. Pero pagbalik ko sa bahay may nakita akong kulay blue na sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay. Baka ito na yung boarder na magiging kapalit ni Rad. Nagmadali akong pumasok sa bahay at laking gulat ko ng makita ko si Rad na yakap yakap si Dave at masayang nagkakamustahan. "Pau! Bumalik na si Rad!" Masayang bati sakin ni Dave ng makita nya ko sa pintuan. Agad namang lumingon sakin ang Mama ni Rad at nagtama yung mga mata namin. Sabay bigla kong naalala yung sinabi ko sa Ginang na pabalikin nya lang si Rad dito sa bahay at nangangako akong aalis at lalayuan ko na si Radcliff. Gusto ko mang yakapin si Rad pero hindi ko pwedeng sirain yung pangako ko sa Nanay nya. Iniwas ko yung tingin ko at yumuko. "pasensya napo Mam, kukunin ko lang po yung mga gamit ko sa taas." Sabi ko sa malungkot na boses at akma nang aakyat sa taas. "Pau, hindi mo ba ako na-miss?" Sabi ni Rad na agad namang nagpaharap sakin. "Na-miss, masaya ako na nakabalik kana." Sabi ko at hindi ko na napigilan pang maluha, sobrang saya ko na nakabalik na si Rad sa bahay gusto ko syang yakapin pero nangako ako sa Mama nya na lalayuan ko na si Rad at aalis na ako sa bahay nato once na bumalik na sya dito. "maraming salamat po mam dahil pinagkatiwalaan nyo po ulit si Rad, sobrang saya ko po..." sabi ko sa malungkot ng tono. "sige po, tulad po ng sinabi ko hindi napo ako lalapit kay Rad at aalis narin po ako dito, bigyan nyo lang po ako ng ilang minuto para ayusin po yung mga gamit ko at aalis narin po ako." Sabi ko pa habang umiiyak. Nakita ko rin si Zeus na biglang tumingin sakin. "Bakit saan ka pupunta?" Tanong ng Ginang. "Po?" "Akala ko ba sabi mo aalagaan at poprotektahan mo tong anak ko? Kung aalis ka, eh sino nang magbabantay sa kanya? Itong dalawang to? Eh wala nga akong tiwala sa mga yan!" "Tita naman!" Sabi ni Dave sabay tawa. "Po?" Sabi ko habang naguguluhan parin sa nangyayari. "Ang ibig kong sabihin hindi mo na kailangan pang umalis dito sa bahay at layuan ang anak ko." "Ta--talaga po?" Sabi ko at sinagot naman ako ng Ginang ng pagtango sabay ngiti. Tumingin ako kay Rad na nakatingin ngayon sakin at nakangiti. Napaiyak nako ng malakas at mabilis na tumakbo papalapit kay Radcliff para yakapin. "Akala ko hindi na kita makakausap, sobra kitang namiss." Sabi ko habang nauutal utal pa dahil sa pag iyak. "Namiss ko rin kayo and prepare your self kasi wala ka nang choice you're stuck with me." Sabi pa nya sabay tawa. Hindi ako makapaniwalang bumalik na si Rad sa bahay namin pero bago umalis ang Mama nya sinabihan nya kong bantayan ko ang anak nya at wag na wag kong hahayaang mapagod o maglaro ulit ng basketball si Radcliff. Sumang ayon ako sa Nanay nya at nangakong hindi sisirain ang pangalawang pagkakataong binigay nya samin. Bumalik ang sigla sa bahay at lahat kami maganda ang tulog, hindi na nga kami talaga sanay na hindi magkakasama. Kinabukasan halos lahat kami maagang nagising at pumasok. Balik narin kami sa normal pero ngayon mas marami ang tumitili sa pagdating ng 3 annoying men dahil narin siguro na nakita nila na bumalik na si Rad sa grupo. Gawa siguro ng pagbalik ni Rad sa bahay, sa sobrang saya ko halos magbida bida nako sa mga klase ko ngayong araw hahaha! Atleast ngayon may natutunan ako sa lesson namin, ngayon ni hindi ko na nga namalayan na lunch break na pala kung hindi pako yayaing lumabas ni Joan di ko pa alam na lunch break na pala. Umupo kami sa usual spot namin pag lunch break. "Huy alam nyo naba yung balita?" "Ha, anu yun?" "May pumunta raw na babae rito galing sa ibang university at alam nyo ba kung sino yung pinuntahan nya dito?" "Sino!?" Sabay sabay pa talaga sila. "Si Zeus!" Nanlaki yung mga mata ko at napatingin sa mga estudyanteng nag uusap. "Ha? Sino yung babaeng yun?" "Baka girlfriend nya?" "Ayun ba yung ginawan nya ng kanta?" Sabi pa nung isang babae sabay biglang napatingin sakin kaya nagtama yung mga mata namin, agad ko namang iniwas yung tingin ko sakanya at kunwari na may ginagawa ako. "Ah Excuseme! Ikaw ba yung Paulo?" Napatingin ulit ako sakanya, sya yung naka eye to eye ko. "Ha? Oh.... o ako nga, bakit?" "Diba mag kasama kayo sa bahay nila Zeus? Kilala mo ba kung sino yung babaeng yun? Yung pinag uusapan namin? Yung bumibisita kay Zeus?" "Ha? Ano po... ahhh... hindi ko kila-- Hindi ko pa nakikita kung sinong babae yung tinutukoy nyo eh." Sabi ko. "Mary Ann yung pangalan nung girl, Mary Ann Manalastas!" Nanlaki ulit yung mga mata ko at bumalik sa ala-ala ko yung gabi sa king of the knight nung marinig kong binanggit ng mga babae sa likod namin yung pangalang Mary Ann na ginawan ng kanta ni Zeus. Wait? Andito sya ngayon sa school? Anong ginagawa nya rito? "Ano kilala mo ba? Girlfriend nya ba yun?" "Ha? Hi-hindi ko kilala?" Sabi ko sabay bumalik ako sa ginagawa ko, napatingin naman ako kay Joan na nakatingin din sakin. "Nako sabi sainyo wala syang alam eh, personal life na kasi ni Zeus yun eh" singit ng kasama nila. "Halika na nga!" Yaya pa nung isa at tuluyan na silang umalis. Huminga ako ng malalim at hiniga ko yung ulo ko sa lamesa. "Huy may alam kaba dun?" Tanong ni Joan habang nginunguya nya yung pagkain nya. "Wala..." sabi ko sa malungkot na boses. Ano batong nararamdaman ko? Bakit parang..... Bakit parang may tumutusok sa puso ko? Bakit parang nasasaktan ako? Nagseselos ba ako? Hindi, hindi! Tama hindi ako nagseselos! Wala akong gusto kay Zeus! "Tama!" Sigaw ko sabay kinuha yung lunch ko at mabilis na kumain. "Ay nabaliw na." Sabi ni Joan. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa room para hintayin yung next subject namin. Pero simula ng pumasok yung prof. Namin, bakit parang wala akong maintindihan? Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan yung mga ulap. Parang wala ako sa mood mag-aral. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko yung nalaman ko kanina na may kinikitang babae si Zeus. Haaay hindi, hindi! Dapat focus lang ako sa pag -aaral, alalahanin mo Paulo yung goal mo! Na dapat may marating ka! Haaaay... at ano bang pakelam mo sakanila? Lalo na sa robot nayun?! "Ano bang nangyayari sakin? Hindi ba dapat nag aaral ako ng mabuti? Bakit kung anu-ano tong iniisip ko!" "Oo nga naman bakit ano bang iniisip mo?" Bulong sakin. "Marami! Tsk! Haaaay.... bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Sa tingin mo ba normal lang to?" "Actually hindi to normal." "Napaka kontrabida mo talaga!" Sabi ko kay Joan pero nagtawanan lahat ng classmate namin kaya naman parang bumalik yung diwa ko at nanlaki yung mga mata ko ng makita ko sa tabi ko yung prof. Namin at sa gilid nya nakatayo si Joan. "Ma'am...?" "Kontrabida ha. Mr. Paulo, isa sa pinakamagaling kong estudyante. Mukang malalim ang iniisip mo ha." "Ma'am, ano kasi---" kinabahan ako bigla dahil first time mangyari sakin to, nilibot ko yung mga mata ko sa classroom at nakatingin silang lahat sakin. "Mukang kailangan mong maghilos Mr. Paulo, lumabas ka muna at maghilamos sa wash room." Sabi ng prof. Namin na agad ko namang sinunod. Nagmadali akong bumaba sa washroom para maghilamos, nasa secondfloor kami kaso nasa kabilang dulo pa ang washroom malapit lang ang hagdan sa room namin at sa gilid ng hagdan may washroom kaya dun nalang ako pumunta. Binasa ko yung mukha ko at tinapik tapik yung dalawa kong pisngi at huminga ng malalim. Aakyat na sana ako ng hagdan ng makita ko si Archee kaya naman napatigil ako, sinalubong nya agad ako ng ngiti. "Kamusta na?" Sabi nya. "Okay lang. Ikaw kamusta kana?" Sabi ko naman pero natigilan kami ng marinig namin sa di kalayuan ang mga nag uusap na estudyante. "Huy andyan yung GF ni Zeus! Nag uusap sila sa garden!" Bulong ng babaemg estudyante malapit lang yung garden dito sa gilid lang kaya naman napalakad ako bigla pero bigla ulit akong napahinto. Ano batong ginagawa ko? Bakit ko titignan silang dalawa? Wala naman akong pakilam sakanila eh! Tumingin ako kay Archee na ngayo'y nakangiti. "Tara! Tignan natin." Sabi nya sabay hila sakin at naglakad kami sa gilid para silipin yung GF ni Zeus. Napatigil ako at napahawak sa dibdib ko ng makita ko ang babaeng kausap ni Zeus, sobrang bilis ng t***k ng puso ko na parang may nakabara, hindi ako makahinga. Sobrang ganda nung Mary Ann. Maputi, medyo singkit, payat at matangkad. Ang buhok nya lagpas balikat nakahawak sya sa mga kamay ni Zeus habang nakangiti. Bakit ko nararamdaman to, bakit parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko, ang sakit. Pumikit ako at naglakad papaalis. "Paulo! Wait lang! San ka pupunta!" Nanlaki yung mga mata ko ng biglang sumigaw si Archee at agad naman akong sumenyas sakanya na wag maingay dahil baka marinig ni Zeus. Ayoko kasing isipin nya na nakikiisyoso ako sa buhay nya. Agad akong tumakbo kay Archee at tinakpan ko ng mga kamay ko yung bibig nya sabay tingin sa dalawa, hindi nakatingin samin si Zeus baka hindi nya narinig kasi marami ring namang estudyante sa gilid gilid. "Hindi ko pa nakukuha number mo." Sabi nya pagkatanggal ko ng kamay ko sa bibig nya. Ngumiti sya sakin at kinuha yung cellphone nya sa bulsa nya at binigay sakin. Tumingin lang ako sa kanya pero nakangiti parin sya at patang sinasabi nya sakin na ilagay ko yung number ko. Tumingin ako sa hawak nyang cellphone at huminga ng malalim. "Akina nga, magpakilala ka. Suplado ako sa text" pabiro kong sabi. agad kong tinype yung number ko at mabilis na tumakbo. Pero napahinto ako ng makalahati ko na ang hagdanan. Bakit ganito? Bakit ganito yung nararamdaman ko???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD