CHAPTER XIV: THIS GUY

1444 Words

PAGKAALIS ni Dylan ay naiwang mag-isa si Erin sa unit ng binata. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng unit at napabuntong-hininga na lang siya. Gusto sana niyang maglinis ng unit ngunit kahit yata isang alikabok ay wala siyang makita. Masyadong malinis at maayos ang loob ng unit ni Dylan. Hindi rin naman umuuwi ang binata tuwing tanghali dahil doon na sila kumakain sa cafeteria ng university o ‘di kaya ay sa malapit na restaurant sa labas ng university. Ngayong nagpasya na siyang tumigil ay mag-isa na lamang si Dylan doon. Kung sabagay ay Mr. Congeniality naman si Dylan. Marami itong makakasama na mga kaibigan at kakilala nito sa school. Wala nang gagawin si Erin roon kung hindi hintayin na naman si Dylan na makauwi galing sa university. Napabuntong hininga na lang siya na umupo sa so

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD