CHAPTER IX: MEETING THE NEW GUY

2138 Words

PATULOY na umiiyak si Erin habang hinihintay na sagutin ni Dylan ang tawag. Nakailang tawag na siya sa kaibigan ngunit nakapagtatakang hindi nito kaagad sinasagot ang cellphone nito. Hindi pa nangyaring hindi sinagot ni Dylan ang tawag niya. Kahit ano’ng oras o kahit ano pa ang ginagawa nito ay palagi itong sumasagot sa kaniya. She dialled his number once again. She needed to talk to her bestfriend. Kailangan niyang may mapagsabiban ng sama ng loob. Nang sa wakas ay sinagot na ni Dylan ang kaniyang tawag. “Erika…” bati nito mula sa kabilang linya. “Are you crying?” nag-aalalang tanong nito. Marahil ay narinig nito ang marahas niyang paghinga at ang pagsinok niya. Kung kaya pa ng dibdib niya ay itatago niya kay Dylan ang pag-iyak niya. Ngunit sumusobra na ang daddy niya. Hindi na kayang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD