"Onyx saan ba tayo pupunta?" Nagtataka si Aza sa biglang pag-aaya ni Onyx na lalabas sila, pinag-ayos siya nito ng maaga at ngayon ay nasa biyahe nila gamit kotse ni Onyx at walang ideya si Aza kung saan sila pupunta since walang binabanggit si Onyx. "Chill ka lang diyan Aza, malapit na tayo." ngiting ani ni Onyx kay Aza na nakatingin sa kaniya. "Alam ba nina Ash na hindi ka papasok sa KAC ngayon?" "Ofcourse they know, ako ang nanalo sa bato-bato pick kaya ako ang mauuna." ani ni Onyx na ikinakunot ng noo ni Aza. "Bato-bato pick?" "Don't mind what I said. Kalma ka lang diyan at alam kong magugustuhan mo ang pupuntahan natin. Besides it will help you to divert your mind in other things para kahit papaano ay hindi mo namimiss si Titus pansamantala." pahayag ni Onyx. "Hindi ko naman

